00:00Daku naman tayo sa mundo ng sports dahil umukit muli ng kasaysayan si Filipina tennis star Alex Ayala
00:07matapos makuha ang kauna-unahang panalo sa main draw kagabi sa ginanap na Wimbledon Championships.
00:15Hindi nagpakita ng awa si Alex Ayala matapos duminahin ang world number 75 na si Renata Zarazua ng Mexico
00:23sa score na 6-1, 6-2 sa unang round ng Wimbledon Championships sa London.
00:30Tinapos ng 21-year-old Filipina netter ang laban sa loob lamang ng 1 oras at 18 minuto
00:37upang makasiguro ng pwesto sa round of 64 sa ikatlong Grand Slam ng taon.
00:43Dahil dito, naitala ni Ayala ang panibagong kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinang
00:49nakapagwagi sa Women's Singles main draw ng Wimbledon mula nang magsimula ang open era noong 1968.
00:58Ito rin ang ikalawang panalo ni Ayala sa isang Grand Slam main draw matapos niyang magtagumpay sa US Open noong
01:06nakaraang taon.
Comments