Skip to playerSkip to main content
Telescope, Kayang Mag Time Travel At Malaman Kung Paano Nabuo Ang Universe 13 Billion Years Ago.

#telescope
Transcript
00:00Noon lamang December 25, 2021, araw ng Pasko, ay matagumpay na na-launch ang James Webb Space Telescope papuntang Kalawakan.
00:10Ang Space Telescope na ito ang pinakamalaki at pinakamahal na Space Telescope na nagawa sa kasaysayan.
00:17Mahigit 20 years ang ginugol sa pagawa nito at umabot ang gasto sa halagang $10 billion, umigit kumulang $512 billion.
00:26Ano ba ang mga layuni ng James Webb Space Telescope para sa sangkatauhan?
00:33At totoo kayang isa sa mga misyon nito ay humanap ng proweba na totoo ngang may mga alien na nabubuhay
00:39sa kalawakan?
00:50Para mas mapag-aralan ang kalawakan at masagot ang ating mga tanong tulad na lamang ng meron bang planeta bukod
00:57sa Earth na maaaring mabuhay ang tao,
00:59ay gumawa ang NASA ng isang Space Telescope na tinawag nilang Hubble Space Telescope.
01:06Matagumpay itong nailagay sa kalawakan noong 1990 at ito ang naging bintana natin sa universe.
01:13For the first time in history, dahil sa Hubble ay nagkaroon tayo ng mga larawan ng iba't ibang distant galaxies
01:20at nalaman din natin ang edad ng universe na tinatayang nasa 13.8 billion years old na.
01:27Simula noong 1990, ang Hubble ay nakapagtala ng 1.3 million observations sa kalawakan.
01:34Noong 1995 ay may nakuna na larawan ang Hubble na tinawag nilang Hubble Deep Field.
01:40Nakita ng mga astronomer na meron palang at least 200 billion na mga galaxies sa kalawakan.
01:46Ang naisana ng mga astronomers ay makita ang kauna-unahang mga bituin sa kalawakan o kauna-unahang galaxies.
01:54Pero ang nakikita lang kasi ng Hubble ay ultraviolet light at naniniwala ang mga scientist na ang kalawakan ay nag
02:02-i-expand.
02:04Napakabilis mag-travel ng liwanag, ngunit dahil sa nag-e-expand nga ang universe,
02:09ay mas nagiging malayo ang tinatravel ng liwanag.
02:12At kahit na naglalabas ito ng maraming ultraviolet, sa oras na dumating ito sa atin ay nagiging infrared light na
02:20ito,
02:20which is hindi kayang makapture ng Hubble Telescope.
02:24Kaya naman, nagdesisyon ang mga engineer ng NASA na gumawa ng mas malaking telescope,
02:29na maaaring makapag-capture ng infrared light at para mas maabot pa ang malayong distansya.
02:35At dito na nga sinimulan ang paggawa ng tinawag nilang James Webb Space Telescope,
02:41o mas kilala sa tawag na JWST or Webb.
02:45Ano ba ang kaibahan ng Webb sa Hubble?
02:48At ano ang kaya nitong ibigay sa sangkatauhan?
02:56Ipinangalan ang James Webb Space Telescope mula kay James E. Webb,
03:00isang dating administrator ng NASA at namuno sa Apollo Moon Landing.
03:05Ang Webb ay hindi lamang magsisilbing bintana natin sa universe kung hindi isa rin itong time machine na magdadala sa
03:13atin sa nakaraan.
03:14Naglalayon itong maabot ang distansyang hindi kaya ng Hubble.
03:18Naglalayon din itong makita ang mga pinakaunang bituin at galaxies sa kalawakan.
03:24Kapag mas malayo kasi ang object, ibig sabihin mas matanda sila.
03:28Nung una daw kasi ay wala pang mga bituin sa kalawakan.
03:32Ang meron lamang ay gas at dark matter.
03:35Sa pamamagitan ng Webb ay malalaman natin kung paano nabuo ang mga galaxies,
03:40kung paano nagsimula ang lahat.
03:43Naglalayon din itong mas mapag-aralan pa ng mabuti ng mga scientist
03:47ang mga exoplanet o yung mga planeta sa labas ng solar system.
03:52Maari din nating malaman kung may mga planeta ba tulad ng Earth
03:56kung saan maaaring mabuhay ang tao.
03:58At baka masagot din natin kung mayroon ba talagang other life forms or aliens sa ibang galaksi o planeta.
04:10Ang Hubble ay kasinlaki lamang ng isang malaking truck,
04:14samantalang ang Webb naman ay kasinlaki ng isang tennis court.
04:18Ang Webb ay may 6.5 meter diameter primary mirror.
04:22Mas malaki at sensitibo ito kesa sa Hubble na mayroong 2.4 meters in diameter lamang.
04:29Dahil sa malaking primary mirror ng Webb,
04:32magri-resulta ito ng mas sharp at accurate captured images
04:35kung saan makikita ng mga scientist ang mga detalyang hindi pa nila nakita noon
04:40sa mga larawang nakuhan ng Hubble.
04:43Pinubuo ang Webb ng 18 gold coated mirrors na naka honeycomb shape.
04:48Gawa ang mirror sa beryllium, isang strong but lightweight metal.
04:52Sa ganitong pattern, maiiwasan ng ilang gaps sa pagkuhan ng larawan
04:57gaya ng circular mirror ng Hubble.
04:59At dahil sa sobrang laki nito,
05:01mas kaya nitong makapture ang liwanag from billions of light years away.
05:07Ang kayang makita ng Hubble ay visible at ultraviolet light.
