00:00To be continued...
00:32Sugata ng isang truck driver sa Cagayan de Oro City matapos maipit sa pagitan ng dalawang container van.
00:39Sa video, kitang inaatras ng forklift ng container van.
00:43Doon nakita ang naipit ng driver na nilapitan at binuhat ng kanyang mga kasamahan.
00:48Kwento na isa sa mga kasamahan ng driver,
00:51hindi napansin ang forklift operator na naroon pala sa gilid ng container van ng driver
00:56nang idinikit niya ang isa pang container van.
01:00Nagpapagaling na sa ospital ang driver na nabalian ng braso at tadyang.
01:04Nagkaareglo na raw ang driver at ang forklift operator.
01:14Nalunod ang isang lalaki matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Buldon, Maguindanao del Norte.
01:19Nakuna ng video ng isang residente ang pagtawid ng bangka sa ilog
01:23sa pamamagitan ng paghila ng lubid sa barangka Edcor nitong Martes.
01:27Habang papalapit sa kabilang pampang, biglang naputol ang lubid kaya nagtangkang bumalik ang bangka.
01:33Nawalan yun ang balanse dahil sa pagpasok ng tubig hanggang sa tumaob.
01:38Ayon sa pulisya, nahulog sa ilog ang labindalawang sakay ng bangka.
01:43Nakalangoy pabalik sa pampang ang mga sakay maliban sa isa.
01:46Natagpuan ang kanyang katawan at isinugod sa ospital pero ediniklarang dead on arrival.
01:51Dahil sa insidente, nananawagan ng mga residente na tayuan ng tulay ang kanilang lugar.
Comments