- 19 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 1) 4 na kabataang tumalon sa Marilao River, hinahanap; 3rd day ng paghahakot sa Dagat ng basura; Sen. Raffy Tulfo vs Sen. Pia Cayetano, atbp
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04Live from the GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:17Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:22Sinusuyod ng mga otoridad ang Marilau River sa San Jose Dalmonte, Bulacan
00:26para hanapin ang apat na kabataang tumalon sa gitna ng malakas na ragasan ng tubig.
00:33Ayon sa barangay, sinaway nila ang mga kabataang naliligo nang makita ang mga ito, pero bumalik muli.
00:39Magpapaligsahan umano ang mga kabataan sa kung paano makakatawid sa rumaragasang ilog.
00:46Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:50Ayaw magpasamaya, malakasin ba?
00:52Sa kasagsagan ng malakas na ragasan ng tubig sa Marilau River sa San Jose Dalmonte, Bulacan itong lunes,
00:59sinaway sa paliligo ng mga tanod ng barangay Gaya-Gaya ang mga kabataang nasa pampang ng ilog.
01:06Animo'y naghihintay ng tamang pagkakataon para muling mag-swimming sa rumaragasang ilog.
01:12Sumunod naman ang mga bata.
01:15Pero makalipas ang ilang sandali, muling bumalik ang ilang kabataan.
01:20Walang takot na tumalon sa ilog kahit napakalakas ng agos.
01:27Napakikpit po namin, kaya lang sadya pong matitigas din yung ulo ng mga bata.
01:35Nangagalit pa nga po, nagpapaligsaan sila kung paano makakatawid.
01:40Na talagang para sa kanila isang laro lang yun.
01:42Yung pong nakita nyo sa video na limang mga bata, ay lahat po yun nakatawid eh.
01:47Minsan may nagsalita pa doon eh, anong pakialam niya sa amin?
01:51So ganun po.
01:52So ngayon nagtawag pa kami ng ibang mga tanod para matulungan po kami na mapaalis sila.
01:56Hindi na kuna ng video, pero may apat paumanong kabataang magkakahiwalay na tumalon
02:01sa iba't ibang bahagi ng nasabing ilog noong araw na yun.
02:05Pero inano daw ng malakas na agos ng tubig at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.
02:11Kabilang dyan ang 13 anyos na taga-barangay Gaya-Gaya na si Ron Jean Alciso, nakagaling lang sa Takloban.
02:19Ayon sa barangay, sinuyod nila ang magkabilang pampang ng ilog na sakop ng barangay Gaya-Gaya
02:24pero hindi pa rin makita.
02:26Maging ang tatlo sa apat na kinilala ng barangay.
02:30So sa ngayon po ay missing pa siya.
02:32Although maghapon po kahapon ang search and rescue.
02:38Nakarating po hanggang kabilang bayan ng Bulacan, which is Marilaw,
02:44pero wala pa po kami nakita so far.
02:48Ang mga magulang ni Ron Jean, labis-labis na ang pag-aalala.
02:52Hindi ko nga pa matanggap, lalo hindi ko pa po siya nakikita eh.
02:56Bawat oras na ako lang mag-isa, naisip ko, bakit nangyari yun?
03:01Saka kung sana nga, dapat hindi na lang muna dumiretso dito,
03:05doon na lang sa Maynila, para nais kasama namin.
03:08Ako na lang po sana kinukuha, wag lang po yung anak ko.
03:11Ako na lang.
03:12Yung anak ko kasi may ano pa yun eh, may kinabukasan pa yun eh.
03:14Sa ripra po na ito sa baba ng bakal na tulay,
03:18dito po sa barangay Gaya-Gaya, pinaniniwala ang tumalon niyong isa sa mga biktima.
03:23Ayon po sa barangay, eto pong ilog na ito,
03:26eh talagang pinaliligoan ng mga residente tuwing normal na araw.
03:29Pero kapag bumuhos na po ang malakas na ulan,
03:32lubha na po itong mapanganib.
03:34Dahil lumalakas ang ragasa ng tubig at lumalalim po ang ilog.
03:37Pakibantayan po ang inyong mga anak, ano?
03:40At pagsabihan na pagka po mga kasagsagan ng ulan,
03:43wag pong sumabay ng pamililigo.
03:45Dahil napaka-delikado po ng ilog na yan.
03:48Nananawagan ang barangay at ang mga kaanak ng mga bata,
03:51ipagbigay alam sa kanila kung namataan ang mga batang ito sa Marilaw River.
