00:00Walang kahit isang bansa sa mundo ang may kakayahan makalampas sa mga pagsubok na nag-iisa.
00:05Naging sentro ito ng talakayan sa pagbubukas ng 59th ASEAN Foreign Minister's Meeting
00:10kung saan binigindiin ang kahalagahan ng pagkakaisa para malampasan ang iba't ibang hamon sa mundo.
00:17Yan ang report ni Gab Villegas.
00:22Formal na binuksan ni Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro
00:26ang 59th ASEAN Foreign Minister's Meeting sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
00:32Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyan din ng kalihim ang kahalagahan ng pagkakaisa ng ASEAN
00:39sa harap ng mga pandaigdigang hamon, kabilang ang kaguluhan, kawalang katiyakan at mga di inaasahang pangyayari.
00:47Giyon din ang kooperasyon ay hindi na opsyon, kundi isang pangangailangan upang mapanatili ang katatagan at kapayapaan sa rehyon.
00:55In a fractured global landscape, no single nation can weather these storms alone.
01:02Our strength and resilience lie in our community.
01:07Acting together, it is our shield against external pressures and our engine for regional stability.
01:14If we do not move forward as one, we risk being pulled apart.
01:18Ginugunita rin ngayon taon ang ikalimampung anibersaryo ng Treaty of Amity and Cooperation
01:24na naging haligi ng paggalang sa soberanya, hindi pangihimasok sa mga panloob na usapin at kapayapaan sa rehyon.
01:32Sa plenary session, binigyang halaga rin ang implementasyon ng ASEAN Community Vision 2045
01:39na layang makabuo ng mas matatag, makabago at nakasentro sa mamamayan na ASEAN.
01:44I wish to underscore that in the current geopolitical landscape that we are in,
01:50no nation can effectively chart its course alone.
01:53Throughout human history, we have learned that the most successful journeys
01:57are those undertaken together with mutual respect and trust, as well as a shared sense of purpose.
02:04This is reflected in this year's chairship team, as we navigate an era of swift transformations
02:10that has remained steadfast in working together so that ASEAN continues to be a force of peace and stability
02:17for the millions of people who call our region home.
02:21Inanunsyo rin ni Secretary Lazaro na lalagda sa Treaty of Amity and Cooperation
02:26ang Poland, Romania, Sweden at Lithuania sa darating na biyernes.
02:30Samantala, naglabas ang mga ASEAN foreign ministers ng joint statement
02:34hinggil sa patuloy na kaguluhan sa gitnang silangan
02:38na nawagan sila ng agarang pagtigil sa labanan, paggalang sa soberanya at international law
02:43at pagprotekta sa mga sibilyan at humanitarian workers.
02:47Ipinahayag din nila ang pag-aalala sa posibling epekto ng sigalot sa kalakalan,
02:52enerhiya at food security, kasabay ng pagtitiyak ng patuloy na consular assistance
02:57sa mga mamamayan ng ASEAN na apektado ng krisis sa gitnang silangan.
03:01Gab Humilde Villegas, Para sa Bayan.
Comments