00:07Transcription by CastingWords
00:33Ang umano'y baling paggamit sa P612.5M Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte
00:40ang paksa sa ikasampung araw na impeachment trial.
00:44Kabilang dito ang mga dumaan sa tanggapan ng Vice Presidente, pati nung kalihin pa siya ng Department of Education.
00:51Unang testigo ng prosecution, si Violeta Constantino, ang dating branch manager ng Land Bank Show Boulevard.
00:58Noong panahong nag-withdraw ang Office of the Vice President ng cash, gamit ang apat na check-in may P125M.
01:07Ang mga cheque na in-cashdown noong December 20, 2022, February 6, 2023, April 25, 2023, at July 14, 2023.
01:18Lahat, takapangalan kay Gina Acosta, Special Disbursing Officer ng Office of the Vice President.
01:26Ang pondo pumasok daw sa Land Bank mula sa National Treasury.
01:30Para kay Constantino, unusual o kakaibaraw ang transaksyon.
01:35Normal po ba na ganito kalaki ang wini-withdraw ng isang government agency?
01:41Is this normal? Nakakita ka na ba nito ng other government agencies na ganito kalaki ang withdrawal?
01:48Wala po. Unusual po ito.
01:51Unusual yung withdrawal.
01:53Nagduda po kayo sa ganitong kalaking halaga. Is that correct?
01:57Um, sa personal opinion namin, sa bank ko, parang syempre po, saan kaya gagamitin po yung ano, yung cash na
02:05to?
02:05Pero hindi naman po namin tinanong na. Kasi may advice naman po siya.
02:10Sa 32 years niyo po sa banking industry, sa land bank, nakakita na po ba kayo ng ganyang kalaking amount
02:19na withdrawal ever before?
02:21First time po.
02:22Usually po kasi kaya naging unusual pa sa akin kasi cash po siyang pinakuha.
02:27Sa other, ano naman po, kumbaga nag-i-issue po sila ng mga cheque sa yung disbursement po nila by
02:34checks po, hindi po cash.
02:36Pero sabi ni Constantino, lehitimo naman at hindi iligal ang transaksyon ng OVP.
02:42Hindi rin nila ito itinuring na kahina-hinala o suspicious.
02:46Supported naman po ito ng advice. So once po nakapasok na po sa system at funded naman po siya, okay
02:54na po sa amin yun. Hindi po siya suspicious.
02:56At lahat po ay legitimate?
02:58Yes, sir.
02:59Just because it's unusual, it doesn't mean it's illegal or whatever. Tama po ba?
03:06Wala naman pong illegal doon sa encashment po.
03:09So ilang daful bag po ulit?
03:11Mga three to four. Bags po.
03:14You should be approximate, ano, I mean precise kasi we're talking of impeachment of the vice president dito.
03:20Hindi dapat yung parang kalkulasyon-kalkulasyon lamang. As much as possible.
03:24Opo, mga gano'n, four bags.
03:26Okay, four bags.
03:27Punto ng prosecution?
03:29Tama, apat na bag. Pinaglagyan ng cash. Tatlong 30 milyon at isang 35 milyon.
03:37At ito ay nakumpirma sa testimonya ngayon ng ating bank manager na gaya nga nang nabanggit ninyo, noong April pa,
03:48sinabi na ito ni Ramil Madriaga.
03:50So again, there's a striking coincidence, perhaps, we may call it.
03:59Sumunod at tinawag bilang testigo sa Ninita Camposano, dating branch manager ng land bank sa Department of Education.
04:07Kaugnay naman sa confidential funds ng vice nung DepEd secretary pa siya.
04:12May tig 37.5 milyon pesos naman ang halaga ng tatlong checking we need draw daw sa accountant DepEd noong
04:21February, April at July 2023.
04:23Isang Edward Fajarda, na dati raw DepEd special dispersing officer, ang nagpupunta sa banko at sa fire exit daw dumaraan
04:31dala ang pera.
04:32Gaya sa naon ng testigo, unusual o kakaibarawan transaksyon ng DepEd para kay Camposano.
04:38For government agencies, unusual po ang amount ng pag-withdraw.
04:47Wala po kayong nakitang kahinahinala, hindi po ba?
04:50Wala naman po.
04:51Ibig sabihin, hindi po iligal.
04:55Wala naman. Ang ano lang po kasi namin is yun sa check and cash.
04:59Ibig sabihin, wala pong iligal.
05:01Hindi na cross-examine ang depensa kay Cossatino pero may tinanong sila kay Camposano.
05:08Lumabas po siya sa fire exit dahil safer po yun dahil nasa loob na po siya ng DepEd. Tama po
05:14ba?
05:14Yes, sir.
05:15No further questions.
05:16Bago ipinirisinta ang mga testigo, nagkaroon ng opening statement ang membro ng House Panel of Prosecutors na si Mamamayan Liberal
05:25Partylist Representative Laila Delima.
05:28Pero may pagtutol dito ang abogado ni Duterte dahil may mga sinasabi raw si Delima na conclusion of fact and
05:37law na dapat ay sa mga testigo panggagali.
05:40This is not about one missing receipt. This is not about a clerical error or accounting mistake.
05:47The evidence will reveal a pattern, a systemic course of conduct that, taken as a whole, demonstrates graft and corruption
05:55and betrayal of public trust.
05:58I think we have to object to the statements being made by the Honorable Delima with all due respect, of
06:04course.
06:05I was listening intently in the beginning. It was okay, Honorable Delima.
06:08But later on, you did make conclusions of law already which the chair orders to be stricken from the record.
06:14Kahit naman i-strike off the record natin, e narinig na po at nasabi na, so to allow your honours,
06:21again, a continuation of such, is really goes into the matter of fair play, Your Honour.
06:28Sa kabuuan ng ebidensya, makita ang hindi lang mga simpleng irregularidad ang nangyari.
06:34Malinaw ito.
06:35Honorable Delima, I would have to stop you at this point.
06:39Noong nakaraan linggo, natapos ang pagpresenta ng prosekusyon na mga ebidensya sa ilalim ng Article 4 ng Articles of Impeachment
06:49na may kinalaman sa umunay pagbabanta ng bisya sa Pangulo, First Lady at dating House Speaker.
06:56Noong nakaraan linggo rin, napag-usapan ng dapat sanay pagbabago sa takbo para mapabilis ang paglilitis
07:03kung saan tatapusin muna ang presentasyon ng parehong prosekusyon at depensa sa bawat Article of Impeachment bago simulan ang isa
07:12pa.
07:12Pero tinutulan daw ito ng depensa kaya napagpasyang simulan na ng prosekusyon ang pagtalakay sa Article 1.
07:20Sa susunod na linggo, itutuloy ang pagdinig kung saan tatlong witness ang ipapatawag.
07:25Dalawa sa kanila ay mula sa Commissioner Audit at ang isa ay Director ng House of Representatives.
07:31Ito ang unang balita. Sandra Aguinaldo, GMA News.