00:25Transcription by ESO
00:53Transcription by ESO
01:00Kapag ang krimen nila ay karumaldumal tulad ng murder, rape, arson o iba pa,
01:06pagbabayarin din ng danyos ang mga magulang ng menor de edad,
01:09malibang kung mapatunayan nilang naging sapat ang kanilang pagbabantay sa kanilang anak na gumawa ng krimen.
01:16Pinabulaan na ni Sen. Kiko Pangilina na isa sa may akda sa RA 9344 na walang pananagutan at malaya ang
01:24mga menor de edad na gumawa ng krimen.
01:29Marami kasi ang nagkakalat ng disinformation o maling informasyon na pagka menor de edad ay walang pananagutan.
01:39Merong mga kaso aktwal na mga menor de edad, nagkasala, hinus offenses, na dahil nga they acted with discernment,
01:50ay nasintensyahan at naparusahan at kasalukuyang ay nakapiit.
02:00Sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
02:03bukas si Pangulong Bongo Marcos na amyandahan ng batas na nagtatakda ng minimum age ng criminal responsibility.
02:10Hindi tinukoy kung sa anong edad dapat ito ibaba, pero reasonable daw kung gagawin itong edad labindalawa.
02:17Supportadurin ng Philippine National Police ang panukalang magbaba sa ganitong edad ng kriminal na pananagutan.
02:23Tutol naman ang Save the Children Philippines na ibaba ang minimum age of criminal responsibility.
02:30Implementasyon lang naman daw ang problema at hindi ang batas.
02:34Ito rin ang pananaw ng Department of Social Welfare and Development ayon kay Secretary Rex Gatchalian.
Comments