00:00Pasado alas 4 ng hapon kahapon nang mahagit sa CCTV
00:04ang isang lalaking estudyante na nagmamadaling lumabas sa gate ng Las Piñas National High School.
00:09Lumapit siya sa barangay outpost at tila humihingi ng tulong.
00:13Maya-maya, may kita na ang mobil at ilang tauhan ng barangay na nagmamadaling pumasok sa gate ng paaralan.
00:19May humingi po ng tulong. Nakita ko, yung bata eh, nakahiga na lang. Ang dami talagang dugo.
00:26Ayon sa pulisya, isang lalaking estudyante ang nasaksak sa loob mismo ng paaralan.
00:32Naisugod pa sa ospital ang 13-anyos na biktima pero binawian din ang buhay dahil sa saksak sa kaliwang dibdib.
00:38Ang nanaksak ang 14-anyos na kaklase ng biktima na agad ding nahuli ng mga otoridad.
00:44Ang ugat ng krimen dahil sa sukli ng biniling tubig sa kantin noong reses nila.
00:49Ayon sa pulisya, inutusan ng Child in Conflict with the Law o CICL ang biktima na bumili ng tubig.
00:56Hindi naniwala yung CICL na yung subcase na iwan doon sa school kantin.
01:01Bumunod yung CICL ng fan knife.
01:04Then sinaksak ko ng biktima.
01:07Ang nagluluksang pamilya ng biktima, nananawagan sa paaralan na dapat mas higpitan pa ang inspeksyon sa entrance ng paaralan.
01:14Parang diyan po maulit.
01:16Hindi yan po isang bis na nangyari yan.
01:17Alos pa kalawa na ko rin nangyari.
01:19Nai-turn over na sa bahay pag-asa ang CICL na nakatakdang suriin kung may discernment sa kanyang nagawa.
01:25Sinusubuan pa namin makuha ang pahayag ng pamilya ng lalaking na naksak.
01:28Ine-investigahan ng pulisya kung may mas malalim pang dahilan sa pananaksak at kung paano na ipasok ang balisong sa
01:34paaralan.
01:50Ayon sa Las Piñas National High School, agad silang nakipagtulungan sa investigasyon.
01:55Pakiusap nila sa publiko, iwasang magpakalat na mga sensitibo at hindi verified na impormasyon, larawan o video na maaaring makaapekto
02:03sa investigasyon.
02:04Magbibigay ang paaralan ng psychological first aid, psychosocial support at iba pang tulong sa mga estudyante, guro at kawani.
02:11Nanawagan din sila ng mas mahigpit na pagtutulungan ng mga magulang, paaralan at komunidad upang hindi na ito maulit.
02:18Jomer Apresto Nakatuto, 24 Horas.