03:56Magpapatuloy naman ang rescue operation sa bahagi ng ilog na sakop na ng Marilaw,
04:01kung saan pinaniniwala ang inanod ang mga biktima.
04:09At kakatanggap lang po na balita,
04:11may nakitang labi sa bahagi ng barangay Parada sa Santa Maria, Bulacan.
04:16Ay sa San Jose del Monte Disaster Risk Reduction and Management Office,
04:21hinihintay pa nila ang pamilya ng apat nakabataang pinagahanap
04:25para ma-verify kung kaanak nila ang natagpuan.
04:29Sa gitna ng pagluluksa para sa sampung buhay na kinitiyo ng landslide sa Baguio,
04:35problema na ang ilang apektado ng pag-uho kung paano muli magsisimula.
04:40Bawal na kasing bumalik sa lugar ng pag-uho.
04:43Nakatutok doon live.
04:45Si Marisol lang po naman.
04:47Marisol?
04:50Mel, matapos ngang bayuhin ng Baguio at Habagat,
04:54tutok na raw ngayon ang Baguio City Local Government sa Relief and Recovery.
05:03Saglit nagbigay pag-asa sa mga rescuer,
05:05ang pagkahukay sa asong si Milo nitong lunes,
05:08mula sa gumuhong lupa sa Baguio City na ikinasawi ng sampung tao.
05:12Pero hindi na nasundan ng himala ang pagkakaligtas sa kanya.
05:16Sa buro ng mga biktima kumuling nakita si Milo,
05:20may ikalawang buhay pero tila nangungulila.
05:22Ang among hindi niya iniwan at katabi ng mahukay siya,
05:27kabilang sa mga nasawi sa trahedya.
05:29Hindi na rin napigil ang batang ito ang mapaiyak.
05:32Ngayong di na makakalaro ang kanyang mga pinsan.
05:35Habang ang mga dumadalo na kaklase na isang biktima,
05:37puno ng panghihinayang.
05:39Nung tinakbo daw siya abang tinatakbo sa hospital,
05:41sa ambulance po, sinisipiar pa daw po.
05:43Mabait po mapagbigay.
05:45Hindi niya po ano, lahat po ng tropa niya,
05:48ng mga kaibigan niya iniisip niya po.
05:50Sabay sa pagluluksa,
05:52ang pagsisikap makabangon.
05:54Sa panahong kahit masisilungan,
05:56ay walang-wala sila.
05:57Tututukan ang city ang pagtulong sa mga taga rito,
06:00lalat no-build zone na ang lugar ng pagbuho.
06:03Siguro ang tinitignan namin dito,
06:05ano yung mga engineering solutions
06:06para to mitigate,
06:08o kaya prevent yung mga ganyan.
06:11Ang dasal ng lahat na mapawi na ang ulap ng mga hamon.
06:15Tulad ng bahagyang pagliwanag sa City of Fines,
06:18kahit mailap pa ang haring araw.
06:21Nagsisimula na rin magkabuhay ang lungsod,
06:23tulad sa mga nagbukas ng parke.
06:26Ang ganda ng Baguio,
06:28pinagpapasalamat ng pamilyang ito mula Bulacan.
06:30Ano naman eh, on and off naman.
06:32So nakaka-lakad pa rin,
06:34tapos silong,
06:35tapos lakad alay.
06:36Wala na po kami ibang time,
06:37nag-vacation lang kami.
06:38Ang pahiram na pagkakataon ng panahon,
06:41sinamantala rin na mag-anap na ito
06:42na mula naman sa Mindanao.
06:44Basta naka-jacket lang,
06:46walang problema.
06:47Bagamat maganda-gandang panahon na
06:49ang ating nararanasan dito sa Baguio City
06:51ngayong araw,
06:52hindi basa-basa ang pinsalang iniwan ng Baguio
06:54at habagat dito sa lungsod.
06:56Napektuhan din ang supply ng kuryente
06:58dahil sa mga poseng binuwal
07:00ng masungit na panahon.
07:01Kaya pati pagbili ng power bank,
07:03pahirapan.
07:04Bumili ako ng power bank
07:06and then napahirapan din
07:08ang makahanap ng mura
07:09kasi yung nagkakaubusan.
07:12Sa ngayon,
07:14inaayos na ang mga linya
07:15ng kuryente.
07:20Halos 100% na raw
07:22ng power supply
07:23ang naibalik dito sa Baguio City
07:25o katumbas siyang
07:26ng mahigit 120,000 na consumers.
