00:00Hanggang 1 billion piso leadership fund ang natanggap umano ng ilang senador noong 19th Congress
00:05ayon kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kanyang pagtestigo
00:10sa kasong malversation laban kay dating senador Bong Revilla.
00:14Ang ilang senador na nabanggit, pinalagan ang naging pahayag ni Bonoan.
00:18Balita natin ni Maki Pulido.
00:23Leadership fund, kung tawagin ni dating Department of Public Works and Highways
00:28o DPWH Secretary Manuel Bonoan ang alokasyon sa budget na inilaan sa mga senador ng 19th Congress.
00:35Pagtestigo niya sa malversation case laban kay dating senador Bong Revilla sa Sandigan Bayan,
00:40sinabi niyang may tig 24 billion pesos ang inilaang pondo para dito sa 2024 at 2025 DPWH budget.
00:48Hindi bababa sa kalahating bilyong piso kada senador,
00:52isang bilyong piso kung chairman ng kumite o may senate leadership position.
00:56Si senador MIG Zubiri na noong ay senate president ang may discretion umano sa hatian.
01:01Pero tugon ni Zubiri ni minsan hindi siya nag-request o humawak na anumang listahan ng project request ng mga
01:08senador.
01:08Lahat umano ng request ay idinaan sa Senate Committee on Finance na tagapangasiwa ng budget process sa senado.
01:15As long as it is no corruption, it is transparent and requested by the agency, I don't see anything wrong,
01:23Mr. President.
01:25So again, I reiterate that there is nothing wrong with the institutional amendments.
01:30For as long as projects are properly implemented, that they are neither ghost projects nor substandard.
01:38Nang tanungin naman ng prosecution si Bunoan kung sino pa ang nagpadaan ng listahan kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
01:47itinuro ni Bunoan sina Sen. Bongo, Robin Padilla at Jingoy Estrada.
01:52Natanong din si Bunoan ang Mahistrado kung may nagpasalamat ba sa mga nagpalista ng proyekto.
01:57Maliban daw kay Revilla, nagpasalamat rin daw si Sen. Aimee Marcos.
02:01Sabi naman ng Senadora, hindi niya alam kung anong sinasabi ni Bunoan, pero lagi daw siyang nagpapasalamat sa mga ahensyang
02:08nagdadala ng proyekto sa kanyang probinsya.
02:11Kababayan ko si Sekretary Bunoan, hindi ko alam kung anong pasasalamat ang tinutukoy diyan.
02:17Nagpapasalamat rin naman ako kay Sekretary Gatchelian, dati Sekretary Erbosa.
02:23Ayon naman kay Sen. Robin Padilla.
02:25Sana lang po sa susunod pag kami nagsulat ng ganyan, ituloy-tuloy nyo naman kasi nabanggit kami pero hindi nabanggit
02:32na FLR yun for later release.
02:34Si Sen. Bongo sinabing malisyoso ang naging testimonya ni Bunoan.
02:39Sigurado po ako na wala naman tayong ipinasang listahan kay Yusek Bernardo.
02:45Sa anumang listahan na yan, pakiklaro lang po na napakaraming listahan talaga ng proyekto na dapat aksyonan ng DPWH sa
02:52ngayon.
02:52Pero hindi ito nangangahulugan na konektado po ito sa flood control o korupsyon.
02:58So bago lagyan ng kulay ang pagbanggit ng pangalan ko ni Sen. Robin sa kanyang testimonya, bigyan sana ng tamang
03:07konteksto.
03:08Hinihinga namin ang reaksyon si Sen. Estrada.
03:11Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA News.