00:00Dumipens na po ang mga senador na binanggit ni dating DPWH Secretary Manning Bonoan
00:04sa kanyang pagtestigo sa kasong malversation labang kay dating Senador Bong Revilla.
00:09Ang sabi po ng dating kalihin na katanggap umano ng Leadership Fund
00:13na abot sa 500 milyon piso hanggang 1 milyon piso ang mga senador noong 19th Congress.
00:20Saksi, si Maki Pulido.
00:25Leadership Fund, kung tawagin ni dating Department of Public Works and Highways
00:29o DPWH Secretary Manning Bonoan
00:32ang alokasyon sa budget na inilaan sa mga senador ng 19th Congress.
00:36Pagtestigo niya sa malversation case labang kay dating Senador Bong Revilla sa Sandigan Bayan,
00:41sinabi niyang may TIG 24 billion pesos ang inilaang kondo para dito sa 2024 at 2025 DPWH budget.
00:50Hindi bababa sa kalahating bilyong piso kada senador,
00:53isang bilyong piso kung chairman ng kumite o may Senate leadership position.
00:58Si Senador Migs Zubiri na noong ay Senate President ang may discretion umano sa hatian.
01:03Pero tugon ni Zubiri, niminsan hindi siya nag-request o humawak na anumang listahan
01:08ng project request ng mga senador.
01:10Lahat umano ng request ay idinaan sa Senate Committee on Finance
01:14na tagapangasiwa ng budget process sa Senado.
01:16As long as it is no corruption, it is transparent and requested by the agency,
01:23I don't see anything wrong, Mr. President.
01:26So again, I reiterate that there is nothing wrong with the institutional amendments
01:32for as long as projects are properly implemented,
01:36that they are neither ghost projects nor substandard.
01:39Nang tanungin naman ng prosecution si Bunoan kung sino pa ang nagpadaan ng listahan
01:44kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
01:48itinuro ni Bunoan sina Sen. Bongo, Robin Padilla at Jingoy Estrada.
01:53Natanong din si Bunoan ang Mahistrado kung may nagpasalamat ba sa mga nagpalista ng proyekto.
01:58Maliban daw kay Revilla, nagpasalamat rin daw si Sen. Aimee Marcos.
02:03Sabi naman ang senadora, hindi niya alam kung anong sinasabi ni Bunoan,
02:06pero lagi daw siyang nagpapasalamat sa mga ahensyang nagdadala ng proyekto sa kanyang probinsya.
02:12Kababayan ko si Sekretary Bunoan, hindi ko alam kung anong pasasalamat ang tinutukoy diyan.
02:19Nagpapasalamat rin naman ako kay Sekretary Gatchalian, dati Sekretary Erbosa.
02:24Ayon naman kay Sen. Robin Padilla.
02:26Sana lang po sa susunod pag kami nagsulat ng ganyan, ituloy-tuloy nyo naman
02:30kasi nabanggit kami pero hindi nabanggit na FLR yun for later release.
02:36Si Sen. Bonggo sinabing malisyoso ang naging testimonya ni Bunoan.
02:40Sigurado po ako na wala naman tayong ipinasang listahan kay Yusek Bernardo.
02:46Sa anumang listahan na yan, pakiklaro lang po na napakaraming listahan talaga ng proyekto
02:51na dapat aksyonan ng DPWH sa ngayon.
02:54Pero hindi ito nangangahulugan na konektado po ito sa flood control o korupsyon.
02:59So bago lagyan ng kulay, ang pagbanggit ng pangalan ko ni Sen. Robin sa kanyang testimonya,
03:07bigyan sana ng tamang konteksto.
03:09Hinihinga namin ang reaksyon si Sen. Estrada.
03:12Ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Comments