07:28Samantala mel,
07:29walang humpay ang pagdating
07:30ng mga nakikiramay dito
07:32sa mga naulila
07:33ng mga namatay
07:34sa landslide sa Gisad.
07:36Surong dito pa rin yan
07:37sa Baguio City.
07:38Men.
07:38Maraming salamat sa iyo,
07:40Marisol Abduraman.
07:42Mas mukha ng dump site
07:44kaysa dagat ng basura
07:45ang mga naipon sa estero
07:47sa Baklaran, Paranaque.
07:48Tila anlay dahil
07:49hindi maubos kahit
07:51tatlong araw
07:51nang hinahakot.
07:52Kaya,
07:53itinaas na ang multa
07:54sa pagdatapo ng basura
07:55sa Metro Manila.
07:57Nakatutok si Bea Finlac.
08:02Kahit mapanganib
08:03at may banta
08:04sa kanilang kalusugan,
08:05nilulusong ng ilang
08:06manggagawa
08:07ang dagat ng basura
08:08ang inanod
08:09sa Redemptorist Water Channel
08:10sa Baklaran, Paranaque.
08:12Mano-manong hinahakot
08:14ang sangkaterbang plastic,
08:16styrofoam,
08:17pirapirasong kahoy
08:19at pati mga patay na hayok.
08:21Ngayon ako nagpaingat
08:22kaya makikita ba
08:23ginaw na ako
08:24at mahirap
08:37Ilang taon na nila
08:38itong trabaho
08:39kaya wala na raw
08:40bahid ng pandidiri.
08:42Pero daing nila.
08:43Sinong gumawa niyan
08:44kundi tayo pa rin.
08:46Walang ibang gumawa niyan
08:47kundi tayo lahat.
08:49Puni na lang mga sakon nila
08:50na may tapo naman
08:52sa tamang lugar.
08:53Kami naman naglilinis.
08:54Hindi naman inisip yun.
08:56Gumagamit din
08:57ng mga bako
08:58at trash skimmer
08:59para mas mapabilis
09:00ang paglilinis.
09:01Ayon sa MMDA,
09:03humigit kumulang
09:04limandaang tonelada
09:05na ng basura
09:06ang nahakot sa estero.
09:07Hindi mabubulok
09:08ang mga basura
09:09na nakukuha natin
09:10dyan sa mga waterways.
09:11Ang plastic nga yan
09:12kahit abutin
09:13ang mga apo
09:13ng apo natin,
09:14hindi yan masisira
09:15ng basta-basta.
09:16So yan ay
09:17kailang matanggal talaga
09:18kasi pag hindi yan
09:19natin tinanggal
09:20mapupunta yan
09:21sa ating pumping stations
09:22at the end of the day
09:23magbe-breakdown
09:24ang pumping station natin.
09:25At mapapaliit niyan
09:27ang capacity
09:28ng ating water channel.
09:29Ito raw ang kauna-unahang beses
09:31na ganito
09:32karaming basura
09:33ang napadpad sa estero.
09:35Ayon sa Paranaque LGU,
09:37nasira kasi
09:38ang trash trap
09:38sa bungad ng water channel
09:40dahil sa lakas
09:41ng agos ng tubig
09:42sa kasagsagan ng pagulan
09:44dulot ng habagat.
09:45Dati hindi nangyayari yan.
09:46Pero dahil
09:48una-una
09:48madaming basura
09:49nasira pa yung
09:50trash trap
09:52tapos
09:52ang dami talagang
09:53bumagsak na tubig.
09:54Kaya tayo
09:56nakakaganto,
09:57nakaproblema tayo
09:58ng ganito.
09:59Anyway,
09:59you see the problem
10:00for yourself.
10:01So gagawin po natin
10:02yung trash trap doon.
10:03Dalawang layer po siya
10:04para hindi makapasok dito
10:06yung ating garbage po dito.
10:07Pero ang number one pa rin,
10:09disiplina sa mga tao
10:10na kailangan
10:11huwag magtapon
10:13ng basura sa creek,
10:14sa ilog.
10:15Ang basura
10:16ang inanod sa estero
10:17ng Paranaque
10:18galing daw
10:19ng Manila Bay
10:20kung saan-sang
10:21katerbang basura rin
10:22ang nagpalutang-lutang.
10:25Pero lumang
10:26problema na raw yan.
10:27Ang karaniwan na to,
10:28kahit na medyo
10:29ano po sa kalungo
10:30pa namin,
10:31tulong-tulong na lang po kami.
