Skip to playerSkip to main content
  • 8 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 3, 2026


- Ilang public at private prosecutors sa impeachment trial ni VPSD, dumalo sa isang misa | Defense team ni VPSD, nagkomento na sa pre-trial order; prosekusyon, hindi na nagsumite | Defense team ni VPSD, hiniling na sa closed door session buksan ang kahon ng tax records ng bise at kaniyang asawa; tumutol ang prosekusyon | Defense team ni VPSD, tinutulan ang pagsama ng private prosecutors sa pag-examine sa mga testigo | Paghalal ng presiding officer sa impeachment trial ni VP Duterte, hindi pa tiyak

- DSWD: 2 menor de edad na namaril sa eskuwelahan sa Tacloban, nakahiwalay sa ibang bata sa youth rehabilitation center | DSWD Sec. Gatchalian: 15-anyos na namaril, mananatili sa youth facility habang iniimbestigahan ang mga reklamong murder at attempted murder | Pagpasok ng nihilistic violent extremism sa Pilipinas, pinag-aaralan ng DOJ kung puwedeng maituring na terorismo

- Ilang residente, naperwisyo ng baha dulot ng malakas na ulan | Ilang bahagi ng Bongao, inulan din | Malakas na ulan, nagdulot ng pagbaha sa ilang kalsada; brownout, naranasan sa ilang lugar | Lumang tulay, bumigay dahil sa ragasa ng tubig ng sapa sa kasagsagan ng malakas na ulan | Ilang bahay, pinasok ng baha kasunod ng malakas na ulan | Ilang barangay, ilang araw nang lubog sa baha dahil sa malakas na ulan



