Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
AFP, masusing iniimbestigahan ang nadiskubreng pang-eespiya ng ilang Pilipino; ‘tip line,’ binuksan | ulat ni Patrick de Jesus

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines na seryosong banta
00:06ang paggamit ng ilang dayuhan sa ilang Pilipino para tiktikan ang sarili nating bansa.
00:12Ang isa sa kanila, ikinwento sa PTV kung paano napasok sa naturang sitwasyon,
00:18gayon din ang bit-bit nitong takot at konsensya.
00:22Si Patrick De Jesus sa Sentro ng Balita.
00:27Nagpapatuloy ang kooperasyon ni Alias Dani sa isinasagawang investigasyon patungkol sa umanoy
00:33mga aktibidad ng pang-espiya ng China sa Pilipinas.
00:37Isa siya sa tatlong Pilipinong sangkot na hawak na ngayon ng militara.
00:41Sa panayam ng PTV News, ibinahagi ni Dani kung paano niya kinagata ang alok na trabaho online
00:49bilang konsultant sa umanoy kumpanya na nagpakilalang US-based media.
00:54Dalaan niya ng pangailangan bilang fresh graduate noong 2024
00:58at ginamit niyang pagkakataon ang pagiging malapit sa isang officer ng Philippine Coast Guard.
01:04Mula sa simpleng mga detalye, palalim ng palalim ang hininging impormasyon sa kanya
01:09ng mga nagsilbing handler, gaya ng isang alias Peter,
01:13kabilang ang rotation and resupply or remissions sa West Philippine Sea.
01:18Hindi umano alam noon ni Dani kung saan ito ginagamit.
01:22Nakukuha ko siya doon sa kaibigan ko.
01:26Pinapakalaman ko yung cellphone niya.
01:30Doon ko nakukuha lahat ng information.
01:34Ang ano lang nga sa akin niya is media.
01:36So, bali nag-ano lang yung sarori kasi mostly sa media gusto lang nila is mauna sa mga information.
01:48So, ako naman, nagbibigay naman ako ng sarori.
01:53Kalaunan ay nag-iba ng paigitungo sa kanyang handler na naging mas agresibo sa mga impormasyon na gusto pang malaman
02:01at umabot sa puntong sa isang mistulang gaming app ang kanilang palitan ng mensahe.
02:08May mga pagkakataon ding nakaramdam siya ng takot para sa kanyang seguridad.
02:13Nagagalit na sila pagka hindi ka na makabigay ng may silbe para sa kanila
02:21o kaya yung mga naunang mong trabaho na binibigay sa kanila na dati pinapakinabanga nila
02:27ayaw na nila noon kasi nila yung may pinakalaman na.
02:32Ang nasa isip ko noon, sir, baka pwedeng patahimikin ako.
02:40Pinapalabas lang nila sa akin na ilalabas ako ng bansa, parang ganun.
02:44Pero nasa isip ko noon, baka patahimikin ako kasi alam nila sinusunda na ako.
02:50Pwede akong patahin, sir, para hindi na ako makapagsalita tulad ngayon.
02:55Naghinala si Danny kung saan nagagamit ang mga ibinibigay na impormasyon
03:00na mapinsalang isang barko ng PCG matapos banggain ng barko ng China Coast Guard
03:05habang nagsasagawa ng resupply mission.
03:08May mga kaibigan ako doon eh, nakonsensya ako.
03:12Siyempre, paano ako may namatay doon?
03:16Siyempre, abong buhay ko dadalhin yun,
03:19hindi nila alam na ako yung nakapagbigay ng information kung bakit nangyari yun.
03:27Kinumpronta ni Danny ang kanyang handler.
03:29Sir, pinuntahan pa siya nito sa Pilipinas para makipag-usap kung saan sa record na mga otoridad
03:34ay mayroon itong Chinese passport.
03:37Sa kabila nito ay unti-unti nang itinigil ni Danny ang koneksyon sa dayuhan.
03:43Hanggang sa natuklasan na rin ng mga otoridad ang kanyang aktibidad noong nakaraang taon lamang.
03:48Kung mayroon pa man ngayon na nakapasoks na ganyan,
03:53piling nila trap sila, hindi sila makalis.
03:58Hindi pa huli para maisumplong nila yung ginagawa nila para matulungan sila ng goberno.
04:07Dati nang itinanggi ng Chinese Embassy ang aligasyon ng pang-espia laban sa China.
04:12Ang AFP tiniyak ang masusing investigasyon.
04:16We would like the Filipino people to be aware the threat is real.
04:21Hindi po kami involved sa pag-awagawa ng mga kwento na walang katotohanan.
04:25Mayroon ng tip line ng AFP sa ilalim ng insider threat program
04:30na maaaring lapitan ng mga individual na posibleng may kaparehong kaso ni Danny.
04:36Number one, the government is here to protect everybody.
04:41Number two, yung kabilang side could not offer any protection to you.
04:46Mas maigil umapit sa gobyerno, mabigyan kayo ng tulong at ng proteksyon.
04:51Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended