Skip to playerSkip to main content
  • 23 hours ago
Impeachment court, naghahanda na sa paglalabas ng pre-trial order sa susunod na linggo; presentasyon ng mga ebidensya, posible umanong umabot ng isa hanggang dalawang buwan | ulat ni Bernard Ferrer

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaasahang ilalabas na sa susunod na linggo ng Senate Impeachment Court
00:04ang pre-trial order na magsisilbing roadmap o gabay sa takbo ng impeachment trial
00:11laban kay Vice President Sara Duterte na magsisimula na sa July 6.
00:16Si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita.
00:20Ngayong natapos na ang marking of evidence para sa apat na articles of impeachment na inihain
00:26laban kay Vice President Sara Duterte, naghahanda ng impeachment court sa paglalabas ng pre-trial order.
00:33Tinatawag ding roadmap ng paglilitis ang pre-trial order
00:37dahil dito ilalatag ang mga lituntunin at takbo ng impeachment trial.
00:42Ayon kay Senate Secretary at Impeachment Court, Clerk of Court, Renato Bantog Jr.,
00:47posibleng mailabas ang pre-trial order sa lunes o martes ng susunod na linggo.
00:52Pagkatapos ito, bibigyan ang prosecution panel at defense panel ng tatlong araw
00:57para maghain ng kanilang komento.
01:00Ngayong araw naman, inaasang magsusumite ang defense panel ng kanilang sagot
01:04sa apat na manifestasyon na inihain ng prosecution panel.
01:08Kabilang ditong paggamit ng Filipino at English sa paglalahad ng mga testigo
01:13at sa direct at cross-examination.
01:15Paglahok ng public at private prosecutors sa pagtatanong at pagpresenta ng mga testigo.
01:21Pagpapatupad ng reciprocal three-day disclosure ng mga testigo sa magkabilang panig
01:26at pagbubukas ng sealed BIR box.
01:29Samantala, nakahanda na rin ang defense panel
01:32para sa mga testigo ang posibleng iharap ng prosecution panel.
01:37Kabilang sa mga nabanggit na pangalan,
01:39si Mary Grace Piatos,
01:40dating Deputy Ombudsman Melchor Carandang,
01:43at si Attorney Michael Boa na siyang tagapagsalita ng defense panel.
01:47Kung ang tatanungin naman nila ay matters that are not pertaining to my role
01:52as counsel to vice president.
01:54Nang tanungin kong personal naharap si Vice President Duterte sa impeachment trial,
01:59Kung kinakailangan, hindi ko pa masabi sa iyo yung exact circumstance.
02:03It will be part of the legal strategy, which obviously we will not disclose.
02:07But in case kailangan, that will be upon the advice of counsel.
02:11Dahil sa dami ng dokumento tulad sa Article 1 ng Articles of Impeachment
02:16na umaabot sa 8,000 dokumento,
02:19gano'ng nga makatagal ang inaasang presentasyon ng mga ebedensya?
02:24The prosecution initially stated that it will take them 62 trial days
02:28to finish the completion of their presentation of evidence.
02:32And the defense said that it will take them 30 trial days.
02:37Sa pagsisimula rin ng impeachment trial,
02:40kabilang sa madapat pagbasyahan ng senator judges
02:42ang mga nakabimbing manifestation ng prosecution panel,
02:46kabilang ang pagbubukas ng sealed DIR box.
02:48Kailangan din nilang tukuyin kung paano isasagwa ang botohan
02:52para sa conviction or acquittal.
02:54Dahil sa kasalukoy ang sitwasyon ni na Sen. Gingoy Estrada,
02:58na suspendido,
02:59at Sen. Ronald Bato De La Rosa,
03:01nagtatago dahil sa nakabimbing Warren Dubares
03:04mula sa International Criminal Court o ICC.
03:07Isa rin sa mahalagang usapin
03:09ang pagpili kung sino magsisibing presiding officer ng impeachment court.
03:13Maliban kay Senate President Sherwin Gatchalian,
03:16pinangalanan din ni Sen. Panfilo Ping Lakson,
03:19sina Sen. Francis G. Escudero,
03:21at Sen. Francis Kiko Panglinan
03:23bilang mga posibleng mamuno sa paglilitis.
03:26Parehong abogado ang dalawang senador.
03:28Samantala, kinikilala rin ng Senado
03:31ang mga hamon sa logistics.
03:33Ayon kay Gatchalian,
03:34limitado ang espasyo sa Senado
03:36para sa mga pangailangan ng prosecution
03:38at defense panels.
03:40Gayun din para sa malaking bilang
03:42ng mga mamahayag mula sa telebisyon,
03:44radyo, online platforms,
03:46at maging sa international media.
03:48Sa kasalukuyan,
03:50wala namang banta sa siguridad.
03:51Ayon sa Office of the Senate
03:53Sergeant at Arms o OSAA,
03:55patuloy naman ang koordinasyon nila
03:57sa mga intelligence at law enforcement agencies
04:00bilang paghanda
04:01sa nalalapit na paglilitis.
04:03Bernard Ferrer,
04:05Para sa Bayan.
Comments

Recommended