00:28Transcription by CastingWords
00:30Ang isang empleyado ng Manila City Hall na si Alya Shell, matapos bumisita sa isang klinik sa Todo-Maynila nitong
00:35lunes.
00:36Nagpa-x-ray daw ang 27-anyos na biktima bilang bahagi ng kanilang annual physical exam at doon sa klinik
00:42na yun siya nirefer ng Barangay Health Center na pinantahan niya.
00:45Habang siya'y nagbibihis, nakita raw ng biktima ang isang cellphone sa ilalim ng lamesa at nakatutok sa kanya habang
00:51nakavideo.
00:52Ang cellphone, pag-aari umano ng x-ray teknisya na umasiste sa kanya.
00:57Doon ako na nervous, talaga nanginginig ako, hindi ko alam yung reaction ko.
01:01So kinuha ko po yung cellphone, pagtingin ko, nakavideo ko ng 11 minutes po yung 22 seconds.
01:06Nakita ko yung sarili ko, nakaubad ako kung paano ko nagubad, kung paano rin ako nagbihis.
01:11Kinumpronta raw niya ang lalaki na mabilisan niyang kinuha ang cellphone at sinabing naghang lang ito.
01:16Nangako rin daw ang lalaki na buburahin na lang ang video.
01:19Hinuli ang 25-anyos na sospek matapos dumulog sa polisya ng biktima.
01:23Sa presinto, napag-alaman na may iba pa palang na biktima ang sospek.
01:28Ang daming video, lahat talaga na nagpa-x-ray nandun.
01:31Parang nasa 30 to 50.
01:33Puro mga bata siya, puro estudyante.
01:35May set-up siya.
01:37Tapos binabanggit niya ng welcome to my collection.
01:40Para siya nag-vlog.
01:42Bukod dito, inamin din daw sa kanya ng isa sa mga empleyado ng klinik
01:45na hindi lisensyadong x-ray technician ang sospek.
01:48Sabi niya, radtech student daw yan, mag-exam pa lang.
01:52So doon ako nang ambalalo.
01:53Bakit kayo nag-operate ng x-ray nang hindi lisensyado yung tao?
01:58Ayon kay Dr. Edgar Santos ng Manila Health Department,
02:00wala pa silang natatanggap na report kaugnay sa nangyari.
02:04Magsasagawa raw sila ng investigasyon at aalamin kung kumpleto ng requirements ang nasabing klinik.
02:09Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng klinik.
02:11Ang polis siya, patuloy pa ang investigasyon.
02:14Magre-request po kami ng application for cybercrime search warrant
02:20para po makatulong sa investigasyon po na ito.
02:25Ayon po sa sospek, ang sabi po niya, siya ay reliever bilang radtech doon po sa nasabing medical clinic.
02:35Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek na na-inquest na at nahaharap sa reklamong paglabag
02:40sa anti-photo and video voyeurism act of 2009.
02:42Sinampahan din siya ng paglabag sa Article 172 o ang falsification of documents
02:47dahil sa peking PWDID na ipinakita niya sa mga otoridad.
02:50Sa oras naman na mapatunayang hindi siya lisensyadong x-ray technician,
02:54posible rin siyang maharap sa paglabag sa Radiologic Technology Act of 1992.
02:59Ito ang unang balita, Jomer Apresto, GMA News.
Comments