00:00Sa iba pang balita, kulang para sa grupong Manibela
00:03ang inaprubahang 12 pesos kada litrong fuel discount
00:07para sa mga tsyuper ng mga pampublikong sasakyan.
00:10Bagamat malugod daw na tinatanggap ng transport group
00:13ang panibagong tulong ng pamahalaan,
00:15hindi raw ito sapat.
00:17Paliwanag ng grupo, maraming beses na
00:19hindi nakakakuha ng fuel discount ang mga tsyuper
00:22dahil karaniwang offline ang sistema sa mga gasolinahan
00:26o kaya'y ilang piling gas stations lamang ang kasali sa programa
00:30o hindi na ibibigay ang pangakong discount.
00:33Dahil dyan, tuloy ang pangangalampag ng Manibela
00:35para sa agarang pag-aproba sa dagdag pasahe.
00:39Yun daw ang magbibigay ng pangmatagalang tulong
00:42sa mga tsyuper at kanikanilang pamilya.
00:44Inanunsyo ng Malacanang ang 12 pesos kada litrong fuel discount kahapon
00:48at mas malaki po yan kaysa sa kasalukuyang 10 pesos.
00:52Ipatutupad yan simula August 15.
00:59Ipatutupad yan simula August 15.
Comments