00:00Madaragdagan ng P85 ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
00:06Pero buwelta ng ilang grupo, maliit na nga ang umento, ginawa pa itong hulugan o two gives.
00:12Hahatingin kasi ang wage hike sa Julio at Enero.
00:15May report si Mark Salazar.
00:21Makasaysayan ang touring ng Labor Department sa anunsyong P85 na dagdag sa arawang sahod ng mga pribadong manggagawa sa Metro
00:28Manila.
00:29Pinakamataas ito sa mga umento ng Regional Wage Boards mula ng ma-isabatas ang Wage Rationalization Act of 1989.
00:51Magiging dalawang tranche o bagsaka ng taasahod.
00:5460 pesos muna sa July 19 at ang natitirang 25 pesos sa January 20, 2027.
01:01Ibig sabihin, ang ngayon yung 658 to 695 pesos na minimum wage magiging 718 to 755 pesos sa Hulyo.
01:11At sa bakit taon magiging 743 to 780 pesos na yan.
01:16Ano kaya masasabi ng ilang manggagawa, lalot ngayong taon, pasakit ang pag-alago ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
01:23At nakaamba pang lumobo ang iuulat na inflation rate ngayong Hunyo.
01:27Sana sinagad na lang sila 100 na lang dagdag, sir. Sa minimum.
01:31Kakasya pa ba yung sahod namin na 695?
01:33Dapat nga po, kahit gawin ng 300 yan. Parang pantawid-gutong parang po yun.
01:37Ang laking bagay na po yun, sir. Kung ilan po yung ibibigay, alamdulil na po.
01:43Okay na po yun. Sapat na po yun.
01:44Hindi masaya sa anunsyong wage hike ang ilang labor group at kongresista.
01:49Kanina pa man din, dininig sa kamera ang panukalang legislated wage increase na 200 pesos across the board.
01:56Hindi lang siya bariya-bariya dahil daan-daan na walang purchasing power sa ating mga manggagawa,
02:01kundi utay-utay pang ibibigay. Baka 60, 25. Yun po ay bariya-bariya.
02:06Ang ibinibigay ng DOLE at ng mga regional wage boards ay bariya-bariya.
02:10Hindi sapat para bumuhay ng isang pamilya.
02:15Itong 85 pesos ng regional wage board na hulugan, maliwanag nagagamitin ito ng employers group
02:21para sabihin na dapat wala ng legislated wage increase.
02:26Dapat tuloy ang legislated wage increase.
02:29Kinukuha pa namin ng reaksyon ng mga negosyante at employer.
02:33Mark Salazar, GMA News.
Comments