Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Isang humaharurot na van ang sumalpok sa motorsiklo sa Santa Barbara, Pangasinan.
00:07Kita sa isang anggolo ng CCTV na tumilapo ng rider pati ang ilang bahagi ng motorsiklo.
00:14Dead on arrival siya sa ospital.
00:16Madaling araw ng Sabado nangyari ang banggaan.
00:18Ayon sa polisya, batay sa kuha ng CCTV, nagkaproblema ang motorsiklo.
00:24Hawak na ng polisya ang van driver na sinusubukan kuna ng pahayak.
00:31Day 8 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:35Hindi lang simpleng banta kundi aktwal na plano ang mga pahayag ng bise sa online press con noong November 2024,
00:42sabi ng testigo ng prosekusyon na si NBI Director Melvin Matibar.
00:47Isiniwalat din niyang may person of interest na sila na maaaring makatulong sa pagkilala sa hitman na kinausap ang mano
00:54ng Vice President.
00:55May report si Ian Cruz.
01:00We already have established persons of interest na maaaring makapagturo o tumukoy dun sa taong kinausap ng ating vice presidente.
01:09Ang tinutukoy ni NBI Director Melvin Matibag, na huling testigo ng prosekusyon sa impeachment article 4,
01:15ay ang sinasabing hitman na nakontrata na ni Vice President Sara Duterte para patayin ang Pangulo, unang ginang, at dating
01:24speaker sakaling patayin siya.
01:26Itong persons of interest kasama sa pagpaplano at inamin sa inyo na mayroong pagpaplanong ginagawa para pumatay?
01:34Meron po silang impormasyon na magtuturo po dito sa pagpaplanong ito.
01:38Hindi sila yung kasama sa pagpaplanong pumatay?
01:42Magtuturo lang sila?
01:43Doon po sa iba persons of interest meron po kami kinukonsidera dun na maaaring siya po ang kausap mismo ng
01:51Vice President.
01:52Tumanggi na si Matibag na isa publiko ang mga sinasabing persons of interest alang-alang sa nagpapatuloy na imbisigasyon at
02:00proteksyon sa kanilang mga ahente at impormante.
02:03Pero batay sa kanilang obserbasyon, hindi nalang basta simpleng banta ang pahayag ng Vice noong November 2024, kundi isa na
02:12aktual na plano.
02:13Kaya naman itong April 16, lumikharaw ang NBI ng Special Task Force para tumutok sa imbisigasyon.
02:21Ipinunto rin ang prosekusyon ang umanoy pattern of violence, hindi lang sa mga pahayag ng Vice, kundi pati ng iba
02:29pang miyembro ng pamilya Duterte.
02:31Gusto ko, tanggalin yung ulo niya ba?
02:38Isang ulo lang naman ang kailangan namin, ang ulo ni Bongbong Marcos!
02:44Anong koneksyon kung mayroon man ang video ni Mayor Sebastian Duterte at ang video ni Vice President Sara Duterte sa
02:55kasalukuyang imbisigasyon ng Special Task Force?
02:59Kapansin-pansin po na makikita natin na nanggagaling sa isang pamilya ang pagbabanta sa ating Pangulo at parehas na nag
03:08-reeper sa ulo ng Pangulo.
03:11Kung kaya naman iniisip po ba namin kung meron bang kasabwat o besabwatan sa pangyayaring ito?
03:17Ipinalabas din sa Impeachment Court ang video ng paninuntok ng Vice sa isang sheriff noong Mayor Pasha ng Davao noong
03:262011.
03:28Nanindigan si Matibag, hindi lang panakot sa Pangulo ang nakikita nila.
03:33Banta rin ito sa pambansang seguridad dahil sa anya'y network ng Vice at ama nitong dating presidente.
03:40Iri sa kinetic force na kung saan yung mga nakarinig na kanyang pababanta ay gumagaya na rin at nagbabanta.
03:47Lalong-lalo na sila ay nabibilang sa isang pamilya.
03:51I-sinaalang-alang din daw ng NBI ang anya'y open source intel na dokumento ni Arturo Lascañas,
04:00ang nagpakilalang dating kasama sa Davao Death Squad at isa sa mga testigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa
04:08International Criminal Court.
04:09Piniaga ng Korte na basahin ang bahagi ng salaysay ni Lascañas kahit tutulang depensa dahil a nila hindi pirmado at
04:18hindi notarized ang affidavit.
