00:00Mga kapuso, 40 barangay ang binaha sa buong Pangasinan dahil po sa masamang panahon.
00:05Dahil yan sa mga umapao na ilog at natuklasang tagas sa floodgate ng Bike.
00:11Ang sitwasyon, pinututukan live ni Sandy Salvasio ng GMA Radio TV.
00:16Sandy!
00:21Emil, hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang pabugsubugsong pagulan dito sa probinsya ng Pangasinan.
00:27Kaya naman lahat ng local DRRMC's ay nakahanda na kung sakaling kailanganin na magpatupad ng pre-emptive evacuation.
00:38Lampas tuhod ng baha sa barangay Lasip ng Kalasyo, Pangasinan.
00:42Problema ayon sa mga residente dahil nakababad sila pero sanay naan nila ang marami.
00:47Kagawa kami ng lamo para makatawit kami.
00:51Hindi kayo mag-evacuate sir?
00:53Hindi.
00:54Dito na kayo?
00:55Dito lang sa bahay naman.
00:56Ayon sa Barangay Council ay may dike sa likurang bahagi ng kinatatayuan ko ngayon.
01:01Kaya naman nakapagtataka kung bakit binabaha itong lugar na ito sa isinagawang assessment ng Barangay Council
01:07na tuklasan nila na mayroon palang tagas yung floodgate dito sa naturang dike.
01:12Kaya naman dumederecho dito sa lugar na ito yung tubig mula sa ilog.
01:17Nakamonitor ang opisyal ng barangay sa sitwasyon.
01:19Dahil nga po sa pagtaas ng ating kalsada, dahilan din po ng pag-stock ng tubig sa ating mga kabahayan.
01:26At isa din po yung kaukulangan ng drainage.
01:31Habang sinanay Florentina inilagay sa ligtas na lugar ang mga alagang baboy.
01:35Baha dito sa palaglagyan namin po. Kaya tinaas namin, siyempre magkakasangit yung baboy.
01:42Kanya-kanyang taas din ang gamit ang ilang residente sa Barangay Lasip Dagupan City.
01:47Nakaraan na bagyo mam inabot po yung bahay namin hanggang dito po sa taas.
01:52Kasi kung anong label po nung kalsada, ganon din ang taas po dito nung nakarang bagyo.
01:58Habang sa bayan ng Mangaldan, binabantayan at iniikutan ng mga tauhan ng munisipyo
02:02ang mga barangay na dinadaluyan ng Angalakan River.
02:05Tinitignan din namin yung mga irrigation dito na kung minsan ay mga ganitong pagulan ay underwater para mamonitor din po.
02:14Sa monitoring ng Kapitolyo, above normal level na ang Marusay River sa Kalasyao at Kayanga River sa San Fabian.
02:20Apat na pong barangay naman ang binaha at mahigit anim na libong pamilya ang apektado.
02:31Emil, dito sa Barangay Lasip Chico sa Dagupan City ay abot hanggang bewang na yung tubig baha.
02:37Kaya naman yung ilang mga residente ay gumagamit na nitong lamo o balsa na tinatawag natin.
02:42At makikita po sa aking likuran.
02:44Ginagamit nila ito nang sa gayon ay makauwi sa kanika nilang mga bahay.
02:48Makikita rin sa aking likuran, Emil, yung mga residente na abala pa rin hanggang ngayon sa paggawa ng makeshift na
02:54tulay na gawa sa kawayan.
02:57At sa paglilibot nga natin dito sa kanilang lugar ay talagang pinasok na ng tubig baha yung kanilang mga bahay.
03:03At inaasahan nila na kapag magtutuloy-tuloy pa itong ulan ay baka umabot na raw ng lampasta o ang antas
03:09ng tubig baha.
03:10Kaya yung ilan sa kanila, napipilitan na rin po na mag-evacuate sa kanilang mga bahay.
03:15Hindi lang yan, Emil, dahil nakataas pa rin ang gale warning sa mga coastal area dito sa Pangasinan.
03:21At ipinagbabawal pa rin po ang mga water-related activities.
03:25Emil.
03:25Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
03:29Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA.
Comments