00:00Una sa Saksi, sumalpok ang isang closed van sa nakahintong trailer truck sa Antipolos City.
00:06Dead on arrival sa ospital, ang pahinante na pahirapang mailabas mula sa closed van.
00:13Saksi si Jamie Santos, exclusive!
00:17Pasado alas 4 ng madaling araw kanina, makikita ang trailer truck na nakahinto sa gilid ng Sumulong Highway sa barangay
00:25Santa Cruz, Antipolos City.
00:26Naku-on ang hazard lights habang hinihintay na mabuksan ang gate ng kanilang gusali.
00:32Ilang sandali pa, makikita ang paparating na closed van na dere-diretsyong sumalpok sa likurang bahagi ng nakahintong truck.
00:40Sa lakas ng pakakasalpok, nayupi ang harapang bahagi ng closed van.
00:44Tinamaan po ng medyo critical po dito ay yung po sa may pahinante nasa side.
00:49Ipit na ipit ang pahinante sa loob ng closed van, habang bahagyang naipit naman ang ibabang bahagi ng katawan ng
00:56driver.
00:58Pahirapan ang pagsagip sa dalawa, lalo na sa pahinante.
01:02Kinailangan pang gumamit ng mga equipment para maialis siya sa pagkakaipid.
01:07Meron din po kasi tayong mga gamit. Nakatulong po yun para sa mas pabilis po na extrication.
01:12Ligtas na naialis ang driver at isinugod sa ospital.
01:16Nagpapagaling pa siya sa mga tinamong sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
01:20Isinugod din sa ospital ang pahinante pero idineklara siyang dead on arrival.
01:25Ayon kay Antipolo CDRRMO head, Relly Bernardo.
01:29Ayon sa maotoridad, walang makikitang indikasyon sa CCTV na nagtangkang magpreno ang driver ng closed van bago ang insidente.
01:37Wala rin umanong nakitang skid marks sa kalsada.
01:40Base po din sa video, nakikita din po doon na parang dired-diretso lang po siya.
01:47Ayon po sa ating kapulisan, pinagtapalagay po na yung driver po nito ay tila nakatulog po.
01:54Ayon sa Antipolo Police Community Prison 2, nagkasundo na ang magkabilang panig kaya itinuturi ng sarado ang kanilang investigasyon.
02:01Muli rin nagpapaalala ang mga otoridad sa mga motorista na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang sasakyan.
02:09At sapat ang pahinga ng nagmamaneho bago bumiyahe para makaiwas sa aksidente.
02:15Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments