00:00Target ng Senate Committee on Energy na matanggal na sa bill ng ating kuryente ang System Loss Charge bago magpasko.
00:08Ayon sa chairman ng committee na si Sen. Erwin Tulfo gusto raw ng Malacanang na magawa ito bago matapos ang
00:13Agosto,
00:15pero hindi ito kakayanin sa isang hearing lang.
00:18Kabilang sa mga natalakay sa pagdinig ang pahayag ni Meralco Chairman at CEO Manipangilinan kung sino ang sasalo sa System
00:25Loss.
00:26Anya, hindi yan kayang pasanin lahat ng power industry.
00:30Sabi ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission,
00:33kaya namang saluhin ng distribution utilities ang non-technical system loss o yung ninanakaw na kuryente dahil sa mga iligal
00:41na koneksyon.
00:45Nakikita naming sasagot nun, obviously, yung distribution company.
00:49Ngayon kasi efficient or not efficient, walang pressure for them to lower down system loss because everything is passed to
00:57the consumers.
00:58So ngayon, since it's part of their cost na, may papwersa sila na talagang pababaan o tanggalin yung system loss,
01:08lalo na pagdating sa technical.
01:10Hindi sila mababankrap kung alisin natin ang systems loss.
01:15Dahil po ang non-technical system loss ay mga nasa isa at hanggang 1.5% ng total kabuang system
01:24loss nila, ito naman po ay maliit.
01:28Pang matagalang solusyo naman daw ang kailangan sa technical system loss o ang nawawalang kuryente habang dumadaloy sa mga kable
01:36at maraming transformers.
01:38Ayon sa DOE, kailangan nilang tulungan ang maraming electric cooperatives para mas maging maayos ang kanilang mga infrastruktura.
01:45Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng DOE na bumuna sila ng Joint Task Force kasamang ilampang ahensya at electric cooperatives
01:54para maipatupad ang mga reforma isinusulong ng Pangulo.
Comments