00:00Isinalang na sa counseling at intervention ang dalagitang nag-post ng posibleng pamamaril o pananaksak sa kanyang high school sa
00:08Tulosa, Leyte.
00:10Naghigpit na sa paaralan na nasa kalapit bayan lang ng Tacloban kung saan may tatlong napatay sa pamamaril.
00:16Nakatutok si Nico Sereno mula sa GMA Regional TV.
00:25Isang araw lang matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City,
00:31nang ipost naman online ang babalang may mangyayari umanong pamamaril o pananaksak sa Tulosa National High School sa kalapit bayan
00:40na Tulosa, Leyte.
00:41Kapansin-pansin ang pinaiting na siguridad sa paaralan nang puntahan ng GMA News Bisdak Team.
00:47Pero wala ang principal na hihingan sana ng pahayag kaugnay ng post ng isa nitong labing apat na taong gulang
00:54na estudyante.
00:55Monitoring pa kami sa bata at saka dun sa school nila.
01:00Palagi po kami may dinideploy dun na mga polis.
01:04Mayroon naman silang mga security guard dun sa school.
01:08At saka tumutulong din yung mga barangay tanod na para maprevent natin kung ano naman mga krimen.
01:14Isinalang na ang dalagitang nagpost ng banta sa counseling at intervention ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO.
01:24Sa pagsusuri ng psychiatrist ay nalamang may iniindang problema ang dalagita na gumawa pa ng ibang social media account para
01:32sa post.
01:33Nakarating ang post kay Sen. Bam Aquino kaya ipinalam kay Interior Secretary John Vic Remulia.
01:40Sa family medyo merong konting problema at saka yung bata nabubuli po siya.
01:47Grade 9 pa lang daw, nabubuli na sa school until now ng mga classmates niya.
01:53Nag-amin po siya na nag-sorry din siya po sa parents niya.
01:58Rekomendasyon ng social worker, huwag munang ibalik sa face-to-face class ang dalagita at isasailali muna sa modular learning.
02:06Kukontinue ko po yung pag-visit sa family, hindi lang sa kanya pati yung family kailangan ma-serve,
02:13tsaka mabigyan din ng karapat-dapat ng servisyo galing sa LGU, tsaka sa government natin, tsaka ongoing din yung counseling.
02:22Nangako naman ang munisipyo na tutulong sa pag-agapay sa estudyante.
02:27Hindi lang hanggang doon lang, so up to the last day na siya itong bata, e makarecover na.
02:35Maging alerto kami ko.
02:38Abiso ng polis maging mapanuri sa mga social media posts.
02:42Huwag tayong magbibigay o magpokus ng mga hindi makakatulong.
02:50Di ba may kasabihan na tayo na think before you click.
02:55Mula sa GMA Regional TV, Niko Sereno, Nakatutok 24 Oras.
Comments