10:32Siyempre,
10:33ganit sa mga
10:33mamamayan natin,
10:34bakit gano'n karami.
10:35Dapat eh,
10:36tabi sa magandang
10:37tabi nila.
10:38Hindi yung ganyan
10:39natapon ng...
10:40Ang Metro Manila Council
10:42may inaprobahan
10:43ng hanggang
10:43limang libong pisong multa
10:45sa mga mauhuling
10:46basta-bastang
10:47nagtatapon ng basura.
10:49Pero...
10:49Kailangan na natin talaga
10:51gawing istrikto,
10:52istriktuhan
10:52para magkaroon naman
10:53ng stake
10:53at magkaroon naman
10:54ng konting,
10:56you know,
10:57maintindihan
10:57ng ating mga babayan
10:58na ang impact
10:59ng violation
11:00ng environmental law.
11:01Bigatan din natin
11:02ang penalty.
11:03Ako,
11:03agree ako dyan.
11:03Beya Pinlak,
11:05nakatutok 24 oras.
11:08Namaril ang isang pulis
11:10nang makaalitan o mano
11:11ang kabaro
11:12sa isang resort
11:13sa Cavite.
11:14Nasawi
11:14ang isang sibilyan
11:16at nakaaway na pulis.
11:17Yan po ang tinutukan live
11:19ni Jun Venerasio.
11:20Jun!
11:25Vicky,
11:26lasing daw
11:26ang mga sangkot
11:27sa shooting incident na yan
11:29sa isang resort
11:29dito sa Maragondon, Cavite.
11:31Yan ang kinumpirma
11:32ni DILD
11:33Secretary John Vick Rimulia
11:34sa GMA News.
11:35Ang mga biktima
11:36at ang suspect
11:37galing daw sa birthday
11:38celebration
11:39ng Chief of Police
11:41ng Bayan ng Maragondon.
11:46Nauwi sa pamamaril
11:47ang mainit na pagtatalo
11:48ng mga bisita
11:49sa isang resort
11:50sa Maragondon, Cavite,
11:52Pasado,
11:52alauna
11:52kaninang madaling araw.
11:54Patay ang isang pulis
11:55at isang sibilyan
11:56habang sugata naman
11:57ang isa pang pulis
11:58na nasa stable condition na.
12:00Ang sospek
12:01isa rin pulis.
12:13Sabi ng isang saksi,
12:15nagising siya
12:16sa takot
12:16ng marinig
12:17ang mga putok ng baril.
12:29Ito yung pahingahan
12:31ng mga nagbubuki
12:32dito sa barangay
12:33San Miguel A.
12:34Maragondon, Cavite,
12:35na ilang hakbang lang
12:36ang layo
12:37mula sa crime scene.
12:38Sa pader,
12:39makikita ninyong
12:41merong dalawang tama
12:43ng bala.
12:43At sa iba ba,
12:46ayan,
12:49ito na may
12:51itsurang tinga
12:52ng mismong bala.
12:55Ayon kay Interior
12:56and Local Government
12:57Secretary John Vic Rimulya,
12:58lahat daw ng sangkot
13:00ay pauwi na
13:00mula sa birthday celebration
13:02ng Chief of Police
13:03ng Maragondon.
13:04Lasing daw ang mga ito
13:05at daladala
13:06ang kanilang mga
13:07service firearm.
13:09Agad din namang
13:09na-aresto
13:10ang suspect na polis.
13:12Sinubukan namin siya
13:13ang kuda ng pahayag
13:14pero tumanggi siya.
13:15Mula raw sa magkakaibang
13:16Municipal Police Station
13:18ang mga sangkot na polis
13:19at hindi sa Maragondon.
13:21Pero dahil sa insidente,
13:22nililive sa pwesto
13:23ang kakaupo palang
13:25na Chief of Police
13:25ng Maragondon.
13:27Well, ma'am,
13:28automatic yan.
13:29Yung COP,
13:31immediately relief po natin yan.
13:32At yung suspect naman natin,
13:34ma'am,
13:34is natural.
13:36Uwe, uwe,
13:36na-arresto naman natin siya.
13:40Kaya nga,
13:41yung process ng
13:42ang investigation natin
13:43kung anong ibang
13:44criminal liability niya
13:46at availability of course
13:48during the investigation.
13:49Na-recover na
13:50ang dalawang naka-issue
13:51na 9mm pistol
13:52sa mga sangkot na polis.