05:12Ibig sabihin ay kung ano ang nakikita ng mga mata natin,
05:15yun din ang nakikita ng Hubble.
05:18Samantala, ang Webb naman ay dinisenyo na magfocus sa infrared light.
05:22Ibig sabihin, hindi nito kayang makita ang mga ultraviolet light tulad ng Hubble.
05:28Ngunit kaya naman itong makita ang mga infrared objects na nasa napakalayong galaksis.
05:34Nakikita ng Hubble ang liwanag na nasa 400 million years matapos ang Big Bang.
05:40Ngunit kaya pa itong higitan ni Webb.
05:42Maaari niya tayong dalhin ng nasa 250 million years pa matapos ang Big Bang.
05:48Ang Hubble ay umiikot sa paligid ng Earth na may altitude na 570 kilometers.
05:55Samantalang ang Webb naman ay hindi umiikot sa paligid ng Earth.
05:59Sa halip, pupuesto ito sa tinatawag na Earth-Sun L2 Lagrange Point.
06:04Nasa layo itong 1.5 million kilometers mula sa Earth at nasa opposite side ng Sun.
06:10Sa lokasyong ito ay walang init na tatama sa Webb mula sa Sun.
06:14Importante ito para mapanatiling malamig ang telescope.
06:18Dahil kung ito'y iinit, sarili lamang nito ang makikita.
06:22Dahil nga, infrared telescope siya at anumang bagay na umiinit ay naglalabas ng infrared.
06:34Bago tayo magpatuloy mga ka-awesome, meron lang po akong isishare sa inyo na maaari niyo pong pagkakitaan part-time
06:40or full-time.
06:42Kung kayo po'y sawang-sawa na sa matinding traffic at maliit na sahod, baka gusto niyo pong subukan mag
06:47home-based online job or online freelancing.
06:50Sa online freelancing ay maaari kang kumita ng 30,000 up to 100,000 pesos sa isang buwan or mahigit
06:57pa.
06:58At maisang ang Pinoy freelancer na kumikita ng 1 million sa isang buwan.
07:03At ang good news po ay meron na pong training program ngayon na magtuturo sa inyo ng step-by-step
07:08kung paano magsimula.
07:10At dahil din po sa programang ito, ay meron na po akong online job ngayon.
07:15Kung interesado po kayo on this training program, ay iklik niyo lang po ang link niya sa description box for
07:20more details about this program.
07:23At ngayon, balik na po tayo sa topic.
07:29Ang unang hamong kinaharap ng mga engineers ay kung paano ipapadala ang web sa kalawakan ganong napakalaki niya.
07:37Hindi rin pwedeng i-launch ito na fully deployed na ang mirrors dahil may tendency itong mabasang.
07:44Ang kanilang solusyon, kailangan itong i-travel ng nakatiklop para magkasya sa launch rocket.
07:55At kapag nasa orbit na ang web, dahan-dahan itong isi-set up ang kanyang mga components mula sa pagbubuka
08:02ng kanyang mirrors, sunshield at iba pa.
08:05Ito ang pinakakritikal na stage dahil kailangang ma-achieve ang ultra-precise optical alignment ng 18 mirrors.
08:12Magagawa ito sa tulong ng actuators o tiny mechanical motors na nakaprogram upang makuha ng 18 mirrors ang single perfect
08:21focus.
08:22At ang isa pang hamon na maaaring kaharapin ng mga engineers kapag nasa kalawakan na ang web, ay ang distansya
08:29nito.
08:29Dahil sa sobrang layo ng kanyang posisyon, kung magkakaroon ito ng problema ay hindi ito kayang puntahan ng tao para
08:37ayusin.
08:38Kaya naman mabusisi ang mga test na ginawa dito pa lang sa Earth upang macheck ang lahat ng maaaring maging
08:44errors at magawa na agad ng paraan.
08:47Dahil sa napakaraming parts at mekanismo ng Webb Telescope, ay mayroon itong 344 possibilities na pumalya at pumalpak ang buong
08:56misyon.
08:57Kapag nagkataon, ang $10 billion na telescope na ito ay hindi na mapapakinabangan pa.
09:03Buti na lang noong January 24 ay matagumpay na nakarating ang Webb sa kanyang final destination at nagawa na rin
09:11ito ang mga critical na mga deployment tasks gaya ng pagbuka ng sunshield at pagsetup ng primary at secondary mirrors.
09:19Aabutin pa daw ng 6 months o mahigit bago magawa ni Webb ang kanyang misyon.
09:24Ang original na launching date talaga ng Webb ay noon pang 2010, ngunit hindi ito natuloy.
09:30At pagkalipas ng mahigit 20 years mula nang sinimulan itong gawin, ay matagumpay na ngang na-i-launch ang Webb
09:36noon lamang December 25, 2021.
09:40Isinakay ito sa European Arian 5 Rockets sa French Guiana.
09:45Maituturing ang Webb na isang magandang regalo mula sa science na unti-unting magbubukas sa kalawakan.
09:51Sana nga ay talagang sulit ang oras at malaking perang inilaan sa proyektong hindi lamang para sa larangan ng astronomy,
09:59kung hindi para na rin sa buong sangkatauhan.
10:02Kung nagustuhan niyo po ang content natin ngayon, pakiclick ang like button.
10:06At kung bago pa lang po kayo sa aming channel, make sure na mag-subscribe kayo para lagi po kayong
10:11updated sa mga bagong videos namin.
10:13This is your Ate O from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!
Comments
Awe Republic
Creator
Telescope, Kayang Mag Time Travel At Malaman Kung Paano Nabuo Ang Universe 13 Billion Years Ago