00:00Kinumpirma ng Lokal na Pamahalaan na Mandaluyong na may isang kaso ng MPOX sa lungsod.
00:05Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit,
00:08nagpapatupad na ng contact tracing para maiwasan ang pagkalat nito.
00:12Nagsasagawa na rin daw sila ng case investigation at monitoring.
00:15Ang MPOX ay isang sakit na nakukuha mula sa mga hayop.
00:19Ayon sa Department of Health, nakakahawa ito sa pamagitan ng close physical contact.
00:24May mga sintomas raw itong katulad ng flu.
00:26Batay sa latest data ng DOH, 44 ang kaso ng MPOX sa Pilipinas mula January 4 hanggang June 13 ngayong
00:34taon.
00:3579% na mas mababa yan kumpara sa naitala sa parehong panahon nitong 2025.
Comments