Babala: Sensitibong balita na may kinalaman sa pamamaril. Maging disente sa pagkomento.
Nitong June 23, sinampahan na ng mga awtoridad ng reklamong kriminal ang 15-anyos na suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City. Kinumpirma naman ng Department of Social Welfare and Development na nasa facility na nila ito at ang isa pang 14-anyos na suspek.
Para sa mga children in conflict with the law (CICL), isinasailalim sila sa Bahay Pag-asa o Rehabilitation Center for the Youth. Pero ano nga ba ang Bahay Pag-asa at paano ito gumagana para sa mga CICL? Alamin ‘yan sa video na ito.
Comments