00:00So ito po yung ating dalawang bagyo ngayon. Yung isa ay kalalabas lang sa Philippine Area Responsibility as of 7pm.
00:07Lumabas na po yung bagyong si Francisco na may international name na Mechala.
00:12At ang huling lokasyon po nito ay 705 km northeast ng Itbayat sa Batanes.
00:17Taglay pa rin yung pinakamalakas na yung maabot ng 95 km per hour malapit sa gitna.
00:22Pagbugso naman na sa 115 km per hour.
00:25So ito pong bagyong si Mechala or tinawag po natin Francisco nung nasa loob ng PAR ay patungo na po
00:31sa may katimugang bahagi ng Japan.
00:35Samantala, yung bagyo pong si Gardo na may international name na Higos ay pumasok po ng Philippine Area Responsibility kanina
00:42pong bandang alas 3 ng hapon.
00:44Ito pong namang si Francisco, lumabas naman niya ng Philippine Area Responsibility bandang alas 7 ng gabi.
00:50So sa ngayon po, ang nasa loob na lamang ng Philippine Area Responsibility ay ang bagyong Gardo.
00:56Mapapansin po natin itong dalawang bagyo ay walang direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa.
01:01At sa kasalukuyan, hanging habagat pa rin or southwest monsoon na nakakapekto, lalong-lalo na po sa malaking bahagi ng
01:07Luzon at dito po sa ilang bahagi ng kabisayaan.
01:10Magdadala pa rin ang maulap na kalangitan na may makalat-kalat na mga pagulan, pagkilat-pagulog itong hanging habagat, lalong
01:16-lalo na po sa malaking bahagi ng Luzon.
01:20Tingnan naman natin itong track ng bagyong si Gardo.
01:24So makikita po natin sa track ng bagyong Gardo.
01:26So pumasok nga siya ng Philippine Area Responsibility bandang alas 3 ng hapon ngayong araw.
01:32At kikilos ito pahilaga at posible po by tomorrow, araw ng biyernes,
01:37ay posibleng nasa labas na rin ito ng Philippine Area Responsibility at hindi na makakapekto sa ating bansa.
01:44Ito ay patungo na sa may bahagi naman din ng Japan.
01:48At inaasahan din po natin na eventually, paglabas ng Philippine Area Responsibility,
01:53ang bagyong Gardo ay hina.
01:55Mula sa pagiging severe tropical storm, ay magiging tropical storm na lamang.
Comments