00:00Tinutulan ang Philippine Coast Guard ng sinabi ng China na may hiningi umanong permiso para sa medical evacuation ng dalawang
00:07sundalong Pilipino mula sa BRP Sierra Madre na nasugatan sa enkwentro sa Ayungin Shoal.
00:12Sa katunayan, ayon sa PCG, tinangkang harangan ng China Coast Guard ang operasyon. Si Patrick De Sousa report.
00:30Mula ng umali sa Puerto Princesa, Palawan, pasado alas 11 ng gabi noong lunes patungong Ayungin Shoal,
00:37kada 30 minuto ang ipinapadalang radio announcement ng BRP Melchora Aquino ng Philippine Coast Guard,
00:43kaugnay ng isa sa gawang medical evacuation sa dalawang sundalong Pilipino mula BRP Sierra Madre na nasugatan matapos ang naging
00:51enkwentro sa mga tauha ng China Coast Guard.
00:54Kasama sa Medevac, ang isa pang barko ng PCG na BRP Malapaskwa.
01:00Any obstruction of this medical evacuation places human life at risk will be your full responsibility.
01:08Sa distansyang 14 nautical miles mula Ayungin Shoal, isang barko ng China Coast Guard ang nag-radio challenge
01:15para sabihin, babantayan nila ang Medevac sa kabila ng humanitarian consideration.
01:21Your cooperation is required and you will bear all the consequences. Over.
01:28This just goes to show that China thinks that they are above the international law and they do not care
01:35about the preservation of life ng ating mga tao.
01:40Apat na barko ng China Coast Guard ang namataan sa gitna ng Medevac.
01:45Isa sa mga ito ay naglunsad ng rigid hull inflatable boat at nagtangkang harangin ang ibinabang rib ng PCG.
01:52One nautical mile mula sa entrada ng Ayungin Shoal.
01:56Sa kabila nito, nakarating sa rendezvous point ang rib ng PCG.
02:00Para kunin ang mga sugatang sundalo mula sa BRP Sierra Madre, inilipat sila sa BRP Melchora Aquino at ginamot ng
02:08mga doktor at nurse sa barko,
02:10kung saan isa sa mga sundalo ay may head trauma dahil sa sugat na abot sa 8 cm.
02:16Alas 8 ng umaga nitong Merkoles o matapos ang halos dalawang araw, nakabalik sa Oyster Bay palawan ang mga barko
02:24ng PCG.
02:24At itinurn over ang mga sugatang sundalo sa AFP Western Command para sa karagdagang atensyong medikal.
02:32Pinabulaan na ng PCG ang sinabi ng China na may hininging permiso para sa medical evacuation.
02:39This is just a propaganda spin of the China Coast Guard claiming that they have given us permission, that they
02:47have allowed us to do this.
02:48Again, we never ask for any permission because we believe that there's no need for us to ask anything from
02:57the Chinese government.
02:58Muli ring nanindigan ang National Task Force for the West Philippine Sea na ang tangkampaglapit ng China Coast Guard sa
03:05BRP Sierra Madre,
03:06ang pinagmula ng panibagong tensyon sa Ayungin Shoal habang nanatiling profesional at alinsunod sa Rules of Engagement,
03:14ang ginawa ng mga tauhan ng Philippine Navy.
03:17Sakaling maulit ang insidente, tiniyak ng bagong talagang Armed Forces of the Philippines Chief of Staff
03:23na si General Antonio Nafarete na handa ang mga sundalo.
03:27Naprotektahan ang BRP Sierra Madre na isa pa rin commissioned vessel ng Pilipinas at nagsisilbing military outpost.
03:35We have to stand our ground, atin yan. Rest assured that we will also do our jobs.
03:45And I think they're ready for it. We have our rules of engagement also there.
03:50Patrick De Jesus, para sa payan.
Comments