00:00Samantala, tumaas naman ang bilang ng nagkadengue sa Mandawin, Cebu at Zamboanga City,
00:04kung saan nagdeklara na ng epidemia.
00:08Binabantayan din ang Department of Health o DOH ang lactose fibrosis ngayong maulan.
00:12Nakatutok si Maki Pulido.
00:17Dahil limang magkakasunod na linggo nang tumataas ang kaso ng dengue,
00:21nagdeklara na ng dengue epidemic ang Zamboanga City.
00:25Sabi ng Zamboanga City Health Office,
00:27kasalukuyang may widespread transmission sa 38 na barangay ng siyudad.
00:32Mula Enero hanggang Hulyo, higit 1,200 na ang nagkadengue at 12 na ang namatay.
00:37Sa dami na mga nagkakadengue,
00:40puno na ang pediatric ward ng Zamboanga City Medical Center at mga pribadong ospital.
00:45Activated na raw ang hospital fast lanes,
00:47sabi ng Department of Health,
00:49at nagpapatupad na rin ang vector surveillance at fogging.
00:52Bahagya namang tumaas ang dengue cases sa Mandawin, Cebu,
00:56at isa na ang nasawi.
00:57Nagtala na rin ang Bacolod City ng unang dengue-related death ngayong taon.
01:02Namatay ang walong taong gulang nitong Hulyo.
01:04Sabi ni Health Undersecretary Mary Ann Palermo Maestral,
01:08sapat ang mga gamit at gamot sa mga lugar na nakararanas ng pagtaas ng kaso.
01:13What the program did was ask the other regions wherein mababa ang cases
01:18to share with the regions na may mataas na cases.
01:23In terms of the commodities sa central office, most of them are for award na rin.
01:30Pero sa kabuan, batay sa datos ng DOH Epidemiology Bureau,
01:3446% ang ibinabaan ng dengue cases mula January 4 hanggang August 1 ngayong taon,
01:39kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
01:43Sa buong bansa, pinakamaraming kaso sa Region 3,
01:46pero mas mababa pa rin ito ng 45% kumpara noong nakaraang taon.
01:51Sumusunod sa dami ng kaso ang National Capital Region o NCR,
01:55pero mas mababa ito ng 55% kesa noong 2025.
01:59Bumaba rin ang 61% sa Calabar Zone,
02:02ikatlo sa pinakamaraming kaso sa buong bansa.
02:05Kontrolado raw ang dengue cases dahil tag-init pa lang nakapaghanda na ang DOH.
02:10Pero dahil maulan pa rin, paalala ng DOH,
02:13laging maglinis para walang mapugaran ang lamok.
02:16We were able to download all the supplies noong summer.
02:21So naunahan natin si lamok.
02:24So yung expected na bad year for dengue last year did not happen.
02:29This year may mga pocket areas na tumataas, maaagapan pa natin.
02:36Pinagahandaan din daw ng DOH ang posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis.
02:41Dahil naibigay na raw ang prophylaxis medicine sa mga barangay health center,
02:45pakiusap ng DOH kung lumusong sa baha, magpunta sa health center at humingi ng libring gamot.
02:51We noted na lahat ng nakapag-inom ng preventive, hindi nagkakasakit.
02:59Kung magkasakit man, hindi lumalala.
03:01May gamot po tayo, lumapit lang tayo sa centers.
03:05Makipulido na katuto, 24 oras.