Skip to playerSkip to main content
  • 40 minutes ago
Matapos ang unang limang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dalawang testigo na ang natapos i-present at i-examine ng prosecution, defense at ng mga senator-judge.

Sa isang press briefing noong July 10, binanggit ni Senate impeachment court spokesperson Atty. Reginald Tongol ang tungkol sa pagkokomento ng mga senator-judge tungkol sa merits ng impeachment.

Tinawag naman ni Sen. Ping Lacson ang pansin ni Tongol dahil sa pahayag nito, na ayon sa senador ay puwedeng mabigyang-kahulugan na tila sinisita ang mga senator-judge sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Pinaalalahanan naman ni Sen. Lacson ang mga kapuwa senador na maging responsable sa mga ilalabas nilang pahayag.

Puwede nga bang magkomento ang senator-judges tungkol sa impeachment case? Alamin sa video.

Category

🗞
News
Comments

Recommended