00:00Maraming legal terms ang naririnig ng publiko sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:05Ano ba ang ibig sabihin ng mga yan? Alamin sa UB Explainer.
00:32Ano rao? Ang mga legal term na yan, naririnig po natin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:39Ito ay mga Latin word na madalas gamitin sa mga legal na proseso tulad ng paglilitis.
00:44Ano nga bang ibig sabihin ng mga yan?
00:46Unahin natin, prima facie. Ang direct translation nito ay at first view o sa unang tingin.
00:54Ginagamit ito para sabihin may sapat na ebidensya para suportahan ng isang claim o akusasyon.
01:00O beterdicta. Ito ang tawag sa mga opinion ng isang hukom o judge tungkol sa kaso.
01:05Pero hindi nangangahulugang, ito na ang desisyon sa hatol.
01:10Samantala, ang ratio decidendi naman ang tawag sa rason na nag-judjustify sa hatol ng korte.
01:16Ito ang paliwanag ng korte kung paano sila humantong sa kanilang desisyon.
01:21Sa paglilitis, may naririnig din tayong dalawang uri ng sabpina.
01:25Ang ad testificandum at duces tecum.
01:28Kung sabpina duces tecum, kailangan ng ipinasabpina ng individual na magdala ng mga dokumento, gamit, record o iba pang bagay
01:37ang hinihingi ng korte.
01:39Kapag sabpina ay ad testificandum naman, pinahaharap sa korte ang isang individual para magbigay ng testimonya.
01:46Ilang buwan pang inaasahan tatakbo ang paglilitis ni Vice President Sara Duterte.
01:51Marami pang mga terminong posibleng lumabas na hindi pamilyar sa ordinaryong Pilipino.
01:55Sabay-sabay natin niyang aalamin at ipaliliwanag sa GMA News Explainers.
02:00Ito ang unang balita. Maris Omali, GMA News.