13:54Ipinagutos na ni PNP
13:55Chief Jose Melencio Nartates Jr.
13:57ang masusing investigasyon
13:59kabilang na
14:00ang forensic examination.
14:02Okay na.
14:06Natunto namin
14:07ang gagawing burol
14:09para sa isa sa mga
14:10nasawing biktima
14:11pero tumangging
14:12magpa-interview sa amin
14:13ang kanyang mga kamag-anak.
14:15Paalala naman ng PNP
14:16sa kanilang mga tauhan,
14:17laging isaisip
14:18ang tamang paggamit
14:19ng baril at pwersa
14:20na ka-duty man sila o hindi.
14:22Malik sa'yo, Vicky.
14:23Maraming salamat sa'yo,
14:25June Veneracion.
14:25Sa gitna ng maulang panahon,
14:29mahigit isang tangbahay naman
14:30ang natupok sa sunog
14:32sa Malate sa Maynila
14:33ang apoy
14:34nagsimula raw sa isang paupahan
14:37na sinadya o manong sunugin?
14:40Nakatutok si EJ Gomez.
14:49Naglalagablab na apoy
14:50ang gumising
14:51sa mga taga-barangay 739
14:53Malate, Maynila
14:54pasado alauna
14:55ng madaling araw kanina.
14:59Sa gitna ng pagliyab,
15:02bumagsak ang isang bahay.
15:04Umabot sa ikaapat na alarma
15:05ang sunog.
15:06Ayon sa barangay,
15:08hindi bababa sa isan daan
15:09at limampung bahay
15:11ang tinupok nito.
15:12Dahil sa light materials
15:13yung aking mga kabarangay,
15:14mabilis siyang tinupok ng apoy.
15:16Nasa isang daan mahigit
15:17yung mga bahay o nasunog
15:19sa aking likuran.
15:20Apat na palapag yan,
15:21maraming kwarto yan.
15:22Kinailangang umakyat
15:23ng mga bumberos
15:24sa mga bubong
15:25para apulahin ang apoy.
15:27Ilang residente naman
15:28ang nagtulong-tulong
15:29para mag-igib ng tubig
15:30mula sa creek
15:31pandagdag sa supply
15:32ng mga bumbero.
15:33Medyo nahihirapan lang kami
15:35sa supply
15:36kasi malayo yung ibang
15:37fire hydrants.
15:38Din yung ibang hydrant
15:40na aming na
15:40na-identify.
15:42Medyo mahina nga lang po
15:43yung pasok ng tubig
15:44kaya mas marami
15:46yung nababawa sa truck
15:47kaysa pumapasok sa truck.
15:48Kabilang sa mga nasunugan
15:50ang pamilya ni Rosalina
15:51na wala rin
15:52na isalbang gamit.
15:54Second floor kami.
15:55Tapos magbaba namin,
15:57nakita na lang namin
15:57yung sa may bubong
15:58umaapoy na rin.
15:59Ang laki ho talaga eh.
16:01Naglilad,
16:01naglalagablab yung apoy eh.
16:03Buhay lang ang naisalba.
16:04Si Princess naman
16:06inilikas
16:06ang kanilang mga anak.
16:08Paglabas ko,
16:09nandito na yung apoy.
16:10Tapos inun ako na rin
16:11pong palabasin
16:12yung mga bata.
16:12Masyado na talagang malaki,
16:14nakakataranta na po talaga.
16:16Bumiyahin naman
16:17mula pa sa Makati City
16:18si Rene
16:18para respondihan
16:20ang kanyang naiwang pamilya.
16:22Tanging mga alagang aso lang daw nila
16:24ang kanilang naisalba.
16:25Sa trabaho po ako
16:26naka-duty.
16:27Tapos sinuwagan lang
16:28na ako ng asawa ko
16:29na sabi malapit na
16:30sa amin yung sunog.
16:32Kaya tumakbo ka agad ako dito.
16:34Sobrang
16:35ano,
16:36stress kasi
16:38kakabahan ka talaga
16:39dahil
16:41wala eh.
16:42Wala.
16:42Tapos wala pang
16:44nadala na kahit ano.
16:45Sa apat na palapag
16:47na paupahang bahay
16:48umano,
16:48nagsimula ang apoy.
16:50Tinunog daw
16:50yung bahay ko
16:51ng tenant ko.
16:53Hindi ko nga alam eh
16:54kung anong daylan.
