00:00Kulong ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw ng mga metro ng tubig sa barangay pinagbuhatan sa Pasig.
00:07Pero wisyo ang dulot niyan sa ilang residente na nawala ng supply ng tubig.
00:12Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:17Isang lalaki ang kitang nagtutulak ng kanyang sidecar na may lamang mga kalakal sa kahabaan ng MH Dalpilar Street sa
00:25barangay pinagbuhatan Pasig City noong July 18.
00:28Tila sinusuri niya ang nakatambak sa gilid ng kalsada.
00:32Pero ang lalaki nagmamasid-masid na raw pala bago magnakaw ayon sa barangay.
00:38Makalipas ang dalawang oras, pumasok ang lalaki sa isang compound, bit-bit ang isang sako.
00:44Dumiretso siya sa pwesto ng mga metro ng tubig at isa-isang kinalikot at tinanggal.
00:50Nakuha niya ang dalawang metro ng tubig na pagmamayari ng magkapit-bahay na sina Thelma at Lovely.
00:56Nagulat na lang daw sila nang mawalan sila ng tubig.
01:00Pagising ko sa umaga, syempre maliligo yung maliligo kami, papasok kami.
01:06Nagulat kami, walang tubig.
01:08Expected namin, pinatay lang.
01:11Kaso pagtingin namin, mga walang metro.
01:14Doon na raw sila nag-review ng mga CCTV ng kanilang kapit-bahay.
01:18Sobrang bilis niyang binaklas yung metro namin.
01:21Talagang parang biyasang-biasa siya.
01:24Magpapangatlo pa po siya.
01:25Kaso nga lang, nung naluwagan niya yung pangatlo, may dumaan po na tao kaya hindi niya na nakuha.
01:30Mahigit isang linggo na raw silang nagtitiis sa kawalan ng supply ng tubig.
01:35Timba-timba po muna kami dahil po dyan sa perwisong nangyari na pag nanakaw na yan.
01:42Nagsisaga po muna kami magsalok, limang piso isang timbak.
01:45Ayon sa barangay, humigit kumulang limampung bahay ang ninakawan ng metro ng tubig nitong nakalipas sa tatlong buwan.
01:53Anila, isang grupo ng mga lalaki ang nasa likod ng pagnanakaw.
01:57Nakikita po namin, yung pinaka-lock ng mga nut para mabaklas mo yung metro, tinatanggal nila yun.
02:04Tapos meron silang dalang mga tools, labitubo, katala, kung sakali na mahirap tanggalin,
02:13meron naman, nakikita natin sa CCTV talagang kamay lang ang pinampipihit nila.
02:18So talagang mga sanay na sanay sila.
02:21Minanmanan daw nila ang mga sospek hanggang sa mahuli, ang isa sa kanila noong July 19.
02:27Nasa kustodiyana ng Pasig City Police ang sospek na sinampahan ng reklamong TEF.
02:32Wala siyang pahayag sa media.
02:34Pero sabi niya sa barangay,
02:37Nakuha daw niya yun, nakalakal niya, pero kasi buo pa yun eh.
02:42So yun, tumatanggi pa siya.
02:44Noong sinabi namin na meron na mga CCTV kami nakita na ikaw.
02:48At dyan pa rin ang suot mo nung nag-iikot ka.
02:54So hindi na siya nakatanggi, hindi na siya nag-langatwiran.
02:59Umamin din daw ang sospek na ibinibenta niya
03:02ang mga ninakaw ng metro ng tubig sa halagang 480 pesos kada tatlong piraso o kada kilo.
03:09Patuloy ang pagtugin sa mga otoridad sa iba pang nagnanakaw ng metro ng tubig.
03:14Ayod sa barangay, nakipag-ugnaya na sa kanila ang Manila Water
03:18at makikipagtulungan daw sa reklamong isasampa laban sa sospek.
03:22EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.