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
01:00Today, we leave up to you the men and women entrusted with the responsibility of serving as prosecutors in this
01:09impeachment proceeding.
01:11Dumalo sa misa ang ilang public at private prosecutors na uusig sa paglilitis ni Vice President Sara Duterte sa lunes
01:19na magsisimula ang impeachment trial.
01:21I can honestly tell the Filipino people, the House prosecutors and the private prosecutors are all ready as we start
01:31this impeachment trial this coming July 6.
01:34Ang defense team naman ni VP Sara nag-file na ng comment sa pre-trial order ng impeachment court hindi
01:41na raw magpa-file ng comment ang prosecution team.
01:44Nakasaad sa pre-trial order na dapat isumite sa impeachment court ngayong araw, July 3, ang listahan ng mga ipepresenta
01:53nilang testigo para sa trial na gagawin sa July 6 hanggang 8.
01:57Meron na kaming sinubmit kasi requirement ng pre-trial order na three days before the hearing dapat ilista na namin
02:07ang mga witnesses para walang surprise.
02:10May ilan pang issue na hindi na pagkakasunduan ang dalawang panig na inaasahang sa trial na lang mareresolba.
02:16Kaming nang dyan ang pagbubukas sa Selyadong Kahon mula sa Bureau of Internal Revenue na naglalaman ng tax records ni
02:24VP Sara at kanyang mister.
02:26Gusto ng kampo ng busy na gawin ito sa isang executive o closed door session.
02:32Tutul dito ang prosecution at dapat naubuksan ito sa mismong trial na bukas sa publiko.
02:38Tinututulan din ang defense team ang kagustuhan ng prosecution na magkatuwang ang public at private prosecutors sa pag-a-examine
02:46ng witness.
02:47Sa isang statement, sinabi ng kampo ng busy na ang pagtutol nila ay para maging maayos ang impeachment proceedings,
02:54maiwasan ang kalituhan at maiwasan ang mahabang examination ng witness.
02:59Dapat daw isang abogado lang ang magsasalita sa examination of witness at ang public prosecutor at dapat gumawa nito sa
03:08kanilang mga testigo.
03:09Allowed naman po yan, that is allowed in the Senate rules that the private prosecutors, kami po under the control
03:16of unsupervision of the public prosecutors,
03:20is allowed to present witnesses.
03:22We leave it to the trial court, impeachment trial court, kasi malinaw na malinaw sa Senate rules na private prosecutors
03:32are allowed.
03:32Isa pang nakabidbig usapin kaugnay sa impeachment trial ay kung maghahalal ba ang mga senator judges ng presiding officer.
03:40Batay sa mga naunang ulat, napipisil ng mayorya si Sen. Cheez Escudero bilang presiding officer.
03:47Pero sinabi rin ni Sen. President Sherwin Gatchalian na naghahanda siyang gampanan ang papel na ito.
03:54Ito ang unang balita. Sandra Aguinaldo, GMA News.
04:00Naka-isolate ang dalawang minor de edad na namaril sa isang eskwelahan sa Tacloban City
04:05habang nananatili sa Regional Rehabilitation Center for Youth.
04:10Ay sa Department of Social Welfare and Development, DSWD, hindi rin pinapakausap sa kanilang pamilya
04:17ang dalawang namaril na sina alias Nash at alias Rod.
04:22Sa pagdinig sa Senado nito miyerkules, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na
04:27sumasa ilalim sa intense intervention ng 14 na taong gulang na alias Nash.
04:34Mananatili raw siyang nakadetain sa youth facility hanggang makitaan siya ng positibong pagbabago.
04:40Si alias Rod na 15 taong gulang sinampana ng reklamong murder at attempted murder ng pulisya.
04:47Mananatili naman siya sa kustudiya ng DSWD habang nasa preliminary investigation ng mga reklamo laban sa kanya.
04:54I-sinasa ilalim din siya sa intervention.
05:00Kapag siya na-convict dahil he's being treated as an adult, siya ay pagnakulungan sa mutin lupa?
05:07Hindi ho.
05:08Normally, may suspended sentence.
05:11Meaning?
05:12Meaning, hindi ho muna siya ilalagay sa kulungan ng pang-adult, kung hindi, ilalagay siya sa regional rehabilitation center po
05:20namin.
05:21As long as the intervention plan is ongoing, the court will have to say, okay, nag-rehabilitate or hindi.
05:31Sinabi ng Department of Justice na pinag-aaralan nila kung pwedeng maituring na terorismo ang pagpasok ng nihilistic violent extremism
05:40o NVE sa Pilipinas.
05:42Ito'y matapos lumabas sa pagdilig na Senado na posibleng may adult groomer na nag-udyok sa minority edad na
05:49gumawa ng karasan.
05:50Ayon sa DOJ, kailang mag-ingat at pagalang maigi ang NVE dahil sensitibong paksa ang terorismo at may mga nasasangkot
06:00pang mga bata.
06:02Wala pong bagyo pero nakaranas na malakas na ulan na ilang bahagi ng Mindanao dulot ng hanging habagat at localized
06:09thunderstorms.
06:10Nagdulot po yan ang kabik-kabilang pagbaha na na merwisyo sa mga residente at konturista.
06:15Narito po ang unang balita.
06:22Inulan ang ilang bahagi ng Coronadal City kahapon. Kasunod yan ang malinsangang panahon na ranasan noong umaga.
06:28Gutter deep ang bahas sa ilang kalsada na na merwisyo sa ilang residente at konturista.
06:34Nakaranas din ang pagulan sa ilang bahagi ng bongga o tawi-tawi na tumagal na mahigit isang oras.
06:41Malakas na ulan din ang nagpabaha sa ilang kalsada sa Iligan City.
06:44Nagdulot yan ang pagbagal sa daloy ng trapiko.
06:47Pansamantala rin nagka-brown out sa ilang bahagi ng yungsod.
06:52Sa Tiboli, South Cotabato, bumigay ang isang lumang tulay dahil sa ragasan ng sapa.
06:57Dulot yan ang malakas na ulan.
06:59Problemado ang mga residente at negosyante noon dahil nagsisilbing pangunahing daan ng tulay para makatawin sa lugar.
07:06Pinasok naman ang bahang ilang bahay sa lambayong Sultan Kudarat.
07:11Sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur, ilang araw ng lubog sa bahang ilang bahagi ng barangay Gadungan.
07:17Kasunod yan ang walang tigil na pagulan sa lugar.
07:20Umabot din ang bahay sa ilang bahay pati sa ilang taniman.
07:23Ayon sa pag-asa, ang pagulan sa tawi-tawi ay dulot ng hanging habagat.
07:27Habang ang ilang bahagi ng Mindanao ay nakaranas ng pagulan dulot ng localized thunderstorms.
07:32Ito ang unang balita.
07:34Jomer Apresto, GMA News.
Comments

Recommended