00:00Tutol ang ilang kongresista sa pagpapababa ng edad para sa criminal liability.
00:04Anila, mas dapat tignan ang lipunan na humubog sa mga batang gumagawa ng karahasan.
00:11May report si Sheila Natividad.
00:16Tumungo sa kamara si Kabataan Portilist Representative René Co.
00:19para ilatag ang resolusyong mag-i-investiga sa nangyaring insidente ng pamamaril sa isang eskwelahan sa Tacloban City.
00:26Ang sangkot sa karahasan, mga minordeedad na ayon kay Co.
00:31nangangailangan ng gabay at maayos na implementasyon ng Juvenile Justice and Welfare Act sa Pilipinas.
00:37Ang gusto nating mangyari, makita kung bakit nagkaroon ng ganitong pagkapasok sa karahasan,
00:46ang isip ng kabataan at ano pong mga aksyon ang kailangan natin gawin para hindi ito maulit-ulit.
00:53Sa Section 20 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,
00:57nakasaad na kung labing limang taong gulang pababa ang isang batang nasangkot sa paglabag sa batas,
01:02dapat siyang ilabas agad sa kustudiya ng mga otoridad at i-turnover sa magulang, guardian o social welfare authorities.
01:09Pero sasa ilalim ang bata sa intervention program sa halip na ordinaryong paglilitis sa isang krimen.
01:15Samantala, sa naging amendment naman ang nasabing batas para palakasin ito,
01:20nakasaad na ang bata ay sasa ilalim sa community-based intervention program sa ilalim ng social worker.
01:26Habang sa ilang sitwasyon, ay pwede itong i-refer sa youth care facility o bahay pag-asa
01:31depende sa kung anong makabubuti para sa interes ng bata.
01:34Ang pambansang pulisya, pabor sa pagpapababa ng edad ng maaaring mahatulan ng pagkakabilanggo.
01:41Sa halip na 18 ang edad ng pwedeng makulong,
01:44ang nais nila, ibaba ito sa 12 anyos dahil tumataasan nila ang bilang ng mga nasasangkot na kabataan
01:50sa paglabag sa batas, ayon sa nakalap nilang datos.
01:55Pero ang ilang mga kongresista, tutol sa pagpapababa ng age for criminal liability.
02:00Paninindigan ni Manila 3rd District Representative at miyembro ng House Committee on Justice na si Joel Chua,
02:05hindi pagpapababa ng minimum age of criminal liability ang solusyon sa nangyaring karasan sa eskwelahan,
02:12kundi ang pagbabalik ng tamang pag-uugali, mapagmahal na gabay mula sa guro at magulang,
02:17accessible na tulong sa mental health at pagkakaroon ng leader at mga nakatatanda na magsisilbing huwaran para sa mga kabataan.
02:24Kapareho rin niya ang naging sentimiento ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women's Party Representative Sara Elago.
02:32Pananaw niya, hindi lamang age of discernment ang dapat kwestyonin,
02:36kundi kung anong klaseng lipunan ang nagtuturo sa mga bata,
02:39nakatanggap-tanggap ang karahasan kung saan normal ang bullying, pananakit at kawalan ng pananagutan.
02:46Naniniwala rin si Elago na sinusunda ng kabataan kung ano ang nakikita nila sa lipunan kung saan normal o mano
02:53ang karahasan at impunity.
02:56Katulad na lamang noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang habas ang pagbumura sa telebisyon at social media
03:04na may direktang akses ng publiko.
03:06Kasali na rin dito ang karahasan noong war on drugs.
03:09Profound kapag ang Pangulo ay nagmumura at nagsasabi na babaril, papatay sa pag-iisip ng kabataan.
03:21Ayaw natin na makita ito ng kabataan bilang ehemplo or mga examples of behavior.
03:26So kaya po tuloy-tuloy yung processes of accountability natin.
03:31Buo ang pakikipag-ugnayan ng mga mambabata sa Senado at sa iba pang ahensya ng pamahalaan
03:37hinggil sa magiging resulta ng investigasyon sa nangyaring shooting incident sa eskwelahan.
03:42Samantala, sinabi naman ni Ko na sa panahong umiikot ang mundo,
03:46hindi lang ng kabataan kundi pati ng publiko sa social media
03:49ay primaryang responsibilidad ng social media platforms
03:53na tiyaking ang kanilang content algorithms ay nararapat depende sa edad.
03:58Shilan Natividad para sa Bayan.
Comments