00:00Gate ng Office of the Ombudsman, may tuturing pa rin plunder ang pagtanggap ni Sen. Rodante Marcoleta ng 75 million
00:06pesos na donasyon itong 2025 kahit nang galing ito sa pribadong pondo.
00:11Kasunod dyan ang pagkwestiyon ng Iglesia Ni Cristo sa planong pagsasampah ng plunder case kay Marcoleta.
00:17Ayon naman sa Malacanang, niririspeto ni Pangulong Bongbong Marcos ang karapatang magtipon ng INC.
00:23Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
00:26We are one! We are one! We are one!
00:32Transparency, accountability, justice and peace.
00:35Ito na ang pinaglalaban ng mga miyembro na Iglesia Ni Cristo kaya sila nagrarally.
00:40Tinututulan nila ang nakaambang pagsasampah ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
00:45Si Sen. Dante Marcoleta ay nanguna sa pag-iimbestiga.
00:50Sa isa sa pinakamalaking pandarambong na naganap sa ating kasaysayan.
00:56Bakit siya na nagsusulong sa pag-expose ng mga sangkot sa napakalaking pagnanakaw sa Pilipinas
01:04ang kakasuhan at ipakukulong sa halip na ang mga na-expose.
01:11Ang nakaambang kaso ay kaugnay ng pagtanggap ni Marcoleta ng 75 milyon pesos mula sa tatlong individual noong January 2025,
01:20panahong kongresista pa siya.
01:22Ayon sa ombudsman, hindi tamang tumatanggap ng ganong kalaking halaga ang isang opisyal ng gobyerno.
01:28Pero tanong ni INC spokesperson Brother Edwil Sabala.
01:31Paanong naging plunder ang pagtanggap ng campaign donation o campaign contribution?
01:39Hindi naman galing sa kabangyaman ng Pilipinas ang tinanggap niyang donation.
01:44Pero sabi ng ombudsman, hindi kailangan galing sa kabanambaya ng perang tinanggap para ituring itong plunder.
01:50Alangan naman po, yung gift ay galing din sa public funds.
01:53So, ang definition po ng plunder also includes private funds.
01:59Pag binasa mo talaga yung batas, nandyan ho yan na kahit private funds po pwede.
02:06It's just that, kadalasan ang na-file ho yung public funds.
02:11Binalikan din ang INC ang pag-abswelto ng Commission on Elections kay Marcoleta tungkol sa tinanggap na pera.
02:17Hinihinga namin ng pahayag ang Comelec.
02:19Sa pahayag nila noong Marso, sinabi nitong bagamat na akong pirmang tumanggap si Marcoleta ng pinansyal na kontribusyon na kakahalaga
02:25ng 75 milyon pesos.
02:27Nangyari ito bagong simula ng campaign period kung kailan hindi pa maituturing na kandidato si Marcoleta.
02:33Kaya hindi maituturing na election offense, ang non-declaration.
02:36Pero paglilino ng Comelec, maring may iba pang batas na nakasasakop dito.
02:41Hindi tutol ang Iglesia ni Kristo sa pagpapatupad ng batas.
02:47Pero tutol kami sa pagbaluktot sa batas, lalo na kung ang layunin ay para pagtakpan ang katiwalian.
02:59Gusto naming ipaalam sa kanila na isang injustice ang selective justice.
03:06At hindi kami mananahimik sa harap nitong napakalaking pagyurak sa katarungan na hinihingi ng ating mga kababayan.
03:17Ang isinagawang rally sa EDSA, iniugnay ni Vice President Sara Duterte saan niya ay poor governance ng Administrasyong Marcos.
03:26Sa halip daw na tugunan ng mahalagang suliran ng kinaharap ng bansa,
03:29ginagamit umano ng Administrasyon ang sistema ng hostisya laban sa mga tao ng sasalita tungkol sa umanig katiwalian,
03:36pumupunas sa kakayahan ng pamahalaan o bumabati ko sa Pangulo.
03:39Sabi pa ng Bicen, nagbunga ng mas mapaniil na sitwasyong pampolitika ang estilo ng pamumunong ni Pangulong Bongbong Marcos,
03:46kung saan ang mga kritisismo ay sinasagot ng pananakot.
03:50Pagdidiin pa ng pangalawang Pangulo, hindi na lang tungkol sa politika ang usapin kundi ang kinabukasan ng bansa at ng
03:56mga Pilipino.
03:57Sagot ng Palasyo.
03:59Nag-ugat ang mga usapin ito dahil sa pagpapatupad ng Pangulo ng Batas.
04:09Sa mabilisang pagpapanagot sa mga taong sangkot, walang sinisino, walang kulay, wala pang isang taon.
04:17Pero naiinip ang karamihan.
04:20Pero hindi sila naiinip sa 6 na taon ni dating Pangulong Duterte na walang halos na gawang pag-iimbestiga.
04:29Ayon sa Palasyo, walang banta sa Pangulo. Pero hinigpitan din ang pagpasok sa Malacan niya.
04:33Ito po ang pinaka-opisina ng ating Pangulo.
04:37So dapat din po natin itong proteksyonan. Kahit ano pang klaseng rally yan, maliit, malaki, dapat natin proteksyonan.
04:44At ito po ay parte na po ng siguridad.
04:47Pinagtataka rin ng Pangulo ang basihan ng Kinos Protesta.
04:50Ang tataka siya na dahil masasampahan ng kaso si Sen. Marcoleta or na nasasangkot sa isang kaso si Sen. Marcoleta
05:04ay kailangan ng maglunsad ng ganitong kalaking rally.
05:09At still, ang Pangulo po ay nakikinig, iginagalang sila. Ang tangi lamang niyang hiling ay igalang natin lahat.
05:19Yung mga naaapektuhan na dapat ay hindi naaapektuhan.
05:23Ayon sa Palasyo, nirerespeto ng administrasyon ng karapatan ng Iglesia ni Cristo na magtipon at magpahayag.
05:29Suportado rin ang Pangulo ang panawagan nila para sa pananagutan, justisya at kapayapaan.
05:34Ang Pangulo po ay naniniwala sa pananindigan ng INC. Ipatupad ang batas, transparency, accountability, managot ang dapat managot.
05:45At yan po yung ginagawa ng administrasyon. Kung dapat managot ang isang Sen. Marcoleta na nagkataon na miyembro ng INC,
05:54hindi po ba dapat na ipush din natin yun?
05:56Utos ng Pangulo sa polisya, maximum tolerance at paggalang sa karapatan ng mga nagpoprotesta.
06:02Pasabay nito ay ang utos ay patupad ang batas at pangalagaan ng karapatan ng ibang naaapektuhan.
06:08Ivan Mayre na nagbabalita para sa GMA News.
Comments