00:00Nagtadalamhati ang isang ama sa Quezon City na nawala ng tatlong anak sa isang iglap.
00:05Nakuryente ang isa sa kanila sa sampayang grounded pala at nadamay ang dalawang kapatid na nagtangkang sumaklolo.
00:12Para di maulit ang katulad ng insidente, narito ang tip-talk sa report ni Katrina Son.
00:19Mabigat sa isang magulang na mamatayan ng anak. Paano pa kung tatlong anak ang bawiin sa isang iglap?
00:27Ito ngayon ang pinagluloksa ng isang ama sa Quezon City. Habang nasa trabaho kasi siya,
00:35nakuryente ang mga anak niya sa kanilang inuupahang bahay nitong biyernes.
00:40Batay sa investigasyon, nadikit ang biktimang edad labin lima sa bakal na sampayan na posibleng grounded.
00:46Sumaklolo sa kanya ang kuyang edad labin siya at kapatid na edad labindalawa.
00:53Pero nadamay sila at nakuryente rin.
00:57Ang pang-apat na kapatid nag-ground noong nadikit sa bintana, kaya hindi nakahawak sa tatlo.
01:03Humingi siya ng saklolo para sa tatlong kapatid, pero namatay sila sa ospital.
01:09Nakakordon na ang apartment.
01:11Iniimbestigahan pa ng polis siya kung may kapabayaan sa panig ng landlord.
01:16Sinusubukan pa ng GMA News na makunan ang panig ang may-ari ng apartment.
01:2160% ng katawan ng tao ay binubuo ng tubig na isang conductor o dinadaluyan ng kuryente.
01:27Kaya delikado kung hahawakan o madidikit sa taong nakukuryente.
01:32Naging part po siya ng circuit nung hinawakan niya yung victim.
01:36Napaka-importante rin na sa family na didiscuss din ang simpleng emergency response.
01:42Ayon sa eksperto, kapag may nakukuryente, pinakamahalagang gawin muna ay hanapin ang source ng kuryente at patayin ito.
01:51Halimbawa, ang circuit breaker.
01:53Kung imposible naman itong gawin, maaaring gumamit ng mahabang bagay para maalis ang biktima sa source.
01:59Pero huwag iyong basa, huwag din ang mga bakal at iba pang conductor.
02:03Gumamit ng mga bagay na tuyo at insulator o hindi tinatablan ng kuryente.
02:08Gaya ng kahoy, plastic at kawayan.
02:11Yung rubber gloves na ginagamit pa nila ba, kung sa bahay lang naman,
02:16ayun talaga walang kadaloy-daloy ang kuryente doon kasi insulated gloves yun.
02:21Dapat insulated din yung iyong soul, yung paa mo.
02:26Basta anything that will come in contact with the person electrocuted, dapat insulated.
02:35Kapag ligtas na ang lugar, agad tawagan ang mga emergency responder.
02:39Malaking bagay rin ayon sa eksperto kung may sapat na kalaman sa first aid o emergency response
02:45kung walang malay o hindi humihinga ang biktima.
02:48Pwede kasing magsagawa ng CPR habang naghihintay ng rescuer.
02:53Payo rin ang eksperto sa mga residente.
02:55Regular na ipasuri ang circuit breaker.
02:58Mga linya ng kuryente at mga appliance at gadget sa bahay para ma-check kung grounded ang mga ito.
03:04Sa mga residential naman, we can do it annually na i-check natin.
03:10Pwede rin mag-cause kasi ng sunog yan.
03:13Kaya mga ganyang tumatakas na electricity.
03:17Katrina Son, GMA News.
03:21Mga kraya ng k odor ta.
03:23Pwede rin mag-datan mga signal …
Comments