00:00Posible yung tumaas ang presyo ng bigas at iba pang produktong agrikultura na inaangkat ng bansa sa Department of Agriculture.
00:06Dahil daw yan sa pagsadsad ng halaga ng piso kontra dolyar.
00:10Ngayon ang balita si Tina Panganiban Perez.
00:16Sa pagsasara ng palitan, nakabalik sa 63 peso level ang halaga ng piso kontra dolyar.
00:23Bago yan, dalawang araw nasa 64 level ang piso.
00:27Record low ang 64 pesos at 17 centavos na naitala noong October 27.
00:34Dahil sa pababang halaga ng piso, pangamba ng Department of Agriculture, magmahal ang mga produktong agrikultural na inaangkat ng bansa.
00:44Limbawa sa bigas, of course, kakailangan natin na mas maraming piso para bumili ng the same volume.
00:53Yung imported na presyo ng bigas, may mga posibleng paggalaw yan because of malaki na yung itinaas ng dollar.
01:02And of course, magre-reflect yun.
01:04At pangalawa, yung freight cost ay gumagalaw din dahil sa presyo ng petroleum product.
01:11So may epekto ito dun sa presuhan. Lahat ng fertilizer natin na imported din yan. May epekto rin yan.
01:22Kasi we need more peso to buy them. So ibig sabihin nun, pagbalik nun dito, mas mahal.
01:27Hanggang nitong October 22, mahigit 4 million metric tons na ng imported na bigas ang dumating sa bansa.
01:35Pero nabili raw ito noong mas mababa pa ang presyo sa pandaigdigang pamilihan.
01:41Ang pag-angkat ay bilang paghahanda sa Super El Nino.
01:45Base sa monitoring ng Department of Agriculture, nasa 50 hanggang 55 pesos ang kada kilo ng bigas sa mga palengke.
01:54Posibleng tumaas parawito sa Nobyembre kapag dumating na ang mga susunod na shipment ng imported na bigas na binili ng
02:01pababa na ang halaga ng piso.
02:03Pero...
02:04Hindi naman natin nakikita pa yun hanggang December na papalo na 60.
02:09Para mas marami ang makabili ng mga murang produkto, pinalawak daw ng DA ang kadiwa.
02:15Pagdating naman sa supply, hindi lang ng bigas, kundi pati na rin ang karne, isda at gulay.
02:21Tiniyak ng DA na no need to panic.
02:25We have enough volume and inventory hanggang matapos ang 2026 ng mga pangunahing pagkain natin na nakarating na sa ating
02:35bansa,
02:35both imported, of course, yung ating local production.
02:38Hindi tayo magpapanik kasi meron tayong sapat na pagkain para sila.
02:42Ang isa paanyang tinututukan ng DA ay kung paano matutulungan ang mga magsasaka at mangingisdang apektado ng pagalaw ng palitan
02:51ng piso at dolyar at ng Super El Niño.
02:54May iba't ibang programa na anya ang iba't ibang departamento, gaya ng TUPAD, AICS, Fuel Subsidy at Cash for Work
03:03Program,
03:04kasama ng pamimigay ng DA ng libreng binhi, fertilizer at patubig.
03:09Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez, GMA News.
Comments