00:00Sa mundo ng sports, tuloy-tuloy ang makasaysayang kampanya ni Alex Iala sa Wimbledon Championships
00:06matapos may pagpatuloy ang kanyang panalo at makapasok sa ikatlong round ng prestigyosong Grand Slam Tournament.
00:14Ito ay matapos talunin ng Filipina tennis star ang Australian netter na si Maya Joint
00:20sa tatlong set 36-62-60 sa All England Lawn Tennis Club.
00:26Hindi naging maganda ang simula para kay Iala matapos maiwan sa unang set
00:31ngunit agad niyang naibalik ang momentum sa ikalawang set bago tuluyang dominahin si Joint sa huling yugto ng laban.
00:39Hindi na nakapagtala ng kahit isang game si Joint sa deciding set
00:42habang kinumpleto ng pinay netter ang kanyang comeback victory.
00:47Naging mas makabuluhan ang panalo ni Iala dahil ito ang kanyang bawi
00:50matapos talunin ni Joint sa finals ng Eastbourne Open noong nakaraang taon.
00:56Nakatakda namang makaharap ni Iala ang defending champion
01:00at world number three na si Iga Sviantec sa ikatlong round ng kompetisyon.
Comments