Skip to playerSkip to main content
Bakit Na-Bankrupt Ang Bansang Sri Lanka?

#viral #srilanka
Transcript
00:00An economic crisis in Sri Lanka
00:02The worst economic crisis that Sri Lanka is facing
00:05There is no food, there is no fuel, there are no medicines
00:08Humaharap ngayon ang bansang Sri Lanka ng matinding krisis
00:12Ang tinapay na dating 60 rupees, ngayon ay 125 rupees na
00:17Higit sa doble ang itinaas ng presyo nito
00:20Ang presyo naman ng bigas noong June 2019 ay nasa 80 to 90 rupees lamang
00:26Ngayon ay pumalo na sa 200 to 240 rupees
00:31Times 3 ang itinaas nito
00:33Nagukulang na rin ang supply nila ng pagkain, gamot at gasolina
00:37Ang mga tao ay hindi makapagtrabaho dahil sa haba ng pila para makabili lang ng pagkain at ibang supplies
00:44Madalas magkaroon ng blackouts sa bansa at walang tigil ang protesta
00:50Idagdag mo pa dyan ang pagkakabaon sa utang ng bansa
00:53Na nagkakahalaga ng nasa 51 billion dollars
00:57Ang natitirang pera ng buong bansa ay nasa halos 1.94 billion dollars na lamang
01:03Mas mayaman pa si Manny Villar na may net worth na 8.4 billion dollars
01:09Paano nga ba humantong sa ganitong sitwasyon ang Sri Lanka?
01:13Paano naubos ang kanilang pera, nabaon sa utang at tuluyang bumagsak ang kanilang ekonomiya?
01:20Yan ang ating pag-uusapan ngayon
01:26Sinasabing ang krisis na nangyayari ngayon sa Sri Lanka ay naging resulta ng mga sumusunod
01:32Polisiya, politika, pandemya
01:39Sinasabing ang maling pamamalakad at pagpapatupad ng pulisiya ng gobyerno
01:43ang isa sa nagdulot ng krisis sa Sri Lanka
01:46Isa sa naging problema ng kanilang bansa ay ang tinatawag na trade deficit
01:51Ang trade deficit ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan mas malaki ang halaga ng mga produktong iniimport o inaangkat ng
01:58isang bansa sa pandaigdigang merkado
02:01Sa madaling salita, mas malaki ang ginagastos ng Sri Lanka kesa kinikita nila dahil mas naglalabas sila ng pera
02:11para bumili ng mga produkto sa ibang bansa kesa magbenta ng kanilang mga sariling produkto
02:17Kaya ang resulta, nabaun sa utang ang kanilang gobyerno
02:21Sa halip na solusyonan ang trade deficit na nangyayari sa kanilang bansa, ang naisip nilang solusyon ay mangutang ulit
02:28Dinagdagan pa nila ang kanilang utang sa iba't ibang bansa at international agencies
02:33Sa ngayon, ang Sri Lanka ay mayroong debt to GDP ratio na 111%
02:39Ibig sabihin, mas malaki pa ang utang ng Sri Lanka kesa sa kabuong halaga ng kanilang mga produkto
02:46Isa rin sa sinisisi ng mga tao ngayon sa nangyayaring krisis ay ang kanilang presidente na si Gutabaya Rajapaksa na
02:54kilala rin bilang Gota
02:55Si Gota ay produkto ng political dynasty sa Sri Lanka
02:59Ang kanya kasing kapatid na si Mahinda Rajapaksa ay dati rin presidente ng bansa
03:04At nang maupo si Gota ay inapoint niya ang kanyang kapatid bilang prime minister
03:10Noong nangangampan niya pa lamang si Gota taong 2019, isa sa mga pangako nito sa mga mamamayan ay paliliitin niya
03:18ang tax ng bansa
03:19Siguro ay maganda ang kanyang layunin
03:22Ngunit isa itong delikadong hakbang dahil malaking porsyento ng pondo na ginagamit sa mga proyekto ng gobyerno ay nanggagaling sa
03:29buwis ng tao
03:30Kaya kung babawasan ang buwis, saan nakukuha ng pondo ang bansa
03:35Noong November 18, 2019 ay inihalal si Gota bilang presidente ng Sri Lanka
03:41Sinunod naman ni Gota ang kanyang pangako
03:44Lumiit nga ang kanilang buwis
03:46Kaso nga lang, sa loob lamang ng tatlong taon na kanyang pamumuno ay bumagsak ang ekonomiya ng bansa
03:52Dahil sa pagbabawas ng buwis, bumaba ang credit rating ng Sri Lanka
03:56Napredeck kasi ng mga international rating agencies na di kalaunan ay mauubusan ng pera at pondo ang Sri Lanka
04:04Kaya ang risulta, nagsialisan ang mga foreign investors at nawalan sila ng overseas market
04:11At hindi pa nagtatapos dyan ang pagkakamali ni Gota
