Aired (August 8, 2026): Para sa mas magandang kinabukasan ng kanyang anak, nakipagsapalaran si Isabel (Kris Bernal) sa Italy. Ngunit nang magkasakit ang kanyang anak at kapusin siya sa pera, gagawa ng isang mabigat na desisyon ang kanyang pamilya para mailigtas ang bata.
Hindi alam ni Isabel ang tunay na nangyari sa kanyang anak at mabubuhay siyang may paniniwalang wala na ito. Paano kaya muling pagtatagpuin ng tadhana ang mag-ina? Panoorin ang buong episode.
Comments