00:00At dahil sa palitan ng liderato sa Senado, hindi pa na ipapadala sa kanila ng Kamara ang Articles of Impeachment
00:09laban kay Vice President Sara Duterte.
00:12Nakatutok si Tina Panganiban-Pere.
00:16The resolution setting forth the Articles of Impeachment together with all annexes is hereby endorsed to the Senate.
00:23Matapos bumoto kahapon ang 257 mula sa kabuang 318 na kongresista para i-impeach si Vice President Sara Duterte,
00:34agad inaprubahan ng plenario ang mosyon para i-endorso ang Articles of Impeachment sa Senado.
00:40Pero hanggang 4.34pm kanina, hindi pa ito naipadadala sa Senado.
00:46Kanina nakausap ko ang ating secgen at sila ay nagaantay na lamang kung kanino sila makikipag-coordinate.
00:55Kasi may change sa leadership. So normally pag may change sa leadership, nagpapalit yan ng mga secgen, nagpapalit ng sergeant
01:04at arms.
01:05Sa oras na tanggapin ng Senado ang resolusyon nagtatakda ng Articles of Impeachment,
01:10sabi ng ilang kongresista, kailangang mag-convene agad ito bilang impeachment court.
01:16Pero apektado kaya ito ng pagbabago sa liderato ng Senado?
01:20Hindi natin maiwasan magduda o mag-suspect na yun ay may kinalaman sa impeachment.
01:27Dahil alam naman nila na kahapon yung voting sa dito sa House at alam naman nila na may numero.
01:37Ano ba ang balak nila ng bagong majority sa proseso ng impeachment?
01:42Karamihan, nung majority of 13 ngayon ay mga pro-Duterte.
01:48Kahit sino ang magiging leaders ng Senate, klaro naman ang ating konstitusyon.
01:53Basta't napadala yung Articles of Impeachment sa Senado, they must immediately conduct a trial.
02:00Once the impeachment court convenes, they are bound by the Constitution.
02:04And the Constitution says conduct a trial.
02:07It does not give an option to the Senate to dismiss the case outright.
02:11Sinasabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na ito'y walang kinalaman sa impeachment,
02:19baga marami ang nagdududa sa timing.
02:22Pero sa akin naman po, bigyan po natin, bigyan natin siya ng pagkakataon na patunayan na ito'y walang kinalaman.
02:35Posible raw na pagka-convene ang Senate Impeachment Court ay hindi agad magsasagawa ng paglilitis
02:42dahil may mga preliminary steps pa raw na pwedeng gawin.
02:45Pero babala ni Delima, kung hindi agad mag-convene ang Senate Impeachment Court,
02:51lalabag ang mga senador sa kanilang constitutional duty.
02:55Because the act of convening and conducting trial is a ministerial duty as can be seen from the Constitution.
03:07Wala silang option, wala silang discretion, prerogative o kapangyarihan na huwag itong gawin.
03:14So dapat gawin nila yan.
03:16Kasama si na Delima, Diokno at Shua sa mga hinalal na impeachment prosecutors.
03:22Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments