Skip to playerSkip to main content
Nasa state of emergency ang buong Colombia matapos tamaan ng 7.4 magnitude na lindol. Mahigit dalawandaan ang namatay at maraming gusali ang gumuho. Ang bagsik ng lindol na 'yan, tunghayan sa report ni Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasa state of emergency ang buong Colombia, matapos naman ng 7.4 magnitude na lindol.
00:07Mahigit dalawang danang namatay at maraming gusali ang gumuho.
00:10Ang bagsik ng lindol na yan, tunghayan sa report ni Ian Cruz.
00:17Sabay sa pagbagsak na mga tipak ang sigawan ng mga tao sa Pereira, Colombia.
00:27Hanggang sa tuloy ang gumuho ang gusali, nagtakbuhan ang mga tao at nabalot ng makapanalikabok ang paligid.
00:36Isa pang gusali sa Pereira ang lumundo at gumuho.
00:42Sa airport ng Pereira, may mga natrap at sumilong na sa mga mesa para di mahulugan ng mga bahagi ng
00:51kisame.
00:55Sa lungsod ng Kali, mga ambulansya ang nabagsaka ng debri.
01:03May mga nagtakbuhan din palabas ng gusali.
01:08Sa Manizales, nasira ang tore ng kanilang katedral na isa sa pinakamataas na neogothic katedral sa Amerikas.
01:18Epekto ang lahat ng iyan ang malakas sa lindol.
01:20Pasado alas 8 kagabi, oras sa Pilipinas.
01:23Bukod sa Western Colombia, naramdaman din ang pagyanig sa Ecuador at Panama.
01:29Magnitude 7.4 ang lindol ayon sa U.S. Geological Survey.
01:37Pinakamalakas ito sa loob ng halos tatlong dekada ayon sa Colombian Geological Service.
01:43Kaliwat kanan ang mga gumuhong gusali.
01:46Patuloy ang rescue operations para mailigtas ang mga posibling na trap.
01:52Base sa huling tala ng Colombian government, lagpas 200 na ang nasawi, magit 500 ang sugatan.
01:59Nasa National State of Emergency na ang Colombia.
02:03Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos.
02:07Ayon naman sa DFA, sa mahigitsandaang Pinoy sa Colombia, wala pang naiulat na nasaktan.
02:13Nagipag-ugnayan sa kanila ang ating embahada sa Bogota at inabisuhan silang manatili sa ligtas na lugar.
02:20Ian Cruz, GMA News.
Comments

Recommended