16:55Nag-aaway daw
16:56tapos
16:57maya-maya
16:57pag tapos
16:58nang galabugan
16:59biglang nagliab na
17:00yung bahay ko.
17:01Hindi ko na alam
17:02kung asan eh.
17:03Hindi ba maba
17:04sa 250 pamilya
17:06o mahigit
17:06600 individual
17:08ang apektado
17:09ng sunog
17:09ayon sa BFP.
17:11Wala namang
17:11naitalang
17:12na sawi.
17:13Isang nalaki
17:13ang nirespondihan
17:14matapos mahirapan
17:15sa paghinga
17:16dahil sa kapal
17:17ng usok.
17:18Nasa mahigit
17:19pitumpo
17:19ang track
17:20ng mga bumbero
17:21na rumisponde.
17:22Tuluyang naapula
17:23ang apoy
17:23kaninang 545
17:24ng umaga.
17:25Inaalam pa
17:26ng Bureau of Fire Protection
17:28ng Sanhinang
17:28Apoy.
17:29Gayun din
17:29ang pinsalang
17:31dulot nito.
17:32EJ Gomez,
17:34nakatutok
17:3424 oras.
17:37Pinag-aarala na
17:38ng Energy Regulatory
17:39Commission
17:39at Bureau of Internal Revenue
17:40kung paano
17:41mayaalis muna
17:42ang value-added tax
17:43sa system loss charge
17:45para makabawas
17:46kahit papaano
17:47sa electric bill.
17:48Yan ay habang
17:49hindi pa naa-amiantahan
17:50ng batas
17:50na tuluyang
17:51magtatanggal
17:52sa naturang singil.
17:53Nakatutok
17:54si Bernadette Reyes.
17:58Dumoble ang bayarin
17:59sa kuryente
18:00ni Kathy
18:01noong kasagsagan
18:02ng tag-init.
18:02Kaya tanong niya
18:03kailan kaya
18:04magkakatotoo
18:05ang pagtanggal
18:06sa system loss charge
18:07na binanggit
18:08ni Pangulong
18:08Bongbong Marcos
18:09sa kanyang
18:10State of the Nation
18:10address.
18:12Sana
18:13kung totoo
18:15eh kung puro lang
18:16din naman
18:17ano
18:17sabi-sabi lang
18:19eh ano na nga
18:21pataas na pataas
18:22yung kuryente.
18:22May binunang
18:23Joint Task Force
18:24on System Loss
18:25ang Department of Energy
18:26kasamang ilang ahensya
18:28at mga distribution utilities.
18:30Pero kailangan
18:31umanong amyendahan
18:32ng batas
18:33habang hindi pa
18:34na amyendahan
18:35ang Electric Power
18:36Industry Reform
18:37Ako'y Piralo
18:38pinag-aaralan na
18:39ng Energy Regulatory
18:41Commission
18:41at ng Bureau
18:42of Internal Revenue
18:43kung paano
18:44maaaring alisin
18:45ang value-added tax
18:46sa system loss charges.
18:48Kung wala
18:49ang 12% VAT
18:50system loss
18:5121 pesos
18:52ang matitipid
18:53na mga sambahay
18:54ang kumukonsumo
18:55ng 200 kilowatt-hour
18:56kada buwan.
18:57Mas malaki pa
18:58kung malaki ang konsumo.
19:00Pero magkakasamunan
19:01ng public hearing
19:02kasama mga
19:02energy stakeholders
19:04at sumangguni
19:05sa Bureau
19:05of Internal Revenue.
19:07By first week
19:08of September
19:09we'll already
19:10finalize the resolution
19:11and hopefully
19:12at around that time
19:14the PIR
19:14is also ready
19:15with its own
19:16issue
19:17and should we
19:17agree with
19:19our position.
19:20Para naman
19:20maalis ang bayad
19:21sa non-technical
19:22system loss
19:23tulad ng nakaw
19:24na kuryente
19:24kailangang
19:25pautangin
19:26ang mga
19:27electric cooperative
19:27para hindi
19:28sila malugi.
19:29If 100%,
19:31if bukas
19:32sabihin ng
19:33ERC
19:34tanggalin natin
19:35NEA will be
19:36needing
19:36additional
19:37loan equity
19:38fund
19:39of 10 billion
19:40to extend
19:42loans
19:42to the
19:43electric cooperatives.
19:44Habang may
19:45system loss pa
19:46pansamadalang
19:47ginhawa
19:47ang bawas
19:48single sa kuryente
19:49na 4 centavos
19:50per kilowatt-hour.
