Aired (April 25, 2026): Viral sa social media ang video kung saan binugbog sa loob ng tren ang isang lalaki na ayon sa mga nakakita, isa raw magnanakaw. Pero ang lalaking ito, inosente raw at biktima lang ng maling hinala. Kilalanin si John Rick at ang kuwento ng kanyang buhay—at ang laban niya para maibalik ang kanyang dignidad matapos ang mapait na sinapit. Sa gitna ng panghuhusga ng publiko, may pag-asa pa kayang makamit niya ang hustisya? Panoorin ang video.
Comments