Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naantig ang ilang netizens sa Larawan na isang motorcycle rider na nakasuot ng helmet at may nakasulat na,
00:06Huwag niyo po ako sanang saktan.
00:08Isa siya sa mga rider na nangangamba sa kanilang kaligtasan habang nagahanap buhay
00:13kasunod ng ilang insidente ng pagpatay sa kapwa nila riders.
00:17May unang balita live si Gabriel Gonzalez.
00:20Gabriel, anong hakbang dito ng mga polis?
00:26Maris patuloy na dumarating ang mga nakikiramay sa pamilya ng nasawing motorcycle taxi rider
00:32na si Fabio Norberte Jr. o mas kilala bilang Kuya Junjun
00:36na sinaksak ng kanyang pasahero sa Kaloocan nitong Martes ng madaling araw.
00:42Kabilang sa mga dumalaw sa kanyang burol dito sa barangay San Antonio sa San Francisco del Monte Quezon City
00:47ang mga kapwa niya rider na bumibiyahe sa gabi.
00:54Pagkatapos maghatid ng pasahero, sumaglit si Elvin Oralde sa burol ng nasawing kapwa motorcycle taxi rider
01:01na si Fabio Norberte Jr. sa San Francisco del Monte Quezon City.
01:06Nauna na raw siya sa mga kaibigang motorcycle taxi rider na nakatakda ring bumisita sa mga susunod na araw.
01:12Nakakasabay niya raw sa kalsada si Fabio o si Junjun kung tawagin sa gabi-gabing pagbiyahe
01:18kaya hindi siya makapaniwala sa sinapit ng kapwa motorcycle taxi rider.
01:23Mabait na ito sir, matulungin ito sir. Lalo na pag may nasaraan sa daan.
01:29Ano ito eh, tumutulong talaga.
01:32Dahil sa sinapit ng kapwa rider, nangangamba na rin daw siya sa kanyang kaligtasan.
01:36Halos rider yung pinupuntraya ngayon eh.
01:42Kakatakot talaga sir, pero sunod-sunod na po sir eh.
01:45Hindi lang isa, hindi lang dalawa.
01:48Maraming na talaga, maraming beses nang nangyayari sa ano to.
01:51Ganito rin ang pangamba ng motorcycle taxi riders
01:54na sina Jill Joseph at Richmond Agtarap na kapwa bumibiyahe sa gabi.
01:59Nagdadalawang isip na raw silang tumanggap ng booking
02:02na ang drop-off point o destinasyon ay hindi pamilyar sa kanila o alangan ng lugar.
02:08Tinatanong muna raw nila ang customer kung ligtas sa pupuntahang lugar.
02:12Nakakatakot po. Kasi hindi mo po alam yung bababa mo kung madilim ba.
02:17Kontindasan na lang po kasi may dalawa din po ako anak eh.
02:20Parang ayaw ko na nga bumiyahe ng panggabi.
02:22Kinikilatas ko yung customer sir kung siya galaw niya o kung ano ba yung gagawin niyang ano.
02:30Kasunod ng insidente, pumukaw sa atensyon ng netizens
02:33ang nag-viral na larawa ng isang rider na may note sa helmet na nagsasabing
02:38Buntis po ang asawa ko, huwag niyo po ako sanang saktan.
02:42Ayon sa uploader na si Primo Bakunawa na madalas gumamit ng ride-healing apps
02:46na kababahala ang mga nangyayaring krimen sa bansa
02:49na nagdudulot ng takot sa mga Pilipino.
02:52Nagluloksa rin ang Motorcycle Taxi Community Alliance
02:56sa pagkasawi ng Motorcycle Taxi Rider.
02:59Mahawala man tayo. Mahawala man po sila sa rider.
03:05May pamilya yung tao, may anak.
03:08Papatayin mo, naghahanap buhay ng bayo.
03:11Tiniyak naman ang Philippine National Police
03:14na makikipagugnayan sila sa mga ride-healing company,
03:17lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder
03:19para lalong matiyak ang kaligtasan ng mga rider,
03:22pasahero at publiko.
03:30Maris sa unang araw pa lamang ng burol ni Fabio Norberte Jr.
03:34bumuhos na kagad ang tulong mula sa iba't ibang mga personalidad
03:37at opisyal ng pamahalaan.
03:39Nagpapasalamat naman sila sa mga nagpaabot
03:41at magpapaabot pa lamang ng tulong sa kanilang pamilya.
03:44At yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
03:48Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments

Recommended