00:00Wala ng duda sa kapangyarihan at jurisdiction ng Kongreso sa Impeachment, Vice President Sara Duterte.
00:06Ito po ang basa ng Impeachment Court at ng Prosecution sa Pagbasura ng Korte Suprema sa Petisyon ng Vice laban
00:13sa Impeachment Proceedings.
00:15Nakatutok si Tina Panganiban Veres.
00:20Ngayong dinismiss na ng Supreme Court ang petisyong kumwestyon sa Impeachment Proceedings noon sa Kamara,
00:27Sinabi ngayon ng Senate Impeachment Court na lubos o absolut na ang jurisdiksyon ng Korte sa Impeachment Trial ni Vice
00:36President Sara Duterte.
00:38Ang Impeachment Court na raw ang tanging may hawak ng kapangyarihan para litisin at desisyonan ang kaso.
00:46Hindi raw naging bahagi ang Senado ng anumang petisyong isinampa sa Supreme Court laban sa Kamara
00:54at hindi minana ng Impeachment Court ang anumang legal disputes doon at hindi rin naman ito lilitisin ng Korte.
01:03At dahil fully insulated o ganap na hiwalay ang Impeachment Court,
01:08sa anumang nangyari sa Kamara, magsisimula ang Korte sa tinawag nitong blank slate.
01:14Pasanin daw ng prosekusyon na patunayan ang kanilang mga akusasyon at sisiguruhin naman ang Korte na mabibigyan ng due process
01:24si Duterte
01:25alinsunod sa garantiya ng saligang batas na ang nasasakdal ay ipinagpapalagay na inosente.
01:32Wala raw itong magiging ibang batayan kundi ang konstitusyon, ang kanilang mga panuntunan, ang batas at ang ebidensya na ihaharap
01:43sa Korte.
01:44Para naman sa prosekusyon, malinaw sa kanila ang ibig sabihin ng desisyon ng Supreme Court.
01:51So what the Supreme Court decision settled is the forum. So what's clear now is that the proper forum is
01:58now the Impeachment Court.
01:59So if the Vice President has answers, she must present them here before the Impeachment Court. If she has evidence,
02:08she must show it here.
02:10Matatanda ang pinadedeklara ni Duterte at grupo ng mga abogado bilang unconstitutional
02:16ang mga ginawang pagdinig at proseso sa Kamara para ma-impeach ang vice.
02:22Pero sabi ng Korte Suprema, moot na ang usapin o wala nang saisay para magbigay pa ito ng ruling
02:30dahil hindi na ito makakaapekto sa issue, ngayong nasimulan na sa Senado ang paglilitis.
02:37Ito po'y bilang pagpapatibay sa exclusive power ng House of Representatives
02:43to initiate all cases of impeachment, pagpapatibay sa exclusive power naman ng Senado
02:51to try and decide all impeachment cases.
02:56I hope that with this decision of the Supreme Court,
03:00sana natapos na yung mga issues na ibinabato kaugnay ng naging proceeding ng Justice Committee.
03:10Sinisikap namin kuna ng reaksyon ang mga abogado ng vice, pero wala pa silang tugon.
03:16Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
Comments