04:14Dahil pagpasok naman ng April 2021, ipinagbawal niya ang lahat ng imported chemical fertilizers sa mga sakahan ng Sri Lanka
04:23Ang kanyang dahilan, mas mangganda raw ito sa kalusugan ng nakararami
04:27Pero di kalaunan, ay napagtanto ng mga kritiko na ang totoong dahilan nito ay hindi talaga para sa kalusugan
04:34Kundi dahil may shortage na ng dolyar ang Sri Lanka
04:38At dahil dito, tinitipid na ng gobyerno ang kanilang foreign reserves
04:43Kaya ang naging risulta, bumaba ng halos 50% ang produksyon ng bigas at nagkaroon ng shortage sa buong bansa
04:50Sahalip na makatipid dahil sa pagbaban ng mga imported chemical fertilizers
04:55Ay mas lalo pang lumaki ang gastos ng gobyerno
04:58Dahil napilitan silang mag-import ng bigas sa ibang bansa dulot ng malawakang shortage sa buong Sri Lanka
05:07Hindi maikakaila na nakaapekto rin ang pandemia sa pagbagsak ng ekonomiya ng Sri Lanka
05:1313% kasi ng GDP ng bansa ay nakaasa sa turismo
05:17Kaya naman, nang magsarado ang borders ng Sri Lanka dahil sa pandemia
05:21Ay malaking bahagi rin ng kanilang revenue ang nawala
05:25Noong 2019, bago ang pandemia, nasa $7.5 billion ang kita ng bansa sa turismo
05:32Pero dahil sa pandemia ay bumaba ito sa $2.8 billion noong 2021
05:38Naapetuhan rin ito ang mga remittances na pumapasok sa bansa
05:42Dahil kaunti na lang sa mga Sri Lankans na nasa ibang bansa
05:46Ang nagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Sri Lanka
05:49Nito lamang March ay ibinaba ni Gota ang halaga ng Sri Lankan rupee
05:54Para sana makapanghikayat ng remittances
05:56Ngunit nagdulot lamang ito ng pagbaba ng purchasing power
06:00Meaning bumaba ang halaga ng kanilang pera at kaunti na lang ang nabibili nitong produkto o serbisyo
06:07Bago tayo magpatuloy, sa tatlong nabanggit, alin sa palagay mo ang pinakadahilan ng krisis sa Sri Lanka?
06:13Pakilagay ang inyong opinion sa comment section
06:20Ngayon ay nakakaranas ng mataas na inflation rate ang Sri Lanka
06:24Ang inflation ang siyang nagtutulak para tumaas ang presyo ng mga bilihin
06:29Ang tinapay na dating 60 rupees ngayon ay 125 rupees na
06:34Higit sa doble ang itinaas ng presyo nito
06:37Ang presyo naman ng bigas noong June 2019 ay nasa 80 to 90 rupees lamang
06:43Ngayon ay pumalo na sa 200 to 240 rupees
06:47Times 3 ang itinaas nito
06:49Ang pagdaas ng presyo ay nagdulot ng pressure sa mga tao
06:53Na lalong magtrabaw para kumita ng pera at makabili ng pangangailangan nila
06:58Pero paano naman sila kikita ng pera ay pumipila sila ng halos apat na oras o higit pa
07:04Para lamang makabili ng pagkain at ibang kailangan
07:07Sa haba ng mga pila at tagal ng pag-aantay ay mayroon ng ilang naitala na namatay habang nakapila
07:14Para lang makakuha ng kanilang mga pangangailangan
07:17Nira rasyon at limitado lang din kasi ang ibinibigay sa mga tao na pagkain, gasolina, gamot at iba pa dahil
07:25nagkukulang na sila sa supply
07:26Madalas ring nagkaka-blackout sa bansa at maraming mga operasyon sa ospital ang sinususpindi dahil sa kawalan ng gamot
07:34Dahil dito kabi-kabila ang malawakang pagpuprotesta ng mga tao laban sa gobyerno
07:40Tinatayang ang kabuoang utang ng Sri Lanka ay nasa 51 billion dollars
07:45As of March 2022, tinatayang nasa halos 1.94 billion dollars na lamang ang pera ng bansang Sri Lanka
07:53Kung tutusin ay mas mayaman pa si Manny Villar kumpara sa buong bansa ng Sri Lanka
07:58Dahil as of May 2022, si Villar ay may net worth na 8.4 billion dollars ayon sa Forbes Magazine
08:06Halos lahat na ata ng pwedeng maging problema ng ekonomiya ng isang bansa ay nangyayari ngayon sa Sri Lanka
08:13Nakakalungkot na magkita ang ganitong sitwasyon ng isang bansa
08:17Kayo naman hangad natin na sila ay muling makabangon sa kanilang kinasasadlakan ngayon
08:23This is your Ate O from Our Republic hanggang sa muli and stay awesome!
Comments
Awe Republic
Creator
Bakit Na-Bankrupt Ang Bansang Sri Lanka?