19:52Bernadette Reyes
19:53nakatutok
19:5324 oras.
19:55Huwag magdrama.
19:57Yan po ang mensahe
19:58ni Sen. Pia Cayetano
20:00sa puna
20:00ni Sen. Rafi Tulfo
20:02na hinohostage
20:03ang committee membership
20:04ng minorya
20:05dahil hindi pa
20:06inaaprubahan
20:07ni Minority Leader
20:08Alan Peter Cayetano.
20:10Sagot ni Tulfo
20:11sa nakatatandang Cayetano,
20:12tumingin sa salamin
20:13bago magsalita
20:15kaugnay
20:16ng
20:16magdadrama.
20:17Nakatutok
20:18si Mark Salazar.
20:22Kung nasusundan mo
20:24ang ganap
20:24sa Senado,
20:25alam mong may
20:25dalawang
20:26nagkairing
20:26ang kampo.
20:27Kabilang sa issue
20:29ng pag-imbestiga
20:30sa flood control
20:31scam
20:31ng Blue Ribbon
20:32Committee
20:32na humate
20:33kina Minority Leader
20:34Alan Peter Cayetano
20:36at Committee Chairman
20:37Erwin Tulfo.
20:39Kagabi,
20:40mga kapatid
20:40naman nila
20:41ang nagtapatan.
20:42Tumayo
20:43si Sen. Rafi Tulfo
20:44sa podium
20:45para ireklamong
20:46hindi raw
20:47mabuo-buo
20:48ang membership
20:48ng pinamumunuan
20:49niyang Committee
20:50on Public Services
20:51and Migrant Workers.
20:53Hindi raw
20:54kasi inaaksyonan
20:55ni Minority Leader
20:56Alan Peter Cayetano
20:57ang membership
20:58ng Minority Senators
21:00sa Komite.
21:00And all of them
21:01were saying
21:02we're more than happy
21:03and waiting to sign
21:04pero ayaw
21:05ni Sen. Cayetano
21:07Alan Cayetano.
21:09I don't know
21:10anong dahilan niya
21:11bakit niya
21:11in a hostage
21:13yung pagiging members
21:15ng kanyang mga
21:17kasamahan
21:18sa Komite ko.
21:20Kaya pakiusap niya
21:21kay Cayetano.
21:23Sen. Alan Peter Cayetano
21:26it is time
21:27that we cooperate
21:28so that
21:30we may get back
21:31to legislating.
21:32If you have time
21:33to go on FB Live
21:34maybe you have time
21:36to confirm
21:36or give the go signal
21:38to your minority members.
21:40Wala sa sesyon
21:41kahapon si Cayetano.
21:42dahil masama raw
21:43ang pakiramdam.
21:44Kaya ang kapatid niyang
21:45si Sen. Pia Cayetano
21:47ang nagsalita.
21:48Sen. Tulfo
21:50madaliin niyo naman
21:52akong tanungin
21:53alam niyo naman
21:53kapatid ko si Alan
21:54kung gusto niyo
21:55may parating
21:56huwag na ako kayo
21:57magdrama ng mga
21:58pa-hostage-hostage
21:59hindi tayo ganito dito
22:00huwag naman sanang ganun
22:02wala akong naaalala
22:04lang ganun
22:04magsalita dito sa Senate
22:05for the 19 years
22:07that I've been a senator.
22:08Simula nung ako
22:09ay maging senador
22:10never ever po ako
22:12nagsinungaling
22:12nagdrama rito.
22:14Sino ang nagdrama?
22:17Tumihin muna kayo
22:18sa lamin
22:18bawa kayo magsalita.
22:19Salamat po.
22:21Nag-walk out
22:23si Sen. Raffi
22:24bago pa po
22:24magitna
22:25ang Senate leadership
22:26para tapusin
22:27ang issue.
22:28Ayon kay Senate
22:29President
22:30Wyn Gachalian
22:31tatlumput dalawang
22:32committee pa
22:33ang hindi ganap
22:33na nakoconvene
22:34kaya panawagan niya
22:36sa mayorya
22:36at minorya
22:37kumplituhin na
22:38ang membership
22:39ng mga committee.
22:40We'll just both
22:41reach out to our dear friend
22:43the minority floor leader
22:44he hasn't been feeling well.
22:46I'm sure by tomorrow
22:47we can settle this all
22:48and we'll start
22:50electing members
22:51to be able to sign
22:52the committee reports.
