00:04At tutukan na natin ang latest sa Bagyong Luis, ang update yan, at sa isa pang bagyo sa labas ng
00:10Philippine Area of Responsibility,
00:12yakatid ni Amor La Rosa ng GMA Weather Center.
00:16Amor!
00:18Salamat, Emi, mga kapuso. Dalawang bagyo nga amin na monitor ngayon sa loob at sa labas ng Philippine Area of
00:24Responsibility.
00:25Iunahin natin yung Bagyong Luis sa loob po ng PIR na nag-landfall na sa Isabela.
00:30Alas 5.30 ng hapon kanina nang tumama po yan dito sa Macunacon, Isabela.
00:35At sa latest bulletin ay nalabas po ng pag-asa.
00:37Taglay nitong Bagyong Luis, ang lakas ng hangin na abot sa 45 km per hour at yung bugso naman niya
00:43nasa 60 km per hour.
00:45Ang pag-ilis po nito ay pahilagang Kanluran o Northwest sa bilis na 20 km per hour.
00:51Dahil po dito sa Bagyong Luis, nakataas ang wind signal number 1 sa central at eastern portions ng Cagayan, Babuyan
00:58Islands, Isabela, Quirino,
01:00eastern at southern portions ng Apayaw, eastern portion ng Kalinga, eastern portion ng Mountain Province,
01:06ganun din sa eastern portion ng Ifugao at northern portion ng Aurora.
01:10So asahan po dito sa mga nabangit na lugar, yung pabugsong-bugsong hangin na may kasamang mga pag-ulana.
01:15Sa magiging paghilos naman ng Bagyong Luis, pagkatapos nga nung landfall nito ay unti-unti na po yan mag-re
01:21-recurve o kumbaga po ay liliko o paiwas po dito sa ating bansa.
01:26Habang papalayo yan, ay hihina rin po ito mula po sa pagiging tropical depression ay magiging low pressure area na
01:32lamang pagsapit ng Merkules.
01:35At bilang low pressure area, yung mga kaulapan po nito ay sasanib o sasama naman sa sirkulasyon nung mas malaki
01:42at mas malakas sa bagyo na nasa labas po ng Philippine Area of Responsibility.
01:47Yan yung typhoon na may international name na dolphin na huli pong namataan, mahigit 2,000 km ang layo mula
01:54po yan sa east-northeast ng extrema northern Luzona.
01:57Taglay po ang lakas na hanging nga abot sa 150 km per hour, yung bugso naman nasa 185 km per
02:04hour at yung pagkilos po nyan ay pa west-northwest sa bilis naman na 25 km per hour.
02:11So ayon po sa pag-asa, lalapit yan at hindi pa rin po natin inaalis yung chance na pumasok pa
02:17rin yan dito sa ating PAR.
02:18Kung sakali man na matuloy yung pagpasok at bahagya nga po na pumasok dito sa ating boundary, papangalanan itong may
02:26-may.
02:26Pero mga kapuso, depende pa naman po yan, sa ngayon ay mababa pa naman yung chance na mangyari ito.
02:31Pero syempre, patuloy po natin i-monitor.
02:33Pagdaan yan dito sa hilaga o kanto nitong ating PAR, dadaan po yan dito sa may northern portion ng Taiwan
02:41bago mag-landfall dito sa bahagi naman ng China.
02:45Ang mas dapat po nating paghandaan ay yung lalong pag-enhance o pagpapalakas po nitong paparating na bagyo dito po
02:51sa habagat o southwest monsoon.
02:53So yung bagyong dolphin, hindi po natin inaasahan na maglalan po sa anumang bahagi ng Pilipinas,
02:58pero palalakas yung habagat na magpapaulan sa malaking bahagi po ng ating bansa.
03:03Mas malakas yung habagat, mas maulan.
03:06Sa rainfall forecast ng metro weather para bukas,
03:09umaga pa lang may chance po na ulan dito sa may central Luzon.
03:12Concentrated po dito yung malalakas sa buhos ng ulan.
03:15Kaya doble ingat po, pagsapit ng hapon, halos buong Luzon na po ang makakaranas sa mga pag-ulan.
03:20Hindi na lang po sa northern at central Luzon, kasama na rin po ang Calabar Zone,
03:25Mimaropa, ganun din po ang NCRM, Bicol Region.
03:28May mga matitinding buhos ng ulan na pwede pong magdulot ng mga pagbaha o landslide.
03:33Dito sa Metro Manila, may chance na rin po ng ulan sa ilang lungsod sa umaga po yan
03:38at mas malawakan na yan pagsapit ng hapon at pwede rin maulit sa gabi.
03:43Umaga bukas, may mga kalagtalat na ulan na rin po sa Visayas.
03:46At pagsapit po ng hapon at gabi, mas marami na yung uulanin.
03:49Kasama po dyan ang western Visayas, ganun din po ang Negros Island Region,
03:53ganun po dito sa Mindanao, kasama po ang Zamboanga Peninsula,
03:57northern Mindanao, Caraga, at ilang bahagi ng Davao Oriental.
04:01Yan muna ang latest sa ating panahon mula sa GMA Weather Center.
04:05Ako po si Amor La Rosa, Servisyong Totoo ng GMA News.
Comments