00:00Kabawasan sa ulan ang karaniwang efekto ng El Niño sa Pilipinas.
00:05Pero bakit tuloy-tuloy ang pagulan sa Pilipinas ngayon?
00:08Tinutukan po yan ni Bea Pinla.
00:16Walang humpayang malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
00:20Dulot nito ay mapaminsalang baha.
00:26Sa ibang panig ng mundo naman, nasa state of catastrophe na ang Chile dahil sa matinding baha.
00:31Kalbaryo rin ang ganito kalawak na pagbaha sa Brazil.
00:36Pero may ilang bansa naman na nakararanas ng nakamamatay na init.
00:41Lahat ng iyan nangyayari sa gitna ng nararanasan ngayong El Niño,
00:45na ayon sa World Meteorological Organization, ay patuloy na lumalakas at inaasahang mas mabagsik pa sa pagitan ng Agosto at
00:54Oktubre.
00:55Ang El Niño ay ang malawakang pag-init ng Central at Eastern Pacific Ocean malapit sa Central America
01:01na may epekto sa timpla ng panahon at klima sa daigdig.
01:05Meron tayong El Niño, meron tayong Laniña.
01:08Ibig sabihin, nagkakaroon po ng balance yung ating nature na kailangan niyang uminit, kailangan niyang lumamig.
01:16Ayon sa pag-asa, kabawasan sa tubig ulan ang karaniwang epekto ng El Niño sa Pilipinas.
01:21Pero bakit tuloy-tuloy ang pag-ulan?
01:24Kapag ito ay nangyayari sa panahon ng habagat,
01:28nagkocontribute din po ito ng pagpapa-enhance ng ating habagat
01:32kung saan mas marami po tayong ulan na natatanggap sa panahon ng habagat kapag merong El Niño.
01:38Ayon sa pag-asa, posibleng umabot hanggang Oktubre ang habagat season.
01:43Ang El Niño naman, inaasahang tatagal pa hanggang 2027.
01:49Magkakaroon ng significant na reduction tayo sa ulan
01:52at ang isa pa, mainit yung temperatura natin.
01:55So ibig sabihin, mabilis din yung evaporation rate ng ating mga katubigan.
02:00Usually, pwede itong mauwi doon sa tinatawag na dry spell.
02:03Kapag nagtagal pa ito, ito yung tinatawag nating meteorological drought
02:07or prolonged drought condition na kung saan posibleng maapektuhan
02:11yung ating agrikultura, yung ating mga irigasyon,
02:15yung ating mga dams, yung ating mga water systems.
02:18And also, kapag tumindi pa ito,
02:21so ibig sabihin, yung tinatawag nating eh yung socio-economic drought,
02:25posibleng rin natin itong maranasan.
02:27Nagbabala ang United Nations na dahil sa pagkatuyot na dulot ng El Niño,
02:32halos 50 milyong tao sa mundo ang posibleng masadlak sa gutom simula Setiembre.
02:38Naghahanda na ang gobyerno sa paglakas pa ng El Niño
02:41at magiging epekto nito sa agrikultura, kalusugan, at iba-iba pang sektor.
02:47Pati supply natin ng tubig, tinangangambahang mababawasan.
02:51Usually, lalong-lalong na yung mga kababayan natin dito sa Metro Manila
02:55na kung saan umaasa tayo sa Anggat Dam.
02:59So, alam natin ngayon na mababa pa rin yung level ng ating Anggat Dam
03:03kahit ito ay nadadagdagan sa panahon ng habagat,
03:06pero kailangan pa rin natin magtipid tayo ng tubig
03:09kasi posibleng pa rin maapektuhan,
03:11lalong-lalong na kung magtatagal itong El Niño,
03:13yung panahon ng ating warm and dry season months
03:16na kung saan the following year, mga February, March, April,
03:21yan talaga yung medyo talagang wala tayong ulan.
03:24Sabi ng pag-asa, weak to moderate pa sa ngayon
03:27ang El Niño na nararanasan natin.
03:29Pero,
03:30hindi porkit sinabi nating weak
03:32o yung tinatawag nating sinat lang yung nararanasan natin
03:35na impact or yung strength ng El Niño,
03:38ay hindi ito nangangahulugan na kokonte o mahina ang impact nito.
03:42Nandyan pa rin yung banta na posibleng magiging typhoon
03:45at supertype po ng ating mga kategory ng mga bagyo.
03:48At nagpa-enhance pa rin ito ng ating habagat
03:51na posibleng mas marami pa rin ang ulan na mararanasan natin,
03:54lalong-lalong na dito sa western section ng Luzon
03:57kasama ang Metro Manila.
03:59Bea Pinlac, Nakatutok, 24 Ora.
Comments