22:53We cannot sign
22:54the committee reports
22:55without completing
22:56the committee memberships
22:58as well as
22:59the BICAM
23:01and the ratification
23:02without completing
23:02the membership.
23:03So it's really important
23:05that we can
23:05we should complete that
23:07as soon as possible.
23:09Mark Salazar
23:10Nakatutok
23:1124 oras.
23:17Happy midweek
23:18Chikahan mga kapuso
23:20ang atang husay
23:21ng Pinoy filmmakers
23:22sa mga pelikulang malaya
23:23at mapagpalaya.
23:25Katuwang nila
23:26sa edisyon
23:27ng Cinemalaya
23:27this year
23:28ang ilang kapuso stars
23:29na umani ng papuri
23:30sa kanilang pagganap.
23:32Makichika
23:33kay Aubrey Carambelle.
23:37Buhay na buhay
23:38ang pelikulang Pilipino
23:39sa Cinemalaya
23:40Independent Film Festival
23:422026.
23:43Isa sa mga
23:44umaani
23:44ng magagandang reviews
23:45ang pelikulang
23:47pinagbibidahan
23:47ni kapuso
23:48primetime action hero
23:50Ruro Madrid
23:50na Hand of God.
23:52Sa gala screening,
23:53present ang cast
23:54at buong produksyon
23:55ng pelikula
23:56para tanggapin
23:57ng Certificate of Recognition
23:58mula sa pamunuan
24:00ng Cinemalaya Foundation
24:01at Cultural Center
24:03of the Philippines.
24:04Full support din
24:05ng girlfriend
24:05ni Ruro
24:06na si Bianca Umali.
24:07Dumalo rin
24:08si GMA Public Affairs
24:10Senior Vice President
24:11Nessa Valdelion.
24:12Ayon kay Ruro,
24:13binago siya
24:14ng Cinemalaya Film
24:15na mas na challenge
24:17para paghusayan pa
24:18ang pagiging aktor.
24:20Gumanap kasi siya rito
24:21bilang isang sundalo
24:22at nag-shoot din sila
24:23sa Basilan.
24:24Sobrang nakakataba po
24:26ng puso
24:26na lahat ng mga hirap,
24:28lahat ng mga pagod,
24:29worth it pala lahat
24:30ngayon
24:31dahil alam po namin
24:32na nakagawa po kami
24:33ng pelikula
24:34kung saan
24:34makapagbibigay kami
24:35ng aral
24:36at inspirasyon po
24:38sa bawat manonood.
24:38Ang co-star naman
24:40ni Ruro sa hari
24:41ng tondo
24:41na si Rocco Nasino,
24:43bida sa Cinemalaya Film
24:45na Tirik
24:46tungkol sa
24:46War on Drugs.
24:47Sa kanilang gala screening,
24:49pinag-usapan
24:50ang pag-anap ni Rocco
24:51na nag-all out daw
24:53bilang si Paring Burt.
24:55May ibig sabihin
24:55kung bakit
24:56may konting exposure.
24:58May ibig sabihin
24:59kung bakit ganon.
25:00Yung pag-cleanse
25:02kaya naging
25:04umabot sa ganon
25:05yung eksena.
25:06Pero yun nga,
25:06sinasabi ko
25:07out of my comfort
25:08zone
25:09and kailangan siya
25:10talaga sa storytelling.
25:12Positive reviews
25:13and sold-out screenings
25:14naman ang ipinagpapasalamat
25:16ni Poc Wang
25:17na bida
25:18sa two valid IDs.
25:20Marami raw
25:21ang nakarelate
25:21at naantig
25:22sa kwento
25:23ng kanyang
25:24ginagampan
25:24ng karakter
25:25na si Sylvia.
25:26Sa kanilang
25:27Gala Night,
25:28nagpadala pa
25:28ng bulaklak
25:29si kapuso
25:29primetime queen
25:30Marian Rivera
25:31para batiin
25:33si Mamang Poc Wang.
25:34Natutuwa naman ako
25:35kasi
25:35bukod sa maganda
25:37yung proyekto
25:39makatotohanan
25:39marami na karelate
25:41meron tayong
25:41mga
25:41nagising.
25:44Sana makatulong po talaga
25:45itong pili ko lang ito
25:46para mabago na yung sistema
25:48lalong-lalo na
25:49para doon sa ating
25:50mga maliliit
25:51na kababayan.
25:52Aubrey Carampel
25:53updated
25:54sa Showbiz
25:55sa Apinex.
Comments