Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maagang pumila mga residentes sa Payout Center sa Binangon ng Rizal
00:04para sa unang araw ng pamibigay ng Uplift Assistance.
00:09Makakatanggap ng tig-dalawang libong piso ang mga benepisaryo.
00:13May una balita live si Gabriel Gonzalez.
00:17Gabriel?
00:19Igan mamayang alas otso ng umaga, aarangkada na ang bigaya ng Uplift Assistance
00:24o yung tinatawag na Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport
00:30dito sa Binangon ng Rizal.
00:32Kaya ang ilang mga residente, maaga pa lamang ay pumila na dahil sa excitement.
00:39Alas 4 pa lang ng madaling araw, nakapila na ang taga-barangay Palangoy
00:43na si Ashley Shego sa kagustuang mauna sa pila ng mga tatanggap ng ayuda.
00:47Isa siya sa 1,193 na mga residente na kasama sa mga mabibigyan ng ayuda
00:53batay sa ginawang community-based monitoring system ng lokal na pamahalaan.
00:58Si Rodel De Los Santos naman na taga Talim Island pa.
01:02Alas 5 pa lang ng madaling araw ay dumating na dito sa Binangon ng Auditorium.
01:06Anila, malaking tulong ang 2,000 pisong ayuda para makabili ng mga pangangailangan.
01:11Ang Uplift Assistance ay programa ng DSWD na layong makatulong sa nasa 7.5 million.
01:18Kabilang dito ang mga Pilipinong mahihirap at mga near-poor households
01:22at yung mga beneficiaro yun ang 4-piso Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Walang Gutom Program.
01:28Gayun din ang mga manggagawang nasa 20,000 pesos pababa ang SSS Monthly Salary Credit.
01:34Pakinggan natin ang pahayag ng mga residente.
01:40Maaga pa ho, mga alas 4 po, malis na po ako sa bahay.
01:43Kasi alam ko pong baka marami hung pila, kaya inagahang ko po.
01:47Okay na rin yung pagpandagdag sa pambiling puhunan, pwede rin po yun, kahit paano meron.
01:54Kaya nagpapasalamat ako kahit paano napili yung pangalan ko.
01:58Tama-tama po, wala pa akong trabaho ngayon.
02:01Malaking bagay sa akin kasi mayroon ako pambiling bigas para sa pamilya ko.
02:07Pambili ng pambaol sa mga anak ko, malaking tolong po sa akin.
02:16Igan, maalwan ang venue dito sa Binangonan Auditorium
02:20dahil naka-aircon yung payout center dito sa Binangonan.
02:24Sa pasukan naman ng auditorium, nakalatag ang help desks ng PSA at DSWD
02:29sakaling may anumang tanong at may libreng photocopy rin
02:33para sa mga hindi nakapagpa-photocopy ng valid ID.
02:36Sa mga residente naman na hindi personal na makakapunta dito sa Binangonan Auditorium
02:41para kunin yung kanilang ayuda, kailangan lamang na magpadala ng authorization letter
02:46doon sa kukuha, gayon din ang larawan ng photocopy ng valid ID na may tatlong signature
02:52at yung printed copy rin ng mga dokumento.
02:56At yan ang unang balita mula rito sa Binangonan Rizal, Gabriel Gonzalez, GMA News.

Recommended