00:00Decidedong hamunin ang Labor Department at ilang Labor Group
00:03ang nagpapagpapahinto ng isang korte sa Pasig
00:06sa utos sa Umento sa Sahod sa Metro Manila.
00:09Tiwala silang mali ang ginawa ng korte
00:11at nasa panig nila ang batas.
00:13Nakatutok si Dano Tinconco.
00:17Minimum wage earner ang cook at tindera na si Annie.
00:21Madaragdagan sana ng 85 pesos ang susunod niyang sweldo
00:24kung hindi ipinahinto ng Pasig Regional Trial Court
00:28Branch 152 ang Umento.
00:30Sayang po talaga kasi dito matasin sa halong mga taong ngayon eh.
00:33Ang lupat, maghihirap yung mga taong ngayon.
00:37Makakatulong kasi sa pamilya ko, lalo pat sa anak ko
00:40at makapag-negosyo din ako.
00:42May anak akong binubuhay na dalawa.
00:44Kung ikukumpara sa mga kapitbahay nating bansa,
00:47ang kasalukuyang minimum wage sa Metro Manila
00:50hindi nalalayo sa minimum wage sa Bangkok, Thailand.
00:53Mas angat tayo sa Cambodia at sa Hanoi, Vietnam.
00:56Pero mas malaki pa rin ang minimum wage sa Jakarta, Indonesia,
01:01pati sa Brunei at Malaysia.
01:03Bukas, nakatakdang dinggin sa Pasig RTC
01:06ang apela ng Labor Department sa Temporary Restraining Order
01:09o pansamantalang pagpapatigil sa 85 pesos na wage hike sa Metro Manila.
01:14Nakatutok po tayo, pati ang Office of the Solicitor General.
01:18May hearing nga bukas at yung mga ilang undersecretaries na doon,
01:22pati yung buong legal service ng dolen.
01:25Nasa batas nga po yun eh.
01:26So lahat po ito mabiventilate bukas.
01:29Kasi lahat po, lahat po ng ating pinag-uusapan
01:32ay outside the courtroom.
01:33May batas po tayong sinusunod eh, may proseso.
01:35So mananaig po dito ang saligang batas.
01:38Ang final arbiter nito ay ang husgado.
01:40Dahil nakabinbin pa sa korte,
01:43tumanggi muna si Labor Secretary Francis Tolentino
01:45na pag-usapan ang merito ng dalawang petisyong
01:48kumu-question sa wage order 27 ng kagawaran
01:51para sa 85 peso wage hike
01:53o dagdag ng 1,700 pesos kada buwan
01:56sa minimum wage sa Metro Manila.
01:58Bukas din nakatakdang mag-hae ng mga labor group ng mosyon
02:02para bawiin ng korte ang TRO.
02:04Kinu-question din kasi ng ilang labor group
02:07kung bakit idinaan sa korte
02:09ang petisyon ng Ready-Con Trading and Construction Corporation
02:12at R2 Builders Incorporated.
02:14Sa Article 126 ng Labor Code,
02:17hindi maaaring makialam ang mababang korte
02:19tulad ng Regional Trial Court o RTC
02:21para pigilan ang mga desisyon ng labor boards
02:24tulad ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.
02:28Ang nakasulat sa RA 6727 at sa Labor Code,
02:32yung exclusive jurisdiction sa pagtatakda ng sahod
02:36nasa mga Regional Wage Boards.
02:38So kung merong apila yung halimbawa mga negosyante,
02:41dapat ang pupunta nila,
02:43National Wages and Productivity Commission,
02:45hindi sa RTC.
02:47So pinangingibabawan,
02:48pinangihimasukan ng Pasig RTC Branch 152
02:51kung ano yung nakasulat sa batas.
02:53This really merits a congressional inquiry.
02:56Meron kaming pagkilos bukas
02:59at sa harap ng Dole
03:01at saka dito sa Pasig RTC,
03:05ang aming purpose muna ay palaala
03:08dito kay Judge Marie Joyce Manongsong
03:12na bawal sa Labor Code
03:15yung paghaharang sa anumang wage increases
03:19na inialabas ng Regional Wage Board.
03:22Bawal yun.
03:23Abay magiging president ito.
03:24Palagi na lamang na
03:26kaharangin ang anumang wage order
03:29na napakahirap na ipaglaban
03:31ang mga manggagawa.
03:32Naniniwala po ako
03:34mananaig ang
03:36Article 13, Section 3
03:38ng Philippine Constitution.
03:40Naniniwala po ako
03:41na ikilalanin
03:43ng sugado
03:44ang primacy ng batas.
03:46Dano Tingkungko
03:48na Katutok 24 Horas.
Comments