04:21Tinawag din ang depensa na hearsay, sabi-sabi, masyado pang maaga o premature at trial by publicity ang mga pahayag
04:30ni Matibag.
04:30Isn't that a trial by publicity?
04:33Hindi po. Sabagkat kaya nga po namin hindi nilalabas yung aming mga confidential at secret investigation.
04:40Lamang nga po tayo'y pinatitistigo rito.
04:43Kung hindi nyo pa po pala kayang magbigay ng detalye, bakit nyo pa po nilabas na may leads kayo in
04:49the first place?
04:50Sagot ni Matibag, ongoing pa ang investigasyon.
04:53Sa kabila po ng pagtistigo po ninyo ngayong araw, inaamin nyo ba na wala kayong personal na kaalaman sa nangyaring
05:00investigation starting November 23, 2024?
05:04Malinaw naman po yun at ang Korte po, I can take judicial notice of the fact na hindi pa po
05:08ako NBI Director ng panahon na yun.
05:10If not based on personal knowledge, then that is hearsay.
05:13I'm trying to look for the Filipino term for hearsay.
05:17Ano ba yung hearsay sa Tagalog? Sabi-sabi or chismis?
05:21Entries in official records are considered as prima facie evidence of the contents thereof.
05:30And thus, it's exactly the basis of the witness in answering the question of the defense.
05:36Nilabas din ng depensa ang partisipasyon ng misis ng testigo na si Laguna First District Representative Maria Renean Lourdes Garcia
05:45Matibag sa impeachment.
05:46I think he's going to the position if my wife endorses the article of impeachment so that we save time
05:53and it's on record.
05:54It's a matter of public notice. Yes, my wife is one of the endorsers of the impeachment.
06:00Mag-aala sa is ng gabi, nagsimula ang interjection ng senator judges pero nahinturin dahil kulang na sa oras.
06:07Ian Cruz, GMA News.
06:10Nasa The Hague, Netherlands ngayon si Vice President Sara Duterte.
06:15Pero nakausar raw siya ni Defense Team Spokesperson Attorney Michael Poa kaugnay sa pagpabor ng Senate Impeachment Court na ipasabpina
06:22ang ilang tax, bank at iba pang financial record niya at kanyang mister.
06:27Tugon daw ng bise, alam naman daw nilang mga abogado ang kanilang gagawin.
06:31Sa isang pahayag, kinumpirma ng Office of the Vice President na umalis ng bansang bise para sa isang overseas trip.
06:39Bukod sa Netherlands, magtutungo rin daw siya sa Qatar at United Kingdom.
06:44Pagdidiin ng OVP, walang ginamit na pondo ng gobyerno sa biyahe.
06:48Kunisyo naman ni Davao City First District Representative Paulo Duterte ang sabpina.
06:52Sa kanyang pahayag niya nasa lingwaheng bisaya at isinalin ng GMA News, tanong ng kongresist ng Duterte sa prosekusyon na
07:00wala, nakalimutan o ngayon lang ba naisip na kailangan ang mga naturang dokumento?
07:05Kung kumpleto na ang Articles of Impeachment na inaprubahan sa Kamara, bakit anya ngayon lang nagaanap ng papeles na dapat
07:12daw ay matagal lang hawak ng prosekusyon?
07:15Baka raw hindi ang dokumento ang kulang, kundi ang mismong kaso laban sa bise?
07:19Sagot naman ni House Prosecutor Congressman Shell Jokno, wala sa trabaho ng prosekusyon na halongkati ng ebidensya dahil nasa kamay
07:27ng Senado ang paglilitis.
07:30Anya sa Senate Impeachment Court ang panahon para magpresenta ng ebidensya at kasama dyan ng pagpapasabpina para sa mga naturang
07:38ebidensya.
07:41Limang Senador ang tumutol sa ruling ng Senate Impeachment Court kaugnay sa pagpapasabpina sa bank records at tax accounts ng
07:49mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Manases Carpio.
07:53Ayon kay Impeachment Court Spokesperson Attorney Reggie Tongol, tumutol sina Sen. Judge Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Amy Marcos, Lauren
08:03Legarda at Camille Villar.
08:04Base raw ito sa kanyang kanilang manifestations ng mga Senador.
08:10Lilinawin pa ni Tongol kung kasama sa pagtuto si Sen. Bonggo.
08:15Sagot naman ni Tongol kung maya pala ang ruling ng presiding officer.
08:20The period of appeal po tapos na po yun. Upon the resolution usually ginagawa po yun and usually it's the
08:28senator judges who appeal the resolution of the presiding officer.
08:31Now the parties, tama yung depensa na wala nakalagay na pwede mag-motion for reconsideration po.
08:37At kung hindi po inilalagay yung recourse na yun, then they have to find another recourse in the subcultorial rules
08:45of court regarding the issuance of the subpina.
08:50Mas tumasang chance na maging bagyo sa susunod na 24 oras ang low pressure area na binabantayan ng pag-asa.
08:58Kung sakali, tatawagan itong bagyong kiya po.
09:01Ayon sa pag-asa, posible yung pumasok sa Philippine Area of Responsibility bukas o sa miyerkulis.
09:07Hindi pa man naramdam ang epekto nito, binahanang ilang bahagi ng Cebu dahil sa habagat.
09:12May report si Marie Zumali.
09:17Mistulang ilog dahil sa baha ang kalsadang ito sa barangay Sapangdaco, Cebu City.
09:24Umapawang sapa roon dahil sa malakas na ulan.
09:28Bumaharin sa MJ Cuenco Avenue, isang lalaki ang lumusong sa baha para alisin ang mga basurang bumara sa drainage.
09:36Sa gitna ng baha, ilang residente ang stranded.
09:42Pinulungan sila ng mga bumbero.
09:45Bumaharin sa ilang bahagi ng Mandawis City, nahirapan ang mga motorista.
09:49Ayon sa Mandawis City LGU, nasa 55% na ang progress ng proyektong drainage system ng lungsod.
09:56Hangyong man na itong dipin na kumahimu within the year, masulubad na na.
10:00Again, manage your expectation lang yun na kung karoon, hindi yun magian, maspaspas lang mong subside ang inyong floodwater.
10:08Patuloy rin anila ang declogging na engineering team.
10:11Ilang lugar sa Talisay City ang binaharin kahapon.
10:14Paghupa ng baha, agad nagtanggal ng bara sa drainage ang mga otoridad.
10:19Ayon sa pag-asa, habagat ang nagpaulan sa Central Visayas.
10:24Bumuhos din ang ulan ngayong hapon sa Metro Manila.
10:28Animo'y bumagyo sa Fairview, Quezon City.
10:31Hanggang gutter ang baha sa ilang kalsada.
10:33Ayon sa pag-asa, apektado ng localized thunderstorms sa Metro Manila.
10:38July 20, 2026.
10:41Ngayon na po yung kalagayan dito sa daik.
10:46Tuyot na.
10:47Pero problema sa Bulacan ang kakapusan ng tubig ulan.
10:50Yan, nasa gilid na yan. Puro putik na yan.
10:54Sa kuha kahapon ng taga-anggat na si Dehaño Timbol,
10:57tuyot na ang bahagi na anggat dam reservoir.
11:00Ngayon ko lang po naranasan yung ganitong bumaba ang dam.
11:05Dati-dati hindi po ganito yung dam.
11:08Ngayong araw, sumadsad pa sa 152.20 meters ang tubig sa anggat.
11:13Record low ayon sa pag-asa Hydro Meteorology Division.
11:16Sa record namin, ito na po yung pinaka-lowest elevation na 152.
11:25Maaaring pag hindi pa umula ng mga ilang araw, bababa po po yan.
11:30At yun na yung pinaka-sa monitoring namin, yun na po yung pinaka-lowest elevation na anggat.
11:37Mariz Omali, GMA News.
11:40Mismong si Pangulong Bongbong Marcos na Commander-in-Chief at ang bagong upong hepe ng ating militarang kumundina sa bagong
11:47sigalot sa dagat
11:48na ang magsagupa sa Ayungin Show ng ating mga sundalo at mga tropa ng China Coast Guard.
11:54Ipinatawag ng Pangulo ang Ambassador ng China na nanindigan sa kanilang bersyon ng nangyaring tensyon.
12:00May report si Katrina Son.
12:04Hindi lang basta sa gitna ng West Philippine Sea nangyari ang hampasan na ito ng mga sundalo ng Philippine Navy
12:10at mga tauhan ng China Coast Guard kahapon.
12:17Dahil matay sa mga bagong video ng AFP na inilabas ngayong araw, malapit lang ang bangka ng mga Chino o
12:24sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
12:26Sabi ng AFP, pilit na dinidikita ng mga Chino ang BRP Sierra Madre kaya nagdeploy ang Philippine Navy ng dalawang
12:33rubber boats para itaboy sila.
12:36Giit ng AFP, kalmado ang pagpapaalis at hindi ng hamo ng ating Navy personnel.
12:45Ang mga tauhan ng China Coast Guard, kitang may hawak na baton, nanduduro at naninigaw.
13:02Paglapit ng isang rubber boat ng Pilipinas, isang Chinong Coast Guard ang akmang mga hampas.
13:10Inilabas ng AFP ang mga bagong video para kontrahin ang berasyon ng Chinese Embassy sa tensyon na mga sundalong Pilipino
13:17ang nanghamo ng away at naunang nanakit.
13:20Naglabas pa ng mga video ang embahada.
13:32Ang BRP Sierra Madre ay nagsisirbing outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na nasa loob ng ating 200 nautical mile
13:39exclusive economic zone.
13:41Ayon sa AFP, unlawful intrusion ang paglapit ng China Coast Guard sa lugar na may sovereign rights ang Pilipinas.
13:48Ang ganitong pangyayari, this is because of the illegal presence in our maritime zones.
13:56So long as they are there illegally, the potential for any coercive and aggressive action will always be there to
14:02include the deceptive messaging.
14:04Ayon sa Philippine Coast Guard, nagpatupad din ang blocking maneuvers ang kanilang Chinese counterpart habang inevacuate nila ang dalawang sundalong
14:13sugatan sa komprontasyon.
14:14The only violent act and barbaric act na ginawa dito is the China Coast Guard hitting directly the head of
14:22our personnel from the armed forces of the Philippines.
14:25Pero maging dyan, may bersyon ng China.
14:28Pinayagan daw nila ang pag-transport sa mga sugatang Pinoy mula sa tinawag nilang illegally grounded na BRP Sierra Madre
14:35dahil sa anilay humanitarian considerations.
14:39Ang mismong commander-in-chief ng ating militar pumalag sa panibagong sigalot sa dagat.
14:44Kinukondi na po ng Pangulo ang mga ganitong klaseng pangyayari.
14:48Hindi po talaga katanggap-tanggap itong nangyayari sa pagitan po ng bansanat po natin at ng China.
14:55Ngayong araw, ipinatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ang Chinese ambassador.
15:00Hindi idinitalye ni Palace Press Officer Yusek Claire Castro kung ano ang kanilang pinag-usapan.
15:05Dahil anya, may kinalaman ito sa national security.
15:09Magbabahagi raw sila ng impormasyon kung papayagan.
15:12Your soldiers, they're building some kind of barrier nets and they're doing some kind of construction work in the ship.
15:21So we sent two boats to check what happened.
15:25Then they sent boats and people to challenge us, ask us to leave, you know, to provoke or something.
15:33Then something happened.
15:35So that's, you know, the whole story.
15:38Ang bagong upong hepet ng AFP na si General Antonio Nafarete, tiniyak na hindi mangingimi ang AFP sa pagtatanggol sa
15:47teritoryo ng Pilipinas.
15:49We have to stand our ground. Atin yan. Rest assured that we will also do our jobs.
15:59And I think they're ready for it. We have our rules of engagement also there.
16:04Katrina Son, GMA News.
16:08Isang esudyante ang nagbanta ng karahasan sa kanilang paaralan sa Pangasinan.
16:14Ako ay isang armado na kabilang sa grupo nila.
16:17Binabalaan ko lahat ng mga esudyante sa Rosales National High School na kung ayon yung madamay, huwag kayong pumasok.
16:25Natukoy ng pulisya ang 15-anyos na esudyante sa video.
16:29Tumaba sa kanilang imbesigasyon na katuwaan at nakikiuso ang binatilyo.
16:34Na-recover sa kanyang isang pellet gun at baseball bat.
16:37Hawak na ng pulisya ang esudyante at isasailalim sa intervention ng DSWD.
16:43Naging maayos naman ang sitwasyon sa paaralan.
16:46Sinusubukan pang kuhanan ng pahayag ang mga magulang ng esudyante, pati na ang pamunuan ng eskwelahan.
16:52Lahan.
16:57Lahan.
Comments

Recommended