00:00Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines
00:04tungkol sa pagtatanggol sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea.
00:09Kaya giit ng Department of National Defense patuloy na palalakasin ang depensa ng bansa.
00:14Si Patrick De Jesus sa detalye.
00:18Isa ang external defense ng Pilipinas sa naging sentro
00:22ng Command Conference ng Armed Forces of the Philippines
00:26na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:30bilin ng Commander-in-Chief, ipagpatuloy ang ginagawang pagpapatrolya sa West Philippine Sea
00:37at iba pang aktibidad para igiit ang karapatan ng bansa
00:41sa kabila ng pagdiriwang sa ikasampung taon ng arbitral victory ng Pilipinas,
00:47batid ng Department of National Defense na may limitasyon ang legal processes.
00:51Kaya't patuloy pa rin pinalalakas ang depensa ng bansa
00:55sa gitna ng iba't-ibang harassment na ginagawa ng China.
00:59Not only the Philippines, several other countries,
01:02whether they have territorial contests or not,
01:10are actively strengthening their internal defense capabilities
01:17because of the fear of the unknown.
01:20Ipinakita naman sa Pangulo ang plano para sa binubuong Space Force
01:25sa ilalim ng AFP at target maitatag sa 2028.
01:30Una itong natalakay sa 2025 Year End Command Conference
01:34na mismong si Pangulong Marcos Jr. ang nagsabing
01:37mahalagang magkaroon ng military satellites.
01:40As early as now, ginagawa na natin yung unit.
01:43Anyway, meron naman na tayong mga services that we are tapping
01:47in order for us to be able to take advantage of space technology.
01:52Dalawang napaka-importante ang gamit ng space.
01:55Number one is ISR, yung eye in the sky,
02:00para makita natin yung nangyayari sa lupa at sa ating karagatan.
02:05And second is to connect all our systems.
02:09Samantala, hindi umano dapat China ang magdikta
02:13sa pagkakaroon ng common fishing ground sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.
02:19Ayon kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio,
02:23dati nang isinaad sa 2016 Arbitral Award na isa itong traditional fishing ground,
02:29sinabi naman ng Philippine Coast Guard na questionable ang sinsaridad ng China
02:34dahil biktima sa kanilang paninindak ang mga Pilipinong may nisda.
02:38I've been suggesting we should go to the tribunal again and tell the tribunal na
02:44there can be no sustainable fishing if China will just decide to get all the fish by themselves.
02:57We cannot go there anymore, even now, to fish.
03:02Do we actually believe na mayroong sincerity pa ang Chinese government
03:06pagdating sa mga offer na ganito?
03:08Sila nagpapahirap sa mga Philippine Coast Guard and BFAR vessel
03:12every time we escort our Filipino fishermen.
03:15Patrick Dezus, para sa bayan!