00:00Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation address
00:04ang tuloy-tuloy na suporta sa sektor ng transportasyon.
00:08Inilatag ng Pangulo ang pinalawak na diskwento sa pasahe
00:11at ang lalapit na pagbubukas ng MRT Line 7 sa susunod na taon.
00:15Ang detali sa report ni J.M. Thompson.
00:21Ngayong tumatayas na ng produktong tulot ng silangan,
00:23pa rin ang mga diskwentong ibinibigay ng pamahalaan sa ating mga kababayang tsyuper
00:28at iba pang pampublikong sasakyan na palalawakin at ipagpapatuloy
00:33para tugunan ang aberyang dulot sa kanilang hanapbuhay.
00:37Prioridad din ng administrasyon ang siguridad na may ligtas
00:40at maayos na masasakyan ng ating mga kababayan
00:43na isa sa binigyang diini Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang SONA.
00:48Dito sa Metro Manila, ang lahat ng mga sumasakay ng LRT-2 at MRT-3
00:54ay patuloy na naging ginawaan ng 50% diskwento sa pamasahe.
00:59Bukod pa ito sa mga espesyal na diskwento na ating ibinibigay tuwing linggo
01:05at mahahalagang kapistahan.
01:07Ayon sa Department of Transportation,
01:09umabot na sa mahigit 40 milyong commuter
01:12ang nakinabang sa 50% fare discount sa MRT-3
01:16habang mahigit 20 milyong commuter naman ang naitala sa LRT-2.
01:21Dagdag pa ni Secretary Lopez,
01:24patuloy rin ang pag-arangkada ng mga programa ng DOTR
01:28para sa diskwento sa mga commuter na magagamit pa nila
01:31sa ibang gastusin gaya ng pagkain, medesina at iba pang pangangailangan.
01:37Samantala, inilatag din ni Pangulong Marcos
01:40ang mga imprastrukturang pangtransportasyon
01:42na malapit ng matapos na magbibigay ng maginhawa
01:46at mas mabilis na biyahe sa mga motorista at commuter.
01:51Sa susunod na taon,
01:52bubuksan na rin ang labindalawang stasyon ng MRT-7.
01:56Matapos ang halos tatlong dekada,
01:59may bago ng linya ang MRT na tutulak pa
02:02hanggang Sacred Heart sa Quezon City mula sa North Avenue.
02:06At balang araw, aabot pa ito hanggang San Jose del Monte, Bulacan.
02:11Sisikapi naman ang DOTR na matapos ang mga proyektong ito
02:15na inaasahang magbibigay ng mas mabilis,
02:18ligtas at maginhawang biyahe ng bawat Pilipino.
02:23JM Thompson, para sa bayan.