00:00Naglilinis na ng kanika nilang bahay ang ilang residente ng barangay North Fairview sa Quezon City
00:05dahil pumupa na po ang baha roon.
00:09Bago po yan ay sapilitan silang pinalikas matapos umapaw ang lamesa dam.
00:13Balitang hatid ni James Agustin.
00:19Gumamit ng lubid ang mga rescuer para marating ang mga bahay sa bahaging ito ng Sityo Uno sa barangay North
00:24Fairview, Quezon City kagabi.
00:26Rumagasa ang tubig mula sa Tulyahan River.
00:28Matapos umapaw ang lamesa dam.
00:31Inalalayan ng mga residenteng lumilikas sa abot may iwang natasang tubig.
00:36Ang ilang gamit ibinalo sa garbage ba.
00:38Inilikas din ang alagang hayo.
00:41May residente pang sumampas sa balikat ng isang rescuer habang sinusoong nila ang baha.
00:47Nagpatupad ang barangay ng force evacuation kagabi.
00:50Hapon pa lang daw pinalilikas na nila ang mga residente pero may ilang inabot na ng baha.
00:55Ito yung pinakamababang lugar na kapag nag-overflow po ang lamesa dam, nagiging normal ang pagbaha dito.
01:02Pero pagka ganito po na may enhanced sa bagat, lalo kapag mayroong mga malalakas na bagyo,
01:06kapag nag-overflow itong lamesa dam, automatically po sa instruction na rin ng ating local government,
01:13QCDR Aremo, na nagpapatupad po tayo ng pre-emptive evacuation hanggang sa force evacuation.
01:19Sa North Fairview High School, lumikas ang nasa sangdan at apatapot isang pamilya,
01:23katumbas sa mahigit apat na rang individual, mula sa Sityo Uno at Astor Street.
01:30Kabilang sa kanila si Rosely, na siyang nakunan sa video na nakasampas sa balikat ng isang rescuer.
01:36Takot na takot ako, baka malunod ako kasi maliit ako eh.
01:40Kasi yung tubig, umapaw dito sa mga rescuer.
01:43Kung nagpatulong lang po ako sa mga rescuer, nga, baka ano po ako, mabuhat nila.
01:49Marami naman na nag-pre-emptive evacuation.
01:52Gaya si Emma kasama ang bagong silang na apo.
01:55Pumasok na yung tubig po sa bahay po namin, kaya baka matrap kami.
02:00Habang maaga pa, inilikas ko na po yung ito pong apo ko.
02:06Para ma-save po kami.
02:09Sobrang hirap po sa pagbubuhat-buhat ng mga gamit, ganun.
02:13Akyat-baba, akyat-baba, para hindi lang po mabasa.
02:16Hindi rin nagpakampante si Dayang na maagang lumikas kasamang apat na anak.
02:20Ayaw po namin maranasan yung nangyari namin sa amin last year po.
02:24Nagpastao po yung baha.
02:26Kaya linikas na lang po namin yung anak namin, mga bata po.
02:30Inuna po namin mga bata sa mga gamit po, kailangan po yung mga importante.
02:33Alas 11 kagabi, lubog pa rin sa tubig ang unang palapag ng mga bahay sa Sityo Uno.
02:38Apektado ang nasa 80 bahay ng baha na umabot sa 5 talampakan ng taas.
02:43Sa buong Quezon City, mahigit 2,000 pamilya, katumbas sa mahigit 7,000 individual,
02:49mula sa 11 na barangayang nananatili sa iba't ibang evacuation centers.
02:53James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
Comments