Aired (July 25, 2026): Noong nakaraang buwan, 15 buntis ang nasagip sa isang raid sa Pampanga. Pinaniniwalaang bahagi sila ng isang umano'y iligal na surrogacy operation.
Sa Pilipinas, walang batas na nagbabawal o nagpapahintulot sa surrogacy. Ibig sabihin, hindi rin ito itinuturing na legal o ilegal— kaya’t nasa "gray area" ito.
Dahil dito, nananatiling hindi tiyak ang kapalaran ng 15 kababaihang nasagip. Kumusta na nga ba sila ngayon?
Comments