00:00Sa July 25 na ang unang tranche ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila,
00:05ayon po yan sa Department of Labor and Employment.
00:0860 pesos na dagdag sahod ang ipatutupad sa unang tranche.
00:12Ang minimum wage ng mga nasa non-agriculture sector ay magiging 755 pesos na.
00:19Magiging 718 pesos naman para sa mga nasa agriculture, service o retail establishments
00:26na may hanggang 15 manggagawa.
00:28Gayun din sa manufacturing na may hanggang siyam na manggagawa.
00:32Sa January 20, 2027 naman ipatutupad ang ikalawang tranche, dagdag na 25 pesos sa minimum wage.
00:41Ang minimum wage sa mga nasa non-agriculture sector magiging 780 pesos.
00:48Magiging 743 pesos naman para sa mga nasa agriculture, service o retail establishments
00:55na may hanggang 15 manggagawa at manufacturing na may hanggang siyam na